Chapter 1 : meet my roommate

242 8 0
                                    

pic ni dylan --->

STEVEN POV

“What?! Dad, you can’t do this to me!” napasigaw ako sa sinabi ni dad sakin. Nandito ako ngayon sa bahay dahil pinatawag ako ni dad, may sasabihin daw na importante. Kaya ako naman, napakamasunurin, pumunta dito. Di ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi nya.

“It’s final. Steven. Now take care of yourself.” Mahinahon na sabi ni dad habang nagbabasa ng dyaryo. Nasa terasa kami ng malaking bahay namin. Di talaga ako makapaniwala sa balita ni dad. 

Kinuha nya ang condo na tinutuluyan ko at ang kotse na ginagamit ko! At worst of all, hindi ako pwedeng tumira dito sa bahay! Ang sabi nya, sa isang dorm malapit sa school na pinapasukan ko ako titira.

“But dad—“ aangal pa sana ako pero tinaasan nya lang ang kanang kamay nya, it means “My decision is final. No more talking.” Argh! I can’t take this! Paalis na sana ako ng terasa ng makasalubong ko si mom. 

“Mom, kausapin mo naman si dad.” Yumakap pa ako kay mom para mas effective ang arte ko. 

“Sorry, baby. Pero kung anu napagdesisyunan ng dad mo, wala tayung magagawa.” Napabitaw ako bigla ng sinabi nya iyon. Umalis na lang ako.

“Baby!” habol ni mom sakin pero di ko sya pinansin. Narinig ko pa sinabi ni dad bago ako tuluyang makalayo.

“Pabayaan mo yan. Kinukunsinti mo kasi. Tingnan natin kung di sya matuto ngayon sa mg kalokohan nya.” 

Kalokohan?! Anung kalokohan? Yung paggimik ko sa gabi, yung pagdadala ko ng babae sa condo ko, yung pag ka cutting classes ko at kung anu ano pa? Oo, inaamin ko, totoo yun pero akala ko nasanay na sila. Siguro napundi na sila dahil maya’t maya may nagsusumbong sa kanila ng mga kalokohan ko.

Masisisi nyo ba ako? 18 yrs/old pa lang ako. Binata. Syempre ienjoy natin ang pagiging bata dahil hindi naman tayo panghabang buhay na bata. Ginagawa ko lang naman kung anu yung gusto ko. Bakit di nila makita iyon? 

Biglang nagring cellphone ko na nasa bulsa ko.

“Hello.” Nayayamot na sagot ko sa kausap ko. Palabas na ako ng bahay namin at papunta sa nakaparadang kotse ko. 

“Pre, may gimik daw mamaya. Sama ka?” sabi ng nasa kabilang linya. Si chris yan, kabarkada ko. Sasagot na sana ako ng oo ng biglang sumigaw si dad sa itaas ko.

“Steven, you better pack your things now or else sa labas na ng condo mo makikita iyon.” Argh! Gusto nya talaga ako paalisin sa condo ko.

“Hello? Steven? Sino—“

“Sorry pre, di ako makakasama. May gagawin pa ko.” Damn! Gusto ko pa naman sumama. 

“Panu si—“ 

“And also Steven, magsimula ka ng magcommute o kung anu pa man dahil di mo na pwedeng gamitin ang kotse mo.Bye bye!” pahabol ni dad na nakangising aso. Nag wave pa sya sakin. Halatang nang aasar ang loko. Kung di ko lang ito tatay, baka na mura ko ito. Takot ko lang kung mamura ko ito si dad, baka sa kangkungan na ako pulutin pag ginawa ko yun.

“Steven?” sabi ni chris na nasa kabilang linya pa rin.

“Argh! Sorry pre, next time na lang.” Inend ko na yung tawag at aalis na sana ng tinawag ako ni dad.

“Anu na naman? May nakalimutan ka pang kunin?” sarkastikong sabi ko. May binato sya sakin na sinalo ko naman.

“Yan nga pala yung address nung dorm. Ingat!” Tiningnan ko yung papel. Nakalagay nga yung address na titirhan ko. Malapit nga lang ito sa school, alam  ko ito. May mga kakilala ako na doon nag dodorm.

Cruel Fate (boyxboy) (HIATUS)Where stories live. Discover now