4. The inner Consunji

187K 3.4K 291
                                    

"How are the Consunjis? Are they losing their minds yet?"

 

I grinned at Johnny Dupree – he's the head security of the Consunji family. Little did they know that he's working for me too. Madali lang namang sumuhol ng tao. Dupree used to be a loyal security officer of the family but when I offered him money, when I promised him things that I know he wouldn't get if he keeps on working for them, the tables have turned. Siya ang mata at tainga ko sa loob ng mansyon. Tiningnan niya ako. We were inside my car. Nasa loob lang din kami ng exclusive village kung saan nakatira ang mga kaaway ko. I called him that afternoon because I wanted to hear some news.

"They're losing their minds, yes, Sir but I'm telling you. Mas lalo ninyong pinatatagal, mas lalong nagagalit ang mga Consunji. Nakakatunog na si Sancho, may mga bagay na siyang ginagawa na hindi niya ipinapaalam sa akin."

 

"How can you say that?" Bigla akong napaisip.

"Ipinatawag niya ang dating head of security ng pamilya, Sir. Hindi na rin nila ako masyadong isinasama sa paghahanap nila kay Yza."

Napatiim ako ng bagang. Tumanaw ako sa labas ng bintana at saka bumuntong hininga. Hindi pwedeng matalo na naman ako sa larong ito. Ako na ang nagsimula ngayon, ako ang dapat manalo, ako lang. Hindi pwedeng mauungusan na naman ako ng mga Consunji.

"Sir, I'm not being negative, but you don't know who you're dealing with here. Hindi ninyo pa nakikita kung paano magalit ang isang Sancho Consunji, isama mo pa ang mga kapatid niya. He's very angry right now. I have a feeling that they already knew who took Yza. They're not really counting in the police anymore. They are actually doing their own investigation. Isama ninyo pa ang boyfriend ni Yza. He's moving too. Sir, huwag ninyo nang hintayin na masukol nila kayo. I hate to think about this, but if and when they find out that you have her, you will be dealing with the devils and I'm not exaggerating."

I looked at him. Am I really hearing all of this from him? I grinned. He's chickening out. Isang bagay na pinaka-ayoko sa lahat. Hinablot ko ang kwelyo niya at inilapit siya sa akin.

 

"Natatakot ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Kanino ka mas natatakot, sa akin o sa mga Consunji? Hawak ko ang pamilya mo." I gritted my teeth. He took a deep breath as he looks at me.

"Pinapaalalahanan ko lang po kayo, Sir." Mabilis niya sagot.

"Kung pinaalalahanan mo ako, at gusto mo talagang maging maayos ang lahat ng plano ko, gawin mo ang lahat para hindi nila ako matunton! You're with them 24/7, do something! Hurt them! Basta siguraduhin mong hindi masasaktan si Leigh!"

Lalo siyang namutla. Binitiwan ko siya at huminga ako nang malalim. Hindi ko kailangan ng isa na namang kapalpakan lalo na ngayon kung kailan nasa akin na ang alas na magpapabagsak sa kanilang lahat.

"Leave." I ordered him. Mabilis pa sa alas kwatro na lumabas ng sasakyan ko si Dupree. Napailing ako. Mahinang klase pa rin ng tao ang nakuha ko. Simpleng utos lang hindi pa niya magawa. Mukhang kailangan ko na namang mag-isip ng panibagong plano. Kung tama ang sinabi niya na alam na ng mga Consunji na ako ang kumuha kay Yza, hindi malayong pinamamanmanan na nila ang bahay ko ngayon. Malaki ang posibilidad na makita nila si Yza kung matutunton nila ang bahay ko sa burol.

"Take me to St. Rose." I told my driver. We drove off. Lumiko siya. Malalim akong nag-iisip. It's a good thing I took Yza to at the hill, kung sa town house ko lang siya itinago malamang nakuha na siya sa akin ngayon.

Stolen (Published)Where stories live. Discover now