LMT 8

946 24 2
                                    

Yung tampo mong nararamdaman at kinimkim mo nang mahigit isang buwan, dalawang salita lang wala na. 'Let's date' lang yung sinabi niya pero yung pakiramdam ko parang tinanong na niya ako nang 'Will you marry me". Oo ganung kaOA! Araw-araw lang na laman nang isip ko ngayon nagyayaya na nang date. Wapak!

"Nakapaglunch kana ba?" sakay na kami ngayon sa kotse niya. Matapos kasi niya akong hilahin palabas ay dumiretso kami sa parking at tsaka niya ako pinasakay dito sa kotse niya.

"Not yet." I honestly answered him. I'm too busy kasi kanina sa pagchecheck nang designs na pinasa sakin kanina.

"Oh. Let's eat first then. Where do you want to eat?" at tsaka niya ako saglit na tiningnan bago ulit binalik ang tingin sa daan. I can feel his finger making circles on my shoulder. His right arm is at the back of my seat. Kaya parang naka-akbay din siya sakin.

"Ikaw bahala. Kahit saan, basta kasama kita." nagpipigil ako nang tawa nang tumingin ako sa kanya. Paano ba naman, hindi agad siya sumagot tapos pagtingin ko sa kanya, namumula na yung pisngi at tenga niya pati leeg. Haha Wag mong sabihing--?

'"You're blushing!" pagbubuking ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang pagtawa ko nang malakas. Wahahaha. Kasi naman!

"I-I'm not!" tanggi niya. Lalo naman akong natawa kasi hindi na siya tumitingin sakin tapos yung kamay niyang nakalagay sa likod nang inuupuan ko ay tinanggal na niya.

"Oh My God! Hindi ka makatingin sakin e. Yieeeehh. Hahaha" ang cute niya pala pag kinikilig. haha "Kinikilig ka noh?" sinundot ko siya sa may tagiliran niya kaya napaigtad siya.

"S-stop it. Baka maaksidente tayo Christy." suway niya sa akin.

"Bakit tayo maaaksidente? Dahil sa kilig mo?" pang aasar ko sa kanya. Nahahawa na din siguro ako kay Angie dahil nagiging makulit na din ako.

"You're too happy today? Why, Is it because I'm here beside you? Angie told me that you always asked her to call me." dahil nakaharap ako sa kanya kaya kitang-kita ko ang pag angat nang gilid nang labi niya. Agad akong napaayos nang upo at napatingin sa daan. Hindi alam ang isasagot sa kanya. Ramdam ko rin ang pag iinit nang aking pisngi. Jeez. Ang daldal talaga nang Angie na yun. Akala ko ba, bestfriend kami, Bakit niya ako nilalaglag kay Gabriel?

Totoong masaya ako kasi nawala na yung agam-agam dito sa dibdib ko nang malaman ko ang dahilan nang hindi niya pagpaparamdam nang isang buwan. Tapos extra sweet pa siya sakin.

"Di kana nakaimik diyan? Kinikilig ka noh?" panggagaya niya sa sinabi ko sa kanya. Ramdam kong nakangiti din siya kahit hindi ko na siya tingnan dahil sa tono nang boses niya.

"E-eh di wow!" yun na lang ang naisagot ko. Ako lang yung kaninang nang aasar sa kanya a, bakit bumalik sakin? Ambilis talaga nang karma.

"W-what? What wow?" napakunot naman ako nang noo ko. Anong wow? Seriously?! Muntik ko nang makalimutan na business tycoon nga pala ang kausap ko. Kamalayan ba naman nito sa mga ganung word. Haha Ang alam lang nito business transaction,deals, contracts, papers, meeting, etc. Ganern!

"Wala. Teenagers nowadays are very fond of saying things that only them who can understand. That's the new generation now, oldies can't understand them. Well, except me and Angie." at tsaka ko kinuwento sa kanya ang mga naging karanasan namin kasama ang mga millenial. One time kasi, niyaya kami ni Angie nang barkada ni Janine sa isang party, ayaw ko sanang sumama nun pero kasi pinakiusapan ako ni Janine kasi parang padespidida na din daw niya iyon dahil pupunta siyang paris para makahanap nang inspirasyon sa bago niyang isusulat na libro kaya napapayag na din ako.

At dahil puro mga kabataan ang mga nandun at nakakwentuhan namin, tinuruan nila akong gumawa ng Instagram or IG daw for short para daw maitag din nila ako. Sa kanila ko din natutunan yung mga word na, Hokage, Memes, Ganern, Wapak basta madami pa. Haha Tinatamad na daw kasi ang author magtype e.

"Ang astig nang mga teenagers ngayon no? Nung kabataan ko nga, basta dumilim bawal nang lumabas nang bahay tapos pagdating nang alas otso kelangan, tulog na agad. Pero ngayon, gabi na gumigimik tapos umaga na natutulog."

"Astig?" Lengya.

"Sa haba nang sinabi ko, yun lang naintindihan mo? Astig means cool." ganoon na ba siya kabusy para hindi niya malaman ang mga ganun? Pasasamahin ko nga to kay Angie para di naman boring ang life niya. On the second thought, wag na lang pala. Baka kung ano pang ipagtururo nun dito. Ako na lang ang sasama sa kanya. Haha

"I'm sorry. It's just that, some words that comes out from your beautiful mouth are unfamiliar to me. You're also astig." napatingin naman ako sa kamay niya na ngayon ay nakahawak na sa kamay kong nasa ibabaw ng hita ko. Pagkatapos ay siya naman ang tiningnan ko dahil sa huli niyang sinabi kaya napatawa din ako.

"But you know what, sometimes the social media is not healthy for us. Minsan kasi, diyan nagsisimula ang mga away. Cyber crimes. Also the social media is an easy way to gossips from other people's life. And one more thing, social media makes teenagers to sleep late at night. Example na diyan si anakngchardawn."

"Grabe ka naman. How did you know that?" tingnan mo 'to, andaming alam sa social media pero yung mga simpleng words di alam.

"Remember Eunice? She's always attatched to her gadgets. And she's always telling me that her facebook friends has those things and the likes." bakit ba english nang english tong si Gab e nahihirapan na nga daw ang author magcomposed nang english. Haha

"Ano ka ba, di naman puro kasamaan ang naidudulot nang social media noh. Through social media we can communicate to our love ones who are away from us. We can also know what's their current status. Social media is a big help to those OFW's who are away from their family. Tsaka, nauubusan na daw nang English ang anak ni Dawn at Richard kaya tigilan na natin 'tong debate natin. Haha"

"Right. Baka mabasted mo pa ako dahil lang dito. Haha"

Ilang saglit lang din ay nakarating na din kami sa isang Italian Restaurant. Pagkadating nang order namin ay agad ko namang pinicture-an ang pasta na aking inorder.

"What are you doing?" nakakunot noo niyang tanong sakin. Naweweirduhan siguro. Haha

"Pinipicture-an ko lang tapos ipopost ko sa IG. Ay wait, selfie tayo." At tsaka ko naman agad tinaas ang cellphone ko. Alam na niya ang selfie kasi naturo ko na sa kanya yun kanina.

"Lapit ka nang konti para kita ka tsaka yung inorder natin." kita ko sa screen nang cellphone ko ang paglapit niya sa akin. Naramdaman ko din ang pisngi niya sa pisngi ko, ang kaliwa niyang kamay ay nasa balikat ko habang ang kaliwa kong kamay naman ang may hawak nang cellphone. Magkaharapan kasi kami ni Gabriel at may lamesa lang na nakaharang sa pagitan namin.

"Smile!"

"Can we eat now or another selfie?" nakangiti niyang tanong sakin. Ang cute!

"Tama na. Gutom na din ako eh." at tsaka kami nagtawanan.

Love Me Tomorrow II CHARDAWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon