8: How He Feels

3.9K 126 6
                                    

How He Feels

CLIFFORD

Napakasaya ko ngayon dahil kasama ko si Sheena. Andito kami ngayon sa isang park nagpapahangin lang. Tahimik lang kaming nagmamasid habang magkatabi kami ng may bigla akong maalala.

Siguro pag kami ni Julia ang magkasama ngayon eh maingay tapos tawa kami ng tawa. Lagi kasi kaming nagdedate lang sa mga park at halos tumawa lang ang gagawin namin.

" Bakit bigla kang napangiti? " Nagulat ako ng nagtanong si Sheena.

" A-ahh wala may naalala lang ako. " Sabi ko at tumingin sa malayo.

Tama ba itong ginagawa ko? Pero masaya naman ako ngayong kasama si Sheena. Mali ba na sumaya ako? Pero di ko kayang lokohin si Julia. Oo mahal ko si Julia pero mahal ko rin si Sheena.

Aish! Naguguluhan ako!

" Oh bakit naman nakakunot na yang noo mo? " Sabi ni Sheena at naramdaman ko na lang na inistrech niya ito.

Napangiti na lang ako sa ginawa niyang iyon.

" Di ka parin talaga nagbabago. Ayaw mo paring nalulungkot ako. " Sabi ko.

" Syempre mahal kita eh ikaw, mahal mo rin ba ako? " Masaya niyang tanong.

" O-Oo, mahal din kita. "

Niyakap niya ako at niyakap ko din siya.

Wala naman sigurong mali kung tanging magmahal lang ang ginagawa ko hindi ba?

" Pero paano si Julia? Diba girlfriend mo siya? " Biglang sabi ni Sheena at inalis ang pagkakayakap sa akin.

" Di ko pa alam. "

Nalilito pa rin ako. Sabihin ko mang mahal ko si Sheena may parte pa rin sa akin na ayaw bitawan si Julia. Pero diba mas maganda kung maaga pa lang malaman na niya? Tama ba na pakawalan ko si Julia?

JULIA

Nanood ako ng Doraemon ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha at sinagot.

" HELLO! "

" May date ba kayo ngayon ni Clifford? "
Cold

" Wala. Tumawag siya sakin kagabi sabi eh may gagawin daw pala siya bukas kaya cancelled ang date namin. "

" Ahhh sige sige akala ko kasi may date kayo. " Cold

" Haha sige bye Cold! "

Binaba niya na ang tawag, pero nakakapagtaka naman kung bakit niya ako tinanong kung may date kami ngayon ni Clifford, hindi ba niya ito naikwento kay Cold.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Wala naman siguro silang tinatago di ba?

Pinatay ko muna ang tv at lumabas saka ko kinuha ang bike ko. Gusto ko lang muna magpahangin. Kung ano ano na kasi ang naiisip ko.

Nagbike lang ako ng nagbike hanggang sa nakarating ako sa park na lagi naming pinupuntahan ni Clifford.

Tumigil muna ako at bumaba. Habang naglalakad ako hawak ang bike ko may napansin ako sa di kalayuan. Isang pigura ng lalaking nakatalikod sa akin.

Familiar yung likod niya parang si Clifford? Pero hinde eh. May kasamang babae kaya sure akong di si Clifford yan. Hayy namimiss ko lang siguro siya.

Nagring uli ang cellphone ko kaya sinagot ko naman agad.

" Hello ma! "

" San ka nanaman bang nagsususuot na bata ka at wala ka pa? Maglu-lunch na tayo. "

" Ahy sorry ma di ko napansin ang oras haha pauwi nadin ako ma. "

" Sige bilisan mo ng hindi lumamig ang pagkain. "

Binaba na ni mama ang tawag kaya sumakay na ako sa bike ko. Pero bago ako makalabas ng park eh may nadaanan muna akong kotse kaya medyo napatigil ako sa tapat ng bintana niya. Tinted yung kotse kaya walang makikita sa loob.

Ng nakaalis na ang kotse ay tinungo ko agad ang daan papuntang bahay.

CLIFFORD

Tangahali na rin ng mapagpasyahan naming umalis na sa park para kumain kaya sumakay na kami sa kotse. Nasa loob na kami ni Sheena nang may biglang nakasabay kaming babaeng nagbibike sa gilid.

Nagulat ako dahil nakita ko ang isang taong di ko inaasahang makita. Anong ginagawa niya dito? Nakita niya kaya kami ni Sheena?

Anong ginagawa mo dito Julia?

SOMEONE

Naguumpisa na ang plano. Unti-unti kong sisirain ang lahat. Hindi pwedeng ako lang ang nagdudusa habang kayo ay nagsasaya.

By the way readers kilala niyo ba ako? Hahahaha ako pala si hpaannngaiht. Ano kilala niyo na ako? Bwahahahaha sure akong hindi! At hindi talaga ako magpapakilala dahil baka sabihin niyo lang sa mga bida kung sino talaga ako.

×××

Holo! Muntik na!

Hanggang kailan kaya maitatago ni Clifford ang sikreto nila?

Bibitaw ba siya o kakapit pa rin?

And sino kaya si SOMEONE!

So kung gusto niyo pong malaman kung sino eh magbasa lang po kayo.

Vote and Comment!

The Near EndingWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu