Bad Chapter : 24

3.8K 86 6
                                    

Hi, guys! Miss me? sabi ko nga, wala.

Twenty-four : Pranking Anthony Cruz

RENA COLEEN

Nasa school kami ngayon. 9:30 am na pero hanggang ngayon wala parin yung guro namin. Waah!! Ang boring naman ngayon! Napatingin naman ako bigla kay Anthony at bigla naman akong napangisi.



ANTHONY

Napatingin naman ako bigla sa cellphone ko ng mag vibrate ito. Akala ko kung sinong nag text pero unknown number lang pala.


From : 09123467810

Walang hiya ka! Kaya pala hindi ka na nagtetext at tumatawag sakin kasi may ibang babae ka na pala!

Kumunot naman ang aking noo. Yan kasi, Anthony eh! Sa sobrang dami ng babae mo eh marami ng nagagalit sayo!

Sino to? Reply ko at sinend na. Wala pang isang minute ay sumagot agad ito.

From : 09123467810

Si Eiry ang Girlfriend mo!

May girlfriend ba ko na Eiry ang pangalan? Yan kasi, Anthony! Sa dinami dmaing babae mo dito sa mundo eh hindi mo na alam ang mga pangalan nila! Rereply-an ko na sana ng magtext uli ito.

Meet me at your school's garden

Tumayo naman ako and I excused myself sa aking mga kasama.

Nang nasa garden na ko ay may nagtext sakin uli. Another unknown number.


From:098764321

Anthony! Nagpakamatay si Eiry last week! Kasalanan mo to!!

Napako naman ako sa aking kinatatayuan habang paulit ulit na binabasa ang natanggap kong message.

Nagpakamatay si Eiry

Nagpakamatay si Eiry

Nagpakamatay si Eiry

Nanlamig naman ako bigla. Seryoso ba to?! Eh ka text ko lang si Eiry kani kanina lang ah? Baka pinatitripan lang ako nito!

Bigla namang tumaas ang mga balahibo ko ng may yumakap sakin. Ang l-lamig niya. Di kaya, minumulto ako ni Eiry na yan?? Huhuhu! Lord, Promise di ko na paglalaruan ang mga babae! Lord magbabago na ko at sana pakiusapan mo si Eiry na layuan na ko!

"Hi, Babe."

"UWAAAAAAAAAAHHH MAMA!!!" At kumaripas agad ako ng takbo ng bumulong ito saakin.

Hinding hindi ko na talaga paglalaruan ang mga babae! Promise! Huhuhuhuhuhu.





RENA COLEEN

"BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa ako ng tawa ng mag isa dito sa garden. Tumayo na ko sa pagkaka upo ko sa damuhan at pumunta sa camera ko na nasa bench.

Paulit ulit kong pinapanood ang video pero kahit anong gawin ko ay tumatawa parin ako.

Yes, ako yung yumakap kay Anthony ay bumulong sakanya.

Ganito kasi yon, Hiningi ko kay Cass ang number ni Anthony na ibinigay naman niya. Tapos tinext ko agad si Anthony bilang si Eiry kuno. Nasa graden na ako non ng tinext ko siya. Naka set na ang aking camera doon sa may bench. Since dual sim ako ay tinext ko si Anthony sa isa ko pang number at nagpanggap bilang bff ni Eiry. Nakita kong natigilan si Anthony at tinitigan ang kanyang cellphone. Dahan dahan naman akong lumakad papunta sa kanyang likod at niyakap siya. Naramdaman ata niya na malamig ang kamay ko kaya lalo pa siyang nanigas. Before kasi akong pumunta dito sa garden ay humingi ako sa cafeteria ng ice at nirub sa aking kamay. Bumulong pa ko n 'Hi Babe.' Sakanya at kumaripas naman siya ng takbo sabay sigaw ng 'UWAAAAAAAAAHHH! MAMA!' sinong hindi matatawa don?

Nakangiting bumalik ako sa classroom ko. Nandoon na pala ang guro namin.

"Huy, ba't ka nakangiti?" Tanong ni Kielyn sakin. Tiningnan ko naman siya ng nakakaloko, "May ipapakita ako sainyo mamaya."

Nagkibit balikat naman siya at nag focus na saaming klase.


The Bad boy's Twin SisterWhere stories live. Discover now