Chapter 2: he's a jerk

185 9 2
                                    

pic ni steven --->

STEVEN POV

Sa wakas nakarating din sa impiyernong titirhan ko. Tiningnan ko ang itsura ng dorm na paglalagian ko. Walang binatbat ito sa condo ko. Badtrip! Ang nakakainis pa, nagtext mga kaibigan ko at nagkakasayahan sila. Kung di ba naman nang iinggit.

Pumasok na ako at kinausap yung receptionist. Halatang nagpapacute yung babae na nginitian ko lang at kinuha yung susi ng kwarto ko. Ang sabi niya may kasama daw ako doon. Kinindatan ko sya at umalis na. Nakita ko pa na halos maglupasay sya sa kilig. Napangiti lang ako. 

Well, ganun talaga, gwapo eh. Hehe 

Nakita ko kaagad yung kwarto at pumasok na. Di kalakihan yung loob. May dalawang kama, dalawang cabinet, dalawang mesa at upuan. Dumiretso ako doon sa kaliwa dahil halatang may may ari na nung kanan.

Binagsak ko lang sa sahig yung mga maleta ko at tumalon pabagsak sa kama. Well, at least, malambot yung kama. Hinubad ko pang itaas ko at pantalon. Naka boxer lang kasi ako kung matulog. 

Di ko namalayan na nakaidlip ako. Paggising ko, 10:30pm na. Paglingon sa kabilang kama, wala pa rin yung ka roommate ko. May curfew pa naman. Kinuha ko yung isang maleta ko at nagkalkal. 

Napalingon ako sa pintuan dahil naramdaman kong may iba pang nasa kwarto. Napataas kilay ko ng makita ko kung sino yun. Sya yung lalaki sa tren, yung nakipagtitigan sakin. Akala nya siguro uurong ako sa pakikipagtitigan. Wag na sya umasa dahil dyan ako magaling. Nakita ko syang naglakad papunta sa kabilang kama at inayos yung gamit nya.

Teka? Sya ang ka roommate ko? Hmmm…. 

“Hey” tawag ko sa kanya pero di ako pinansin. Di nya siguro ako narinig.

“Hey!” tawag ko ulit pero di man lang sya lumingon sakin.

“Hoy!” nagpupuyos na ako. Uupakan ko na ito. Ang gandang kausap eh no, di man lang sumagot. 

“Ano?” nayayamot na sabi nya at tumingin sakin. Aba? Sya pa may ganang magalit. Kinakausap ko lang sya. 

“Ikaw ba ka roommate ko?” tanung ko ng binalik nya atensyon nya sa bag nya na ngayo’y hinahalungkat nya.

“Sa tingin mo bat nandito ako?” sarkastikong sabi nya. Aba, pilosopo itong gagong ito. Pero napansin ko lang namumula pisngi nya.

“Bat namumutla ka?” 

“Wala ito.” Nag iwas sya ng tingin at kinalkal yung gamit nya, Bumalik na ako sa kama at patihayang bumagsak.

“I’m Steven. You are?” di pa rin sya sumagot imbes, inignor lang ako! Tiningnan ko lahat ng galaw nya. Napakunot noo ako ng may mapansin ako. Parang iniiwasan nyang mapatingin sa gawi ko. Bakit anu bang meron dito?

Tiningnan ko yung pader, kama, cabinet at maleta ko, wala namang kakaiba. Tiningnan ko rin sarili ko, naka boxer lang ako. Naka BOXER? Teka namula sya nung tumingin sya sakin? Wala akong pang itaas kaya nakatambad ang kamachohan ko. Nanlaki mata ko sa realisasyon.

“Are you gay?” naibulalas ko sa kanya at napatayo. Lumingon sya sakin na nakakunot noo. 

“Are you gay?” balik tanung nya at inignore na naman ako. Hindi ako pwedeng magkamali, bakla ito! Fckk! Sa lahat ng nabubuhay sa mundo, bakla ang pinaka kinamumuhian ko! Paano ba naman tikan na akong ma rape dati ng bakla! At ngayon, makakasama ko sa iisang kwarto na ito ay bakla. OH COME ON!!! Pinagtitripan mo ba ako BRO?

“You’re gay” nasabi ko na lang at humiga. Di nya ako pinansin at pumasok sa isang pintuan doon. Banyo ata yun. Well at least, may sariling banyo mga kwarto dito. Narinig ko na lang lagaslas ng tubig.

Cruel Fate (boyxboy) (HIATUS)Where stories live. Discover now