Salamin, Gate, Hagdan, Santol.

6K 256 40
                                    

Ang salamin, gate, hagdan, santol at ang kwarto.

Lunes ng gabi ng pumunta si ate jess sa bahay para yayain si ate lyn na gumala.

"Jay, nariyan ba ang tita mo" pagtatanong ni ate jess sakin.

" ah! Opo bakit po" sagot ko naman sa kanila habang nagaayos ako ng paninda nila tatay.

" Pwedi bang paki-tawag siya, may sasabihin lang ako sa kanya" utos ni ate jess sakin.

" Sige po ate ganda, saglit lang" sabi ko kay ate jess at saka ko tinapos ang pag-aayos ng paninda nila tatay.

Pumunta ako sa taas para tawagin ang tita ko.

" Ate lyn, tawag ka ni ate jess bumaba ka raw may sasabihin siya sayo" sabi ko kay ate lyn.

" Paakyatin mo na lang siya dito, busy ako bilis." Sabi ni ate lyn habang may kung ano anong nilalagay sa mukha nito.

" ok" sabi ko kay ate lyn at saka ako bumaba.

" Ate jess akyat kana lang daw sa taas busy siya sa pag-aayos ng mukha niya. Akala mo naman ikinaganda niya ang pag-aayos ng face niya" sabi ko kay ate jess habang nakasimangot.

Tumawa naman ito sa sinabi ko.

" Ikaw talaga, bakit ba naiinis ka kay ate lyn mo. Kung gusto mo maglagay karin ng mga nilalagay niya sa kanyang mukha" sabi naman ni ate jess sabay gulo ng buhok ko.

" ate naman eh, nagmumukha akong aso sa ginagawa mo. Isapa ayoko nga maglagay ng kung ano ano sa mukha ko. Gwapo naman ako kahit na wala akong nilalagay na kahit anong gamot" pagyayabang ko kay ate jess sabay pogi pose.

"*cough* ang lakas ng hangin grabe. Oh sya! samahan mo ako pumasok baka mabawasan ang ganda ko. bakit kasi ang dami niyong aso. Nakakaloka kaya walang magnanakaw na pumapasok dito" sabi ni ate jess sabay hila sakin.

" Aray naman ate jess makahila ka akala mo wala akong buto" pagrereklamo ko kay ate jess. ang sakit ng pagkakahila niya sakin feeling ko nabalian ako ng buto.

" Wag kang assuming jay, wala ka talagang buto" pang aasar naman nito.

" Edi wow, ipalapa kaya kita kay kitty ate" pananakot ko dito.

" Try mo lang bansot ka, sisipain kita papuntang mars." Sabi nito sabay higit sa damit ko.

" Ate jess shiit, bagong bili palang itong damit ko sisirain muna agad" pagmamaktol ko.

"Sarreh! Tara nga pasok na tayo" sabi nito.

Pagpasok pala ni ate jess sa gate namin. Agad namang naglabasan ang tatlo naming aso na sina Kitty, Poppy and Browny.

" Sabi na nga ba, delikado ang katawang lupa ko dito" sabi ni ate jess sabay tago sa likod ko.

" Kitty! Poppy! Browny. Chupi wag niyo siyang lapangin. kagatin niyo lang" pagbibiro ko kay ate jess.

Binatukan naman ako nito.

" Patayin kita jay, tara na pasok na tayo" sabi nito sabay tulak sakin.

" Nakapasok na kaya tayo bobo lang" pambabara ko sa kanya.

Binatukan niya ulit ako.

" Nambara kapa, tara na" sabi nito sabay tulak ulit sakin.

Napahinto ako sa paglalakad ng huminto si ate jess.

Humarap ako kay ate jess para tignan ko ito kung anong nangyari sa kanya.

Nakatulala ito habang nakatingin sa likod ng gate namin.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Where stories live. Discover now