13: What She Heard

4K 121 7
                                    

What She Heard

COLD

It's been days since the scene in the caf happened. Hindi na rin sila kumakain kasabay kami. Sa ibang table sila lagi.

Ngayon andito na kami sa caf iniintay yung iba. Nakita ko na si Bea at Allyssa na papalapit pero ng makalapit na sila biglang napatid si Bea at dahil si Cloud ang pinakamalapit eh sinalo niya naman agad si Bea at itinayo.

" Bea ok ka lang? " Tanong naman ni Allyssa kay Bea.

" Ah oo thanks pala Cloud at thanks din sa concern Allyssa. " Si Bea.

" Asan pala si Sam at Alex? " Biglang tanong ni Allyssa.

" Di daw sila makakasabay nagtext sila. May pinagawa daw teacher nila. " Raeri.

" Ahhh ok ok. " Allyssa

" Order na tayo guys! " Grey

Nagsialisan naman sila at naiwan kaming nga babae dito. Nagiintay lang kami ng biglang magring ang phone ni Bea.

" Excuse me lang guys sagutin ko lang itong tawag. " Sabi ni Bea at tumango lang sila. Tumayo siya at umalis oara sagutin ang tawag.

After ilang minutes biglang tumayo si Allyssa.

" Girls ihi lang ako ah!!! " Sabi ni Allyssa at halata mo namang ihing ihi na siya.

" Go lang girl baka pumutok pa yang pantog mo ah haha. " Andrea

" Hahahahaha " Tawanan naman nila at umalis na si Allyssa.

ALLYSSA

Takbo lakad ang ginawa ko hanggang makarating ako sa cr. Kanina naman hibdi pa ako naiihi pero biglang naramdaman ko na lang na parang puputok na yung pantog ko kaya nagmadali ako para pumunta sa cr.

Pagkapasok ko sakto walang tao kaya pumunta na ako sa isang cubicle at nilapag ang phone ko sa isang lalagyanan at ginawa na ang dapat kong gawin. 🚽

" Hayy sa wakas. " Sabi ko habang nakangiti ng malawak.

Sarap sa feeling nung parang nawala yung uncomfortable feeling na nararamdaman ko. Tumayo na ako at lumabas sa cr ng mapansin kong may dumi ang sapatos ko kaya yumuko ako para tanggalin yun at saktong may dumaan sa gilid ko na babae para pumasok sa CR.

Pero nanigas ako dahil sa narinig kong sinabi niya.

" Oo mapapasakin din si Cloud ako ang bahala. " Tapos tumawa siya ng malandi.

Dahan dahan akong tumayo at lumingon sa cr pero nakasara na pala ito. Nanginginig ang kamay ko ng buksan ko ang pinto at naabutan ko siya na nagsasalamin.

" I-ikaw??? " 😮 Di makapaniwalang tanong ko na siyang ikinalingon naman niya sa pwesto ko.

Di ko expect na kaya niyang gawin sa akin ito. I thought she's my friend!

CLOUD

Ako na ang susunod sa oorder ng biglang may sumigaw sa entrance ng caf kaya lahat ay napatingin dun.

" MAY NAGAAWAY SA CR NG GIRLS! "

Di ko na yun pinansin dahil wala naman akong mapapala sa awayan ng mga babae.

" Manang paorder--- "

Napatigil ako ng sumigaw uli yung babae.

" SI MS. ALLYSSA CHAUFER AT BEA TOLENTINO YUNG NAGAAWAY! "

Napalingon ako at agad naman akong natauhan. Tumakbo ako agad sa cr ng girls at nagulat ako sa nakita ko. Nakahawak si Allyssa sa buhok ni Bea tapos tinulak niya si Bea kaya nahimatay siya.

The Near EndingWhere stories live. Discover now