My heart will go on (chapter 8)

2 0 0
                                    

Dahil sa mga nangyayari ngayon ay tuluyan nang nag-iba ang pakiramdam ko kay jesrel. Masarap pala itong kasama dahil halos lahat ng pinagkukwentohan namin ay sang-ayon kami sa isa't isa kumbaga lahat ng mga gusto sa buhay ay ganun din ang mga nais niya. At tuluyan na ngang naglaho ang kabang nararamdaman ko mula nung una ko siyang makita dahil napalitan na ito ng sigla't saya. Sabi ko pa nga sa sarili ko ay kung mas nauna ko lang siyang nakilala ay siya nalang sana ang minahal ko. Nasabi ko ito dahil may sense of humor siyang kausap, nakakatuwa yung kwento niya at halos iisa lang ang aming hilig sa buhay. Kaya naman mabilis ko siyang nakapalagayan ng loob. Hindi nagtagal ay parang naglahong parang bula ang sakit na dinaramdam ko kanina dahil kay jesrel ang sarap din pala niyang kasama at sa dami ng napagkwentuhan namin ay panay din ang pagtungga namin nang alak hanggang sa hindi ko na pala makontrol ang aking sarili. Sa sobrang pagkahilo habang kami ay nagsasayaw ni jesrel ay bigla akong napaupo at humagalpak ako nang tawa kaya naman ako ang naging sentro ng atensyon ng lahat. Maya- maya ay lumapit si jasper upang ako'y alalayan ngunit hindi ako pumayag at sinabing, "ddoon ka na sa kasama mo total masaya naman kayo pabayaan mo na kami ni jesrel dahil masaya rin kami rito" na ang tuno'y halos di na maibigkas ang mga salita dahil sa kalasingan. "Tara na uwi na tayo" sabay hawak sa aking braso ng mahigpit at pilit na itinayo ngunit nagpumiglas ako. "diba sabi ko pabayaan mo na ako? Kaya ko na ang sarili ko isa pa andiyan naman si jesrel , alam ko hindi niya ako pababayaan." sabay pikit ng mata dahil hirap ko na ring maidilat. Dahil sa nangyayaring gulo ay binuhat na ako ni rhina at ni jesrel ang aking mga braso at narinig ko pa si jasper na sinabing siya nalang ang maghatid sa akin sa bahay ngunit nagmatigas akong si rhina nalang ang mag-uuwi sa akin total siya naman ang kasama kong pumunta doon at wala nang nagawa pa si jasper.

Kasabay nang pagsakay ko sa taxing pinara ni rhina ay bumigay narin ang katawan ko at agad kong naiidlip.

Kinabukasan sa sobrang kalasingan ko ay halos wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako dahil kay jasper habang masaya siyang nakikipagkwentuhan kay precious. Nung tinignan ko ang aking phone ay makailang missed call na si jasper pero ni isa ay di ko sinagot. Sinubukan din niyang puntahan ako sa bahay pero sabi ko kay mama ay ayaw kong lumabas nang kwarto dahil narin sa hang-over ko at buong araw akong nag-iisip at nagkulong sa kwarto.

Lumipas din ang dalawang linggo  at ganun at ganun parin ang panunuyo sa akin ni jasper. Lagi akong pinupuntahan pag break o di kaya naman ay laging pumupunta sa bahay kaya naman hindi ako nakatiis at kinausap ko na rin siya. Laking pasasalamat niya noong magkabati na kami.

Nung sumunod na araw at araw iyon ng sabado ay sinundo niya ako sa bahay dahil may pupuntahan daw kaming isa sa mga paborito niyang pinupuntahan kung walang pasok. Dinala niya ako sa isa nilang rest house. Maganda ang lugar, mayroong nakatirik na medyo may kalakihang kubo kung saan ay kumpleto ang gamit, may lutuan at isang kwarto. Presko din ang lugar dahil maraming nakapaligid na punong kahoy at doon sa di kalayuan ay may batis. Nagtungo kami roon dahil sabi ni jasper ay mas presko daw doon, tutal may ginawa din daw silang pwedeng upuan na gawa sa kawayan sa ilalim ng punong mangga. Nang nalapitan ko ang batis ay parang gusto kong magtampisaw agad dahil sa kristal nitong tubig. Sa pagod din siguro sa pagbiyahe kayat gusto kong i relax ang katawan ko sa malamig nitong tubig.

Nang makita kong malapit din sa tubig si jasper ay sinabuyan ko siya para mabasa. Sa di ko inaasahan ay nakipag laro pa siya sa akin at nagsabuyan kami nang tubig.

Kung mababasa ko siya ay kailangan din niya akong sabuyan para mabasa din ako kaya nagtatakbuhan kami roon.

Sa aking pagtakbo ay nadulas ako sa batong naapakan ko dahilan para ako'y matumba. Mabuti na lamang at maagap si jasper at agad niya akong nasalo kaya nahulog ako sa makikisig niyang mga bisig. Doo'y nagkatitigan kami nang malagkit hanggang sa palapit nang palapit ang aming mukha sa isat- isa. At nang di ko na makaya ang sensasyong iyon ay nagpaubaya na ako at ako'y napapikit

Sabi nga nila diba, ipinipikit natin ang ating mga mata kapag nagdarasal o kaya ay may kahalikan dahil mas nararamdaman natin ang tunay na sarap at sensiridad nito kapag tayo ay nakapikit.

Sa oras na iyon ay naglapat nga ang aming mga labi. Parang tumigil ang bawat sigundong nagdaraan at ninamnam ang tamis ng aming mga labi. Hanggang sa maging mapusok ito na wari'y walang gustong magpapigil. Nag-init narin ang aming mga katawan sa tagpong iyon. Nang walang anu- ano'y mabilis naming naiahon ang aming sarili patungo sa loob ng kubo. Dahan dahan niya akong ihiniga sa papag na may banig at para bang kusa na ang aming mga kamay na nagtanggal sa mga saplot namin. Inilapag niya ang dalawa kong mga paa sa kanyang balikat at itinutok na sa aking butas nang aking pang-upo ang kanina pang naghuhumindig niyang sandata. Ilang pang saglit ay nagbigay na siya ng hudyat na ipapasok na ito.

Lingid sa kaalaman namin ay may matang nakamasid sa amin. Puso'y sugatan at sobrang nahihirapan.

Man in My DreamWhere stories live. Discover now