TFY 11: Operation

66.2K 1.4K 26
                                    


Hello! Thank you for reading

Join Our FB Group

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB Account:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818


Ito yung Operation Bakuran ang satin haha :-) Nasa SOTMB pero ano ba ang nangyari kay Nyda nung gabing yun?

****************

Pinaghandaan ko pa naman ang Pagpunta ko dito pero parang masisira lang ang gabi ko. Para akong nawawalan ng kontrol sa sarili ko.

Nang makapag usap kami ni Ate Lianne sa banyo ay lumabas kami. Tumambad naman na samin ang Landian Scene nila! Tapos nakita ko pa itong si Luke na ang saya sayang nakikipag usap sa babaeng nakatube tapos ang ikli ng shorts sana naghubad nalang siya!

Napatingin ako kay Ate Lianne na parang umuusok na nag ilong niyang nakatitig kay Rowin

"Ilan na Blood preasure mo sa lagay mong yan?"Untag ko sa kanya

"180 over 190. Ready to Kill."Sagot naman niya pero nakatuon parin ang titig sa mga lalake

"Ako rin. Iniisip ko kung sinong uunahin kong hilain ang buhok niya." Kinuyom ko pa ang mga kamay ko

"Magsabi ka lang. Buong lakas kitang tutulungan kung pagsasabay sabayin natin sila."Napatiuna na ito sa paglalakad

Nang marating namin ang table nila ay Tumingin sila samin. Padabog kaming Umupo ni Ate Lianne at tumingin sa kanila ng masama

"Woah woah." Ani ni Gab na nagpipigil ng tawa pero sinamaan ko lang ng titig ito

"By the way girls this is---" naputol ang sasabihin ni Rowin nang magsalita ako

"Oh? Bat' di pakayo kumanta? Kumanta na kayo di kayo customer dito 6 to 9 lang kayo dito baka wala na kayong makanta niyan?" Taas kilay kong saad sa babaeng katabi ni Luke. Napasulyap naman si Luke sa Babaeng katabi niya

Hindi rin naman sila umumik at sumunod sa sinabi ko. Kinuha ko ang bote ng Whisky at pinuno ang baso ko. Dalawang basong magkasunod ang ininom ko


Nang matapos silang nagperform eh bumalik pa ang mga haliparot sa mesa namin nakakainis sa pagkakaalam ko naman ay ang daming mesa dito. Sisiksik pa sila talaga rito? Kaninang nagpeperform sila tuwang tuwa ang mga kumag.! Parang ngayon lang sila nakakita ng babaeng kumakanta! Ang samsama ng titig ko kila Luke nasa harap harapan ko pa sila. Napapansin ko ang sagutan ni ate Lianne sa tabi ko.

Naalis ang titig ko sa kanila nang makita ko ang pagtayo ni ate Lianne at lumabas ng Restaurant. Samantala at sumunod naman si Rowin sa kanya. Kung ako si Ate Lianne baka matutuwa pa ako sa nangyari I'm sure Rowin will explain. Syempre mag asawa sila eh kami ni Luke? Para siyang Jeep na pilit kong hinahabol pero layo siya ng layo dahil ayaw niya akong isakay

Kukunin sana ni Jake ang Bote ng Bourbon sa mesa namin nakakalagay lang ng waiter pero inagaw ko sakanya at tinabig ang kamay niya. Pansin kong nagulat pa si Jake sa inasta ko

"Whoa, Nyda. Bourbon yan malakas masyado yan." Pagpipigil na sabi ni Jake pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkarga sa baso ko

Dahil nakatingin ako kila Luke hindi ko namalayan na napuno na yung baso ko nung Bourbon

"Ohh, Can you drink all of that?" Biglang nagsalita yung katabi ni Luke na babae, Sanhi nang pagsulyap ni Luke sa inumin ko

"Oo naman bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay. Napatakip naman ito sa bibig niya na parang pamimigil niya ng tawa niya

"Di kaya masyado kang bata para inumin yan."

"Hindi na ko bata!" Nainis kong sabi rito. Tinungga ko ang alak sa baso ko. Napapikit ako. Hindi pamilyar ang lasa sakin at para akong nasusuka na gusto kong iluwa ang iniinom ko pero naiisip ko sinabi nung babae kaya iinomin ko parin to

"Hey Hey Slow down." Hinawakan ni Jake ang kamay ko pero madali kong nilunok ang ininom ko.

"Tsss! You are unbeliebable!" Napailing iling na saad ni Jake. Namumula na yata ang mga mata kong uminom. Nakatitig sa akin si Luke. Hindi ko maintindihan ang expressyon sa mukha niya kung nagagalit ba siya sa akin o ewan. Nakita ko ang babae sa tabi niyang nakangisi

Parang nararamdaman ko yung ininum ko sa lalamunan ko. Parang ang sama ng pakiramdam ko at naduduwal ako.

Napatakip ako sa bibig ko nang Parang lahat na ng kinain ko lalabas na sa bibig ko. I felt like I need to vomit. Nangungutog ang mga binti kong tumayo. Para hindi ako makatayo ng matuwin. Napatayo rin si Jake na nasa tabi ko at hinawakan ang kamay ko

"CR ka ba?" Yumuko ito para tignan ako pero hindi ko siya masagot at tinanguan ko lang.

"Let me take her." Napalingon ako sa boses na narinig ko.

Napatigil kami ni. lumingon ako sa likoran at nakita kong parehas na nakatayo si Kuya at si Luke. Masama ang titig ni Kuya sakin at para akong kinilabutan.

"Stay here. I'll go with her." Umalis si Kuya mula sa kinauupuan niya at lumapit samin

"But Tyron?" Narinig ko pang saad nung babaeng katabi ni Kuya kanina

"Don't wait for me" Malamig na sabi ni Kuya. Umakbay si Kuya sa akin at tinulungan ako sa paglakad.


"Are you all done?" Bungad sa akin ni Kuya nang makalabas ako sa CR. Kinuha ko naman ang tissue na iniabot nito sa akin

"Hmm"

"I'll take you home" Umalis siya sa pagkasandal sa pader at napatiuna sa aglalakad

"Wag muna mamaya nalang."Sabi ko naman. Napatigil siya sa paglalakad at hinagilap ang titig ko

"You will go home with me now Nyda. Hindi ka na babalik dun." Mabilis na tinahak ni Kuya ang kinaroroonan ko at hinigit ako. Napasunod lang ako sa kanya pero hindi ko matanggal ang kamay ko sa kamay niya. Napatingin pa ako sa Table nila Jake. Napansin kong nakatitig sila sa amin ni Kuya.

"Bakit ba! Hindi naman kita pinipigilan kapag kasama mo ang mga babae mo ah!"Buong lakas akong nagpumiglas sa pagkakahawak ni Kuya sa kamay ko

"Get in." Binuksan niya ang pinto ng kotse.

Hindi ko napigilan ang umiyak. Napaupo ako at at yumuko ako sa mga kamay ko. Hindi ko alam pero ang sama sama ng loob ko ngayong gabi. Nagseselos ako ng sobra sa pakikitungo ni Luke sa ibang babae. pangalawa napahiya ako. Para akong kinaladkad ni Kuya palabas ng restaurant na parang bata.

"Tumayo ka na jan." saad ni kuya. Nag angat ako ng titig. Pero sa ibang direksyon nakatingin si Kuya.

"Ayoko umuwi." Napahikbi ako. Patuloy ang pagdaloy ng luha ko. Why do I feel like all of them are pushing me away and I am really unwanted here? Maske si Kuya nararamdaman ko sa kanya iyan. At kay Luke, Mahirap na ba ibalik ang concern nito sa akin?

"Listen Nyda, You're not a Kid anymore so don't make me look out for you anymore." Hinawakan ako ni kuya sa mga braso ko at pwersahan niya akong itinayo

"Hindi na ako Bata!" Bulyaw ko sa kanya.

"Then Don't make me look out for you, or worry about you. You have to prove to me you can take care of yourself and.. your emotion or else.." He paused. He stared at me

"I will send you back in California." pagbabanta nito. Niluwangan niya ang pagkabukas ng pintuan at sapilitan niya akong ipinasok sa Kotse.


****************


Short UD.

UNEDITED

Thank You po



To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDWhere stories live. Discover now