Chapter 31.Confused

1.8K 45 0
                                    

Anndy's POV

Patuloy ako sa paglalakad sa gitna ng madaming bakanteng lote at ingat na ingat na nagtatago upang hindi makasalubong si John o kahit na sinong tropa nito. Gags! Nangangati na ako! Bakit ba kasi dito ako napadpad! Nahagip ng mata ko si Sophia na nakikipaglaban sa loob ng lumang club house. I'm about to run towards her upang back-upan sya dahil sa unti unting paglapit ni Aldrich dito upang sugurin nang may isang matalas na bagay ang tumama sa likod ko at bahagya akong napadaing.

Agad ko namang hinarap na may kasamang sipa ang taong may gawa noon sa akin at tumalsik naman ito sa damuhan. Bumalik ang mata ko kay Sophia at napahinga naman ako ng maluwag ng makita ko si Angelo na pinigilan si Aldrich sa pagsugod dito. Bahagya kong hinawakan ang likod kong dumudugo at muli akong tumingin sa lalaking humiwa ng likod ko at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na si John ang taong naka-gray na iyon. Tatakbo na dapat ako palayo pero hindi ako nagwagi dahil hinarang ako ng kamyembro nya at tinutukan ng baril. Itinaas ko ang kamay ko bilang pagsuko.

Ramdam ko ang pagtayo ni John mula sa likod ko at noong makalapit ang may hawak ng baril na nasa unahan ko ay agad kong tinabig ang kamay nyang may baril sabay sipa kay John na lumapit din mula sa likod ko. Tumalsik naman ang baril kasabay ng pagyoko ni John sa sakit. Bwiset! bakit kailan pang magkaharap kaming muli! sinapak ko naman sa mukha ang nasa harapan ko dahilan ng pagtumba nito sa damuhan. Tatakbo na sana akong muli nang maramdaman kong may humiwa ng tali ng maskara ko at unti unti itong lumuwag hanggang malaglag sa lupa.

Huminto ang mundo ko dahil sa takot, takot na baka makita ako ni John. Hindi ako lumingon sa likod ko at piniling tumakbo palayo pero hindi pa ako nakaka dalawang hakbang ay nakaramdam ako ng matilos na bagay na tumusok sa kanang tagiliran ko. Unti unti akong napaluhod nang hugutin nya ang sword na itinusok sa tagiliran ko mula sa likod. Yumuko ako at hinipo ang tyan ko at nanghina ako dahil sa parang gripong natagas sa dami ng dugong lumalabas. Ramdam ko si John na pumunta sa harapan ko at ikinumpas ang sword nya para tuluyan ako nang mapagdesisyunan ko nang tumunghay.

Napapikit ako dahil sa pagbwelo nya para ihampas ang sword sa leeg ko pero ilang segundo ang dumaan ay wala akong naramdaman na tumama sa akin. Unti unti kong iminulat ang mata ko at doon nakita ko ang paglaglag ng sword ni John at ang pag atras nito.

"A-anndy?" utal niyang sabi pagkatapos ay napangiti na lang ako ng mapait.
---

Nagmulat ang mga mata ko dahil sa napanaginipan ko. Hanggang panaginip ba naman sinusundo na ako ni kamatayan? Babangon na sana ako ng makaramdam ako ng kirot sa tagiliran ko. Sh*t! Napanaginipan ko pala yung nangyari sa akin sa subdivision! Akala ko hindi yun totoo! Sh*t talaga! Inikot ko ang paningin ko at nasa hospital ako. Anong ginagawa ko dito?! Sinong nagdala sa akin dito? Nagulat ako nang bumukas ang pinto at dahil sa taranta ay nagpanggap ako na natutulog.

John's POV

Mabilis akong bumalik sa tagaytay kung saan ko dinala si Anndy matapos ko syang saksakin. Natatawa na lang ako sa katangahan ko! Sinaktan ko tapos ngayon ako pa ang tumutulong! Hah! Bakit ko nga ba tinutulungan si Pink? Pero dapat ko bang pabayaan si Anndy? Hindi! Hindi dapat! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Is she awake?" Pumasok ako sa room ni Anndy at agad namang sumunod sa akin si Ate Cheska na galing din sa labas.

"Bakit bumalik ka kaagad? You look tired John maupo ka muna" alalang sabi sa akin ni ate Cheska at inalalayan akong maupo sa couch. Buti na lang at taga tagaytay ang ate kong ito at nakita ko sya kaninang madaling araw na nagjojogging. Alam nya ang pagkatao ko pero kahit hindi nya alam ang nangyayari kanina ay agad syang kumuha ng damit para sa amin dahil nakacostume pa kami. Sya rin ang nagbihis kay Anndy habang nasa byahe kami papuntang hospital.

The Three Identities (Completed)Where stories live. Discover now