Motibo

1.1K 42 6
                                    

Ilang araw na ang lumipas ng mangyari ang narinig ko. Hindi ko ito pinaalam sa iba tanging ako lang ang nakakaalam. At bakit naman ako maniniwala eh lasing siya nung gabing yun paniguradong di totoo ang sinasabi niya.

Pero di pa rin nawawala ang pagkabagabag ko sa tuwing naiisip ko na paano nga kung may relasyon silang dalawa.

Mga hayop sila ginamit pa talaga nila ako.

1st Day...

Papasok ako sa school ng biglang magtxt si Alex na hindi niya daw ako masusundo dahil nga busy daw siya sa pag fafinalized ng Thesis niya for checking. Pumayag naman ako dahil nga about naman sa school at busy rin ako kasi onting araw na kang Graduation kona.

"Karylle, hindi ka nga pala mahahatid ni Vice may importante daw na gagawin" sagot ni ate.

Hanggang ngayon kasi nasa Honeymoon pa si Papa at Tita Alena.

"Okay lang ate, sabay na lang ako sayo" sagot ko.

Ng maihatid ako ni ate sa school agad akong dumiretso sa Dean's Office para kunin ang pinacheck kong thesis.

"Good Morning Ma'am, kukunin ko lang po sana yung thesis na pinacheck ko para maiedit ko po" sagot ko sa Asisstant.

"Ahh okay saglit lang ahh, oo nga pala kilala mo ba si Alex Medida?" Tanong nito.

"Opo kilala ko po yung Runner up sa pagiging Magna Cumlaude?" Tanong ko dito.

"Oo yun nga yung sa Engineer Department. Ang ganda ng Thesis niya isa yun sa gusto ipublish ng school natin" sagot nito.

Nagtaka naman ako dahil nga ang sabi niya ichechek pa yun.

"Tapos na po ba yung Thesis niya?, hindi niya na po ba ifafinalized yun?" Tanong ko dito.

"Ifafinalized eh naaprubahan na yun eh, exam na lang ang hinihintay nun para malaman kung sino ang magiging CumLaude. Diba ikaw rin runner Up karin?" Tanong nito. At iniabot ang Thesis ko.

"Opo sige po salamat po" sagot ko at lumabas ng Office.

Eh bakit naman siya mag sisinungaling??.....
Siguro gusto niya lang akong i-surprize.

Natapos ang araw na ito ng walang paramdam ang Boyfriend ko.

2nd Day...

Maaga akong nagising at siyempre kailangan ko pang iedit ang Thesis ko.

Akala ko ihahatid ako ni Vice.

"Kuya Ely si Vice po?" Tanong ko.

"Ahhh nagpaalam yun kay Sir na uuwi daw muna siya sa bahay nila may sakit daw si Nash yung kapatid niya" sagot ni kuya Ely.

"Ayyy ganun po ba, kuya bago tayo umuwi daan muna tayo sa kanila para mabisita ko lang si Nash." Sagot ko at sumakay sa Kotse sinubukan kong tawagan si Alex at buti na lang sinagot niya.

"Hi..... Kamusta kana miss na kita" sagot ko.

"Oh hi Karylle, i miss you too" sagot nito.

"Nasaan ka?" Tanong ko dito.

"Nasa ano ko... Sa bahay ni tita naglalambing kasi na ipagluto ko daw ng Favorite Italian food kaya sorry kung dalawang araw na kitang hindi nasusundo ahhh"  sagot nito.

"Don't worry okay lang yun basta next time ako naman titikim ng Italian Food na luto mo ahh" sagot ko.

"Oo naman I love you" sagot niya.

"I love you and I miss you" sagot ko sabay baba.

Ng maihatid ako sa school deretso agad ako sa Library para iedit lahat ng mali ko. Kung napapansin  niyong wala yung loka-loka kong mga kaibigan dahil nag rereview yung mga yun para napasama sa mga Cumlaude.

My Gay Butler »ViceRylle«Where stories live. Discover now