I don't know why that monster named Helios Demitri lets me roam around his four hectares piece of land but he is letting so I am taking advantage of it. Mas mabuti na rin ito kaysa ang buong maghapon akong magkulong sa silid na iyon habang siya nagpaplano kung paano niya sisirain ang pamilya ko.
Hindi ko pa alam sa ngayon kung paano ko siya lalabanan but I'm getting there. I remember what Tita Laide once told me – I had to embrace the blood in my veins. I have to be a Consunji because no matter how I try to turn it down – babalik at babalik pa din sa akin ang dugong nananalatay sa ugat ko.
Iyon ang mantra ko tuwing pagkagising ko at matatagpuan ko sa sarili ko sa loob ng silid na iyon sa piling ng demonyong halimaw na si Helios Demitri. Galit na galit ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano nawala ang takot ko sa kanya. Hindi na rin nangingnig ang buong katawan ko tuwing nasa paligid siya. Galit at panibugho na lang ang nararamdaman ko.
Minsan, iniisip kong bigla na lang siyang saksakin habang tulog but that would be too easy for him. Gusto kong pagbyaran niya ang ginawa niya sa akin. Gusto kong gumapang siya sa hirap.
I am a nice person but being nice right now isn't going to be effective. Hindi kailangan ng isang halimaw ng kabaitan. Dapat sa halimaw, pinupuksa, pinahihirapan at saka itatapon sa pinakamalalim na parte ng karagatan at ganoon ang dapat gawin sa kanya.
"Yza."
Dahan-dahan akong lumingon nang marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko ang assistant ni Demitri – si Kathryna. In my head I have labeled her bitch – a bitch who likes to suck power from that demonic monster that does nothing but ruin the lives of the people around him.
"Anong kailangan mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
"Tinatawag ka niya." Mabilis niyang sagot. Lalong tumaas ang kilay ko. I crossed my arms and looked at her from head to toe.
"Siya ang may kailangan, siya ang lumapit." I turned around after that. Nagpatuloy ako sa paglakad. Nang tingnan kong muli ang assistant niya, nakita kong papasok siya sa bahay. Napailing na lang ako. Paano kaya nakakatagal ang mga taong iyon sa lalaking sagad sa buto ang kaitiman ng budhi?
Nagpatulog ako sa paglakad. I'm missing my family so much. I really want to go home. I would give everything just to get my freedom back but right now, I'm having second thoughts. Yes, I wanna go home but I also want to make Demitri pay for what he did to me. Gusto ko siyang gumapang sa sakit, sa hirap. Gusto ko siyang lumuha ng dugo. Ayoko siyang mamