LMT 3

971 26 1
                                    

"Hey. You're the beautiful girl I met in NAIA 3 years ago. We didn't introduced ourselves properly, by the way I'm Vince Gabriel Montenegro. But you can call me Gab." nakangiting naglahad siya ng kamay sakin. SHEET! Can I call you 'mine' instead? Dahil nakasando lang siya, kitang-kita ko kung paano nagflex yung muscles niya sa braso. Pwede kaya akong maglambitin diyan? Ooops. nahahawa na ako kay Angie.

"H-hi. I'm Christy, Christy Gonzales." at parang may kuryenteng dumaloy nung inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa akin. Ngiting-ngiti siya sa akin habang nakikipag shake-hands sakin. Kinikilig din siguro to? Haha

"Nice to see you again. It must be fate who bring us here together." may halong biro niyang sabi sakin. Ay, tayo talaga ang meant to be ano ka ba? Haha

"OH MY GOD! Is that you Gab?" sabay naman kaming napalingon kay Angie na kumikinang pa ang mata habang lumalapit kay Gabriel.

"Angie Martin! Anong ginagawa mo dito? Boy hunting?" natatawang tanong niya kay Angie. Magkakilala sila? Antagal kung hinanap etong si Mamang nakaPink tapos kakilala naman pala niya?!! Magtutuos tayo mamaya Angie.

"Ano ka ba naman Gab, boy hunting ka dyan! Sinasamahan ko lang tong bestfriend ko na mag unwind,sobrang busy kasi niyan sa work e.Hinahanapan ko din yan ng boyfriend. You know, lola na yan pero SINGLE pa din, iniintay siguro niyan yung---"

"Angie!" putol ko sa sasabihin niya. Ibuko daw ba naman ako? At talaga namang pinagdiinan pa ang word na 'single' gaga talaga.

"Mommy'la, let's swim na po." napatingin naman kami kay Simone na hinihila na ang kamay ko papunta sa dagat.

"Anak mo?" tanong naman sa akin ni Gab. Na ikinatawa naman ni Angie ng malakas.

"Ano kaba naman Gab. Apo na yan ni Christy. Simone, introduce yourself to Daddy'lo." nakangiti si Angie habang sinasabi yan. At talaga naman, daddy'lo? Ano yun nirereto na naman niyan ako. Nakakahiya talaga!!

"Hi po! I'm Simone Cordova. My mommy'la 's boyfriend." proud na pakilala niya kay Gab. Umaandar na naman ang paka possessive ni Simone na nagpatawa sa amin ni Angie. Napangiti naman si Gab sa sinabi ni Simone.

"Boyfriend? Hello. I'm Gab. And sorry about earlier, I didn't see your coming kasi." nakangiti ding pakilala naman ni Gab kay Simone.

"It's okay po. It's my fault too. Let's go na po. Swimming na tayo!" Kaya nag punta na kami sa may beach umbrella para ibaba ang dala naming towel. Niyaya na din ni Angie si Gab na sumama sa amin. Tsaka naman niya isinama sa may dagat si Simone.

"Mag 'getting-to-know-each-other muna kayong dalawa diyan, ako ng bahala kay Simone." paalam niya sa amin. Naupo muna kami ni Gab dito at tsaka pinanood ang mga tao na nag eenjoy sa dagat.

"Ahm, pasensiya kana kay Angie." simula ko, ang awkward naman kasi.

"Okay lang. Ganyan na din dati yan, walang pinagbago." natatawang sabi niya.

"Oo nga pala, pano nga pala kayo nagkakilala ni Angie?" nakakacurious naman kasi. Tapos kanina may pagkapit pa si Angie sa mga braso niya.

"Ah. Nagkakilala kami niyan sa isang business party. Nag iinvest kasi ako sa kompanya ng ex-husband niya kaya ko siya nakilala." paliwanag naman niya.

"Ah.. ganon ba?" akala ko kasi isa ka din sa mga naging prospect niya e. Humanda sakin si Angie kung ganun. Pero syempre sa isip ko lang yun, nakakahiya naman kasi.

"By the way, kamusta kana? Di ko alam na may apo kana pala? Hindi kasi halata. Para ngang nasa mid 20's ka lang e. And what's with the nommy'la and daddy'lo."

"Okay lang naman. Ikaw? Ikaw naman, 52 na nga ako e, no ka ba? Tsaka mommy'la ang tawag niya sakin para you know hindi masyadong nakakatanda. Tapos si Angie, tita ang tawag sa kanya ni Simone dahil hindi pa daw siya tumatanda." natatawang kwento ko sa kanya. Infairness magaling siyang mambola. Imagine mukha daw akong nasa mid 20's lang. Sus!

"Oh! I thought your just 25 or 26 when I first saw you. Funny din pala yang si Angie hanggang ngayon. And Simone is quite possessive on you." nakangiti niyang sabi sakin. Mukhang matagal na nga silang magkakilala ni Angie.

"Thank you! And yeah! Tuwing may lumalapit sakin na lalaki ginugwardyahan niya nga ako. Ako na kasi ang nag aalaga diyan dahil yung mommy niya ang nagmamanage ng mga botique ko sa ibang bansa."

"Ah. You're the famous Christy Gonzales. I saw you on TV and also in magazine. Your works are really beautiful."

"Thank you!" sagot ko na lang sa kanya. Madaldal din pala ang isang to. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa business at nalaman ko na CEO pala siya ng Montenegro Incorporation na kilala sa buong Asia. My G! Ang hot na ang yaman pa. At ang tumatak sa isip ko habang nagkukwento siya e isa siyang SINGLE. May pag-asa. Haha Kasi magpopropose na daw sana siya sa girlfriend niya noon ng makipagbreak ito sa kanya. Ang loka naman nung babaeng yun, kung ako sa kanya hindi ko na to papakawalan pa. Tapos after nung relationship nila, flings na lang daw siya. Hindi pa din daw siya nag aasawa kasi nabusy na din siya business nila na lumalago sa buong asya. At siya din ang nagpapalaki sa dalawa niyang pamangkin pagkatapos mamatay ng magulang ng mga pamangkin niya. Na kasama niya din dito sa resort. Ganyan kami kaclose ngayon kasi kahit mga personal na bagay e napag uusapan na din namin. Nakwento ko na din sa kanya ang tungkol sa yumao kong asawa pati na rin ang nangyari sa amin ni JC. Nalaman ko din na magfi55 na pala siya sa September. Hindi nagkakalayo ang age namin, pwede. hihi

Natigil lang ang kwentuhan namin ng dumating si Angie at Simone na nagyayaya ng kumain kaya nagpaalam na rin kami sa isa't-isa ni Gab. Niyaya din kami ni Gab na sumabay nang magdinner sa kanila na ikinatuwa naman ni Angie.

"We'll wait you there at the Seafood restaurant near the hotel." wika ni Gab

"Sige. Mag aayos na muna kami." sagot ko naman sa kanya na may ngiti sa labi. Syempre naman, pa twitams muna, sabi nga ni Angie. Haha

"At dahil tapos na ang getting-to-know-each-other niyo na halata namang nag enjoy kayo. Yayain mo nang magdate yang si Christy Gab. Pareho naman kayong single e." napapantastikuhan akong napatingin kay Angie. Nakakahiya talaga, wala man lang preno ang bibig niya. Although nagustuhan ko naman talaga ang company ni Gab. Napatingin naman ako kay Gab na nakatingin sakin at nakangiti.

"Sure. Why not?"

WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!

----------

A/N: Wala akong maisip na fiction name for Richard Gomez, so pinaghalo-halo ko nalang muna TLA,YMH at WH. Hehe ~^O^~

Love Me Tomorrow II CHARDAWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon