So close (chapter 6)

3 0 3
                                    

Maya-maya ay pigil na ito sa pagtawa.

"Nagseselos ka nga, sabagay hindi naman kita masisisi dahil gwapo naman talaga kasi ako eh". Pagmamayabang nito na hinaplosan pa ang kanyang mukha.

"At ayaw mong maagaw ako ng iba" pang-aasar pa niya sa akin.

Kaya naman ipinalo ko sa kanya ang hawak kong libro ngunit hindi ko nilakasan.

"Aray, binibiro lang kita pikon ka na agad" sabi niya sa akin na nagseryoso ang mukha at inakbayan ako.

"Alam mo naman na kahit gaano pa karami ang makita kong mga babae o kahit gaano pa karami ang makilala kong babae ay ikaw at ikaw parin ang nag-iisang love of my life ko. At wala nang makakapalit nun". Paniniguro niya sa akin.

Biglang napalitan ng ngiti ang sobra kong pagka-inis sa kanya kanina. Hindi lang dahil sa sinabi niya ngayon kundi dahil nakakasiguro din talaga akong totoo at alam niya ang mga sinabi niya sa akin kagabi na ako lang talaga ang love of my life niya.

"Siya nga pala, ba't bigla ka na lang umalis kaninang umaga hindi mo man lang ako ginising?" Kunwari kong nagtatampo parin sa kanya.

"Nakakahiya naman sayo kung gisingin pa kita baka maisturbo ka pa lalo na at ang sarap nang tulog mo mula kagabi Nangawit na nga braso ko sa nakadantay mong ulo. Pero tiniis ko na lang yun kasi dun ka komportable at baka magising ka pa kaya hinayaan ko na lang". Mahaba niyang paliwanag.

Dahil sa naparami ako nang nainom na alak kaya napasarap ako sa tulog. Hindi kasi ako sanay gaya sa mga iba kong mga kaibigan. Kapag ako kasi ang umiinom, maka-isang bote lang sapat na. Ngunit masaya ang kwentuhan namin kagabi at kumpleto ang mga barkada kaya naka tatlong bote ako ng red horse.

"Wow concern din pala sa akin ang la-loves kong ito. Damihan ko kayang uminom sa susunod. Ganun pa din kaya siya ka concern sa akin?" sabi ng naluluka kong isip.

Mas lalo pa tuloy akong kinikilig at napapamahal sa kanya. Sana lang ay ganun siya parati at wag siyang magbago sa akin.

Sakto rin namang dumating si jL kaya sabay-sabay na kaming nagtungo sa canteen.

Lumipas ang isang linggo ay naging abala kami sa mga paper-works sa school. Hindi narin kami halos mag pang-abot sa pananghalian ni jasper dahil hindi nagkakatugma ang mga oras namin lalo na at papalapit na rin ang Unigames. Sa text at call na lang kami nagkakausap. Mas mabuti narin ito para naman ma-miss din namin ang isa't-isa. At hindi yung purong sweet-sweet lang nakakaumay din kaya kong minsan. Hindi ko na rin siya masyadong inaabala dahil alam kong busy siya sa pagte-training.

Nagulat nalang ako nang makita ko na nagpi-picturial sila para sa gagawing pageant ang Mr. And Ms. University. Kalahok din pala siya dito. At nang makapag-usap kami saglit ay sinabi niyang siya daw ang napiling representative sa kanilang mga marine. Hindi na lang daw muna niya ipinaalam sa akin at baka iba pa daw ang isipin ko. Ngunit sa totoo lang naman ay okey lang sa akin. At hindi ko rin naman siya pwedeng pigilan dahil lang sa kasintahan niya ako, ayaw ko din naman siyang pangunahan sa mga bagay na gusto niyang gawin. Kaya susupurtahan ko nalang siya ng buom-buo.

