Chapter 21

77.9K 1.3K 55
                                    

Isa siya sa matalik kong kaibigan. Sa pagkakaalam ko, siya ang kaunaunahan kong reader dito sa Watty. Sakanya ko una pinabasa ang Barkada Trip :D Wattpad addict din siya. Sakanya nanggaling lahat ng softcopies ng story from Watty na nabasa ko XD  So this Chapter is dedicated to her. Hi, bebe Fat! ♥

Yow yow yow wassup wassup, gais! Bago na ang cover ng UC. Salamat nga pala sa ilang sumagot. Yie. Ayan na po 'yung long flawless legs ni Summer. *witweew* Haha. I hopia layk et! =) Anwy, this Chapter is 13 pages sa Word. Sana ay mabusog ko kayo sa Chapter na ito. 

- - -

Sinara ko ‘yung gripo matapos mag-mumog. Tinitigan ko ‘yung mukha ko sa salamin at inayos ‘yung basa kong buhok. Bat ang ganda ko? Charot! De, kahit kasi ang lalim ng eyebags ko, mas pansin ‘yung lawak ng ngiti ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi ko kasi talaga maintindihan ‘tong nararamdaman ko. Alam mo ‘yung pakiramdam na ang saya mo pero may halong guilt? Eto ‘yun eh. Masaya ako. Kasi… in love ako.

Masaya ako kasi… nalaman kong mahal ako ng taong alam kong mahal ko din. Pero naguiguilty ako dahil… tama ba ‘to? Mali ‘to di ba? Paano na kapag nalaman niya ‘yung pakay ko sakanya? Panloloko ‘tong ginagawa ko di ba? Pero kasi masama siyang tao. Siya na mismo nagsabe, isa siyang kriminal. Kung tutuusin dapat pinaamin ko na sakanya kagabi 'yung mga dapat kong malaman. Pero bakit walang pakialam ‘tong puso ko kung kriminal man siya? Aaaysh! At ang isa pa, may boyfriend ako. Masaklap pa… kapatid niya. Summeeeeer! Tinapik tapik ko ‘yung pisngi ko. Ano ba ‘tong pinagpapasok moooo!

Paglabas ko ng banyo, sinalubong ako ng ngiti ni Gyno. Lumapit ako sakanya at hinawakan ‘yung salamin ng picture frame. “Baby, ano ba ‘tong pinasok ko? Tama ba ‘to? Ay. Bakit ko ba tinatanong kung tama eh alam ko namang mali. Pero baby, gabayan mo ako ah. Pag hindi ko na kaya, ikaw ang lalapitan ko ah?” Tinitigan ko si Gyno kahit na alam kong wala naman akong makukuhang sagot mula sakanya.

“Suuuumm! Nagsasalita ka na namang mag-isa diyan! Sige ka, pagsumagot talaga ‘yang si Gyno! Lumabas ka na diyan at mag-aalmusal na!” kalabog ni Bridge sa pinto ko.

Nagbihis na ako at nag-ayos. Pagpunta ko sa kusina, kumuha lang ako ng apple at umalis na. Hindi ko na sila sinabayang mag-almusal dahil late na ako. As usual.

Pagdating ko ng office, wala si Trevor sa loob ng opisina niya. Nasa meeting. Phew. Buti naman dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin. Tinakasan ko kasi siya kagabi. Habang mahimbing pa ‘yung tulog niya, umalis na ako.

Ginawa ko na ‘yung pangkaraniwang trabaho ko. Reply sa emails, receive incoming calls, at ayos sched.

Napatigil ako sa pagtype ng marinig kong may papadating. Shoot. Baka si Trevor na ‘to. Huminga ako ng malalim at nagtype na uli. Naaninag kong palapit na siya. ‘Wag kang lilingon, Summ! ‘Wag kang lilingon!

“Ms. Castillejo,” ma-awtoridad na tawag niya.

Napatingin ako bigla sakanya. Sabe ng ‘wag lilingon eh! Ayan tuloy, tunaw na naman ako! Napatitig ako sakanya dahil naka-full smile siya at nakatingin sa akin. Anak ng tinapa, kegwapo talaga oh! Hormones! Magtigil!

“Good morning,” he nodded with a smile then proceeded to enter his office.

Undercover Chic (Published under Immac Publishing House)Where stories live. Discover now