Happy Halloween ( Bonus Chap. )

2K 52 2
                                    

Alam niyo ba kapag nakakita kayo ng multo. Wag kayong hihiga sa higaan, tapos magtatakip kayo ng kumot sa buo niyong katawan. Mali po iyon, dahil kapag tinakpan niyo ng kumot ang buo niyong katawan. Mas lalong magpaparamdam sila sayo baka nga hindi mo alam. Habang nakahiga ka at balot na balot ka ng kumot, nasa tabi muna pala siya o di kaya ay dadagan siya sayo. Mas mabuti kung tumakbo kana lang palabas at sumigaw kana lang ng sumigaw. kung akala niyo ay gawa gawa ko lang ito. Sige, kayo na ang bahala kong maniniwala kayo o hindi.

Enjoy reading.

Bawat bahay na ating tinitirahan ay may ibat ibang bantay.

May bantay na mabagsik, may bantay na mabait at may bantay din na malas at swerte.

Kaya kung may bantay man sa bahay niyo. Wag niyo silang itaboy. Wag niyo silang paalisin. Kase the more niyo silang pinapaalis, the more din silang magpaparamdam sa inyo.

Bakit hindi niyo na lang sila, i-welcome sa bahay niyo. Hayaan niyo silang tumira at makisalamuha sa inyo.

Dahil kapag walang bantay ang isang bahay, parang wala din itong buhay.

Kung magparamdam man sila sa inyo. Kung magpakita man sila sa inyo. Wag kayong matakot, dahil doon lang nila pinaparamdam ang pagmamahal nila sa inyo.

Ang pagpapakita at pagpaparamdam ng mga bantay sa inyong bahay ay may ibig silang ipahiwatig.

Siguro kaya sila nagpaparamdam kase humihingi sila ng dasal o di kaya gusto nilang alayan niyo sila ng pagkain.

Simple lang naman ang hinihingi nila, pero ang kapalit non ay ang pagbabantay nila sa bahay niyo. sa mga bad spirit na gustong pumasok at manirahan din sa bahay niyo.

Kung may mga spirit man na nanakit ng tao. Sila yung mga spirito na hindi sanay na may kasalamuha silang tao.

Simple lang ang solusyon riyan, kung pinapakita nilang ayaw nila sa inyo at gusto nilang umalis sa bahay na iyon. Bakit hindi niyo iparamdam sa kanilang ang pagmamahal niyo, na wala kayong gagawin na ikasasakit nila.

Ito pa, it's better kung may alaga kayong aso at pusa sa inyong bahay. Why?

Kase bukod sa may bantay kayong hindi nakikita. May bantay din dapat kayong magsisilbing inyong mga mata sa gabi.

Tulad ng aso, magsisilbing bantay sa mga taong may masamang balak sa inyo. Mga taong may gagawing masama sa inyo at sa pamilya niyo. Bukod sa sila ang magiging mata natin sa gabi. Sila din ang magsisilbing super hero laban sa mga taong alagad ni satanas.

Ang pangalawa ay ang pusa. Bukod sa kailangan natin ng aso na mag-sisilbing mata natin sa gabi. Kailangan din natin ng pusa na magtataboy sa mga bad spirit na may dalang malas. Kung hindi niyo pa alam, kinatatakotan ng mga ahas ang pusa. Bakit? hindi ko din alam. Tanong niyo na lang sa mga nakakatanda. Sinabi din yan sakin. Ang mga pusa din ay isa sa mga kaibigan ng mga dwende, kaya kung maaari wag kayong basta basta papatay ng pusa o mananakit ng pusa. Baka magaya kayo sa kapitbahay namin, ang pusang kanyang pinatay ay isa palang dwende na nagbalat anyong pusa. Kaya ayon, bilang higanti at kapalit namatay din siya. Binaril din siya tulad ng pagbaril niya sa pusang iyon.

Ang kaso lang, kapag nag-alaga kayo ng pusa at aso. Kailangan ng matagalang pagtitimpi at pasensya. Alam niyo na kung ano ang ibig kong sabihin.

Kung sa bahay namin sa manila may ibat iba kaming klase ng bantay.

Sa bodega sa malabon kung saan nakatira at nagtitinda, ang lolot lola ko ay may sarit saring bantay naman ang iyong makikita.

Ang kaso lang, kung sa bahay namin sa manila mababait at hindi na nagpaparamdam ang mga bantay doon. Ibahin niyo sa bodega nila lolo. Mapa-araw man o gabi, nagpapakita sila at kung minsan ay paglalaruan ka nila.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon