Chapter 29: Fiancé ?! o.o FTW!

1.1K 35 21
                                    

Chapter 29: Fiancé ?! o.o FTW!

“ma! A-ano ba yang pinagsasabi niyo?” humarap ulit ako kay mama.

“ano ka ba naman anak. Si Dennis. Fiancé mo na” sabi sa akin ni mama

“ma! NAMAN EH! DI BA PWEDENG AKO NA LANG YUNG PIPILI NG BABAENG AASAWAHIN KO?” sigaw naman ni Dennis. Agree ako sa kanya.

“di pwede! Nangako na kami sa isa’t isa ni Marie na ipapakasal yung mga anak namin. Kaya heto..”  may kinuha si Tita Martha sa bag niya tapos inabot iyon kay Dennis.

May inabot din siya sa akin

Singsing?

May nakaengrave pa talaga na

‘I’M HIS’

o.o

“I’M HERS? Ano ba naman yan ma!”

“ikaw Dennis, huwag ka nang tatanggi kundi itatakwil kita bilang anak ko..” pagbabanta ni tita Martha

“at ikaw rin anak” hinaplos haplos naman ni mama yung buhok ko. Pero nagbabanta din si mama niyan.

*gulp* “d-di po ba—“

“DI PWEDE! Naiintindihan mo? Ipapatay kita pag di ka pumayag”

Grabeng death threats ang inabot ko. =(

Tiningnan ko na lang si Dennis nun.

Tinanguan ko na lang si mama nun, tapos sumaya naman sila

Psh! Letseng buhay ‘to.

=_=

“dapat suot-suot niyo yan hah. Kung hindi niyo suot yan! Humanda kayo sa amin” yun na at umalis na silang maligaya.

Kami naman, lugmok.

“tsk! Walang hiyang buhay naman to oh!” sabi ni Dennis habang sinsuot yung singsing.

Ako din sinuot ko na yung akin.

I love my precious life.

TT_TT

*sigh*

Umalis na lang ako tapos nagpahangin na talaga ako sa may tabing dagat.

………………

6:30 na.. yung lights na lang na nagrereflect sa dagat ang nakikita ko.

Maganda din naman..

Tapos malamig na rin ang  hangin.

“Rizalyn!” napalingon ako nun.

“Wilfred! Ikaw pala!” sabi ko. Si Wilfred isa sa mga classmate ko nung highschool

“kumusta?” sabi ni Wilfred sa akin tapos tumabi siya sa akin habang pinagmamasdan din ang dagat.

“eto, ok naman at least nakakaraos pa din sa  buhay” sagot niya

“ba’t ka pala nandito?” tanong ko

“ah yun ba? Dito kasi ako nagtatrabaho. Para makatulong lang man ako sa pag-gastos ng pag-aaral ko.”

“awww.. how sweet naman. Ganyan talaga yan! Kaya mo yan Wilfred! Go!.. saan ka pala nag tatrabaho”

“diyan sa restaurant. Papauwi na nga sana ako eh. Kaso nakita kita” sabi niya.

“ay ganun! O sige umuwi kana pagod ka na diba?”

Dennis’ POV

Pagkatapos niya sinuot yung singsing niya umalis na rin siya.

Nang dahil sa ice creamWhere stories live. Discover now