Bad Chapter : 40

3.1K 61 0
                                    


Forty : Almost caught

MARA JESSICA

Pumunta ako ngayon sa locker room upang kunin yung English book ko na iniwan ko sa loob ng locker ko. Binuksan ko na ang locker ko at nagulat ako ng tumambad sakin ang limang papel.

Dear Mara,

It's been a while. Sorry hindi na ko nakapaglagay ng letter mo sa locker mo ha? Im busy. I miss you!

-Avo

Dear Mara,

Di mo na nabubuksan locker mo ah? Once a week lang naman ako naglalagay ng letter tapos di mo naman chinecheck iyaq na cii Ackou pwe jeje hahaha! Maraaa~ gusto talaga kita sobra! Torpe ako eh pero hayaan mo next time magpapakilala na ko sayo.

-Avo

Dear Mara,

Makita lang kita masaya na ko. Ang bakla lang pakinggan pero kinikilig ako pag nakita kitang ngumiti. Ingat palagi ah? Papakasalan pa kita.

-Avo

Dear Mara,
Di mo parin inoopen locker mo? Andami ko ng letter para sayo *sad face*

-Avo

Dear Mara,

I love you.

-Avo

Napangiti ako habang binabasa ang mga letter na nanggaling sa secret admirer ko. Pero yung last talaga ang nagdala eh. Kahit isang sentence lang yun at tatlong words ay kinikilig ako. Gusto ko na siyang makita. Nagiging crush ko na ata siya eh. Hoho okay lang naman kung marami kang crush diba?

Kinuha ko na ang librong kakailanganin ko sa locker at sinara ito. Inilagay ko ang mga letters sa bag ko. Itatago ko to sa bahay.


BAHAY

"Oh Mara. Bakit ka tulaley?" Tanong ni Jana ng mapansin niyang nakatingin ako sa kawalan. Ngumiti naman ako at umiling. Nasa garden kami ngayon at nakaupo kaming dalawa sa may duyan. Yung dalawa naghahabulan at so Kielyn naman ay dinidiligan ang mga halaman. Yung dalawa pasaway binabasa ang mga sarili nila ayan tuloy pati si Kielyn basa narin.

"Grabe, noon Jessica tawag niyo sakin ngayon Mara na." Nakangiting sabi ko. Tumawa naman iton katabi ko.

"Siyempre tawag sayo ng karamihan eh Mara kaya Mara nalang din tawag namin sayo." Sagot niya naman.

Napatango naman ako. Nga naman hahaha!

"Ay Rena naman!" Napalingon naman kami kay Kielyn ng sumigaw ito. Nakatingin ito kay Rena na nakangisi. Basang basa si Kielyn kasi sinabuyan niya ito ng tubig.

Kaya sa huli ay naghabulan silang tatlo habang may hawak na tabo. Si Rena naman ay may hawak na host kaya todo layo naman ang dalawa sakanya. Tawa kami ng tawa ni Jana sa kakulitan ng tatlo. From diligan to basaan.

"WAAAHHH!!" Napasigaw naman kami ni Jana ng binasa kami ng tatlo. Napatingin naman kami sakanila ng masama at hinabol silang tatlo.

Tawa kami ng tawa habang naghahabulan at nag babasaan dito. Ang saya lang talaga ng araw na to para saamin.

Hindi ko talaga pinagsisisihan na nakilala ko ang apat na baliw na to. Ang saya ko talaga na nakilala ko silang apat.

Pagtapos ng habulan namin ay humiga kami sa gitna ng damuhan. Naghahabulan kami ng hininga at maya maya ay tumawa.

The Bad boy's Twin Sisterحيث تعيش القصص. اكتشف الآن