Hanggang sa dumating din ang araw ng pageant. Ako pa ang kinakabahan sa kanya kaya hindi ko na siya sinamahan sa dressing room kahit pinipilit niya akong pumunta rin doon. Mas pinili ko na lang na doon ako sa crowd para naman makafucos siya. Nang tinawag na siya para magrampa ay dumagundong ang napaka-ingay na hiyawan ng mga tao. Lalo na ang mga binabaing halos maputol na ang mga ugat sa kakahiyaw. Halos lahat ng mga nanonood ay humihiyaw. Hindi na ako nagtaka kung bakit crowds favorite siya. Sino ba naman kasi ang hindi hahanga sa kanya, matangkad, maputi, smiley face at mabait. Kahit na sinong nakikipag-usap sa kanya ay pinapansin niya.

Nang lumabas din si precious ay ganun din ang hiyawan, hindi magkamayaw ang mga tao. Hindi rin naman malayong magustuhan nila si precious dahil napakaganda rin nito. May angking itong karisma na nagugustuhan ng mga kalalakihan. Sa sexy niyang katawan at makinis na mukha ay mai-inlove ka. Yun nga lang sobrang kinaiinisan ko siya, ewan ko nga rin kung bakit basta feeling ko ayaw ko siyang maging kaibigan. Na parang naaasiwa ako pag andiyan siya. Hindi ko rin talaga maintindihan basta ganun.

Nang i-announce na ang mga nanalo ay best hakot ang aking la-loves. Siyempre siya ang champion. At ganun din naman si precious na mukhang tuwang-tuwa na sila ni jasper ang nanalo. Pero wala akong pakialam sa kanya basta masaya ako para kay jasper.

Kinabukasan ay laro na nila jasper sa basketball. Eto kasi ang mas pinili niyang salihang laro at todo suporta naman ako sa kanya.Isinabak agad siya sa first quarter palang.

"And for the three points from mr gomez.. Shooot." Sabi ng announcer.

Naghihiwayan ang mga tao. Halos hindi na umupo dahil sa ganda ng laro ni jasper. Lagi kasi siyang tumitira ng three points at sa limang beses ay wala pa siyang palya. Kahit sa mga simpleng assist at lay-up nito ay walang mintis. Dumadagundong ang pag che-cheer ng mga tao para kay jasper. Pati si rhina ay humihiyaw din dahil kasali rin si jL na naglalaro. Sa bilis nila sa paglalaro ay nakalamang agad sila sa mga kalaban at halatang nahihirapan ang mga ito sa paghabol sa puntos. Si jasper ang laging bumibida kaya hindi magkamayaw ang mga tao. Halos magtulakan ang mga ito sa sobrang kasiyahan tuwing siya'y nakakapuntos mapa-three points man o kahit two points lang.

Nang third quarter na ay panandaliang nagpahinga si jasper dahil pagod na ito. Malaki din naman ang kanilang lamang kaya kampante ang kanilang coach na hindi na mahahabol ng kabila ang kanilang score. Ngunit sa kalagitnaan ay halos hindi na sila makapuntos at laging naaagaw ng kabila at sila ang pumupuntos. Dalawa na lang ang naging lamang nung matapos ang third quarter. Wala kanang marinig na hiyawan dahil ang lahat ay nakatutok sa laro. Maging ako ay nate-tense narin sa naging resulta nito. Nangangamba akong baka sila ay matalo. At nang fourth quarter na ay bumalik na ito kaya sumigla ulit ang mga tao. Bumalik yung nakakabinging hiyawan nila tuwing nakakapuntos si jasper. Lalo pa't nagpa-flying kiss ito sa mga nagche-cheer kaya mas naging maingay ang mga ito. Hanggang natapos ang laro at nanalo sila. Isinisigaw nila ang pangalan ni jasper. Hindi rin mapagsidlan ang aking kaligayahan dahil sa ipinamalas ni jasper sa paglalaro. Masaya ako para sa kanya, sa kanyang tagumpay. Hindi na ako magtataka kung maging mvp man ito sa awardings nila.

Kaya naman proud na proud na proud ako sa kanya.

Man in My DreamWhere stories live. Discover now