Hello

1.7K 59 43
                                    

"Vice, I'm okay" sagot ni karylle.

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si karylle na nakangiti at nakatingin sa akin. Medyo nahiya ako ng konti dun dahil sa mga sinabi ko baka narinig niya.

"Okay, papasok na ako" sagot ni anne at dahan-dahang pumasok sa loob ng building.

Tahimik at walang gustong umimik sa aming dalawa dahil siguro sa hiya o awkward lang talaga.

"Bakit nga pala gusto mo malaman kung okay lang ako?" Tanong ni karylle.

"Ano.... Eh kasi sabi ni Nash nawalan ka na daw ng Komunikasyon sa pamilya mo" sagot ko sa kanya.

"Ahhh oo yun nga tinanggal ko talaga after nung Break up natin, but anyway para na rin maka focus ako sa trabaho ko" nakangiting sagot ni Karylle.

"Ahh ganun ba?, so kamusta na pag aaral mo?" Tanong ko sa kanya.

"Okay naman naka graduate naman ako ng maayos at nagtatrabaho na sa Canada." Sagot ni karylle.

"Sa canada?, eh bakit nandito ka ngayon?, dito ba yung branch niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh... Oo sa Canada talaga ako nag aaral pero kasi si Niel hinintay ko lang matapos yung mission niya then dun na kami mag sta-stay for good" nakangiting sagot ni karylle.

Niel??, parang lumaki ang tenga ko ng marinig ko ang sinabi niya ahh. Sino naman kaya siya sa buhay ni karylle.

"Niel??, kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya.

"No, no Si niel Boyfriend ko and isa siyang pulis kaya hinihintay ko kang matapos ang mission niya then we go back to Canda to stay for good" sagot ni karylle.

BOYFRIEND niya pala yun. Ahh okay at least nalaman kong naging masaya siya nung nag hiwalay kami.

"Woah!!, nice pero bakit pulis?, parang connected parin sa trabaho ko" sagot ko sa kanya kung saan ngumiti lang siya.

"Oo nga pero masasabi ko lang na IBA SIYA eh" sagot ni karylle.

Parang nakaramdam naman ako ng guilty o sakit sa puso ko ng marinig ko ang katagang "IBA SIYA" siguro nga iba ako sa bago niya pero ganun din naman ang sasabihin ko kung tanungin niya ako about sa Love life ko. Kasi sad to say parang walang siyang balak malaman ang Love life ko.

"Oh, anyway i need to go na ahh nice to meet you again ahh" paalam nito sa akin.

"Karylle, i hope this is not the last time na magkita tayo" sagot ko at ngumiti sa kanya.

Nagulat ako ng lapitan niya ako at tinitigan. Hinawakan ang mukha ko at biglang dumukot sa bag niya.

"Alam mo pag iinom ka dapat nag reretouch ka ng lipstick. Ayan tuloy nag fade" sagot nito at kumuha ng lipstick niya.

"Pasalamat ka parehas tayo ng shade ng lipstick" sagot niya at ibinigay sa akin.

"Don't worry di ko pa gamit yan, sayo na lang para maka retouch ka" sagot ni karylle at tinapik ako sa balikat ko.

"Nakakamiss ka pala" sagot ni karylle at nginitian ako at sabay umalis.

Ilang segundo akong tulala ng mahimasmasan ay agad akong pumasok at hinanap siya pero napag alaman kong sinundo na pala siya.

"Love, sino hinahanap mo?" Tanong ni Terry.

"Nothing, love I'm tired na i think we should go na" sagot ko kay terry.

"Okay love, i'll just get the car, hintayin mo na lang ako" sagot nito at lumabas.

"Vice, uuwi kana?" Tanong ni Anne.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Gay Butler »ViceRylle«Where stories live. Discover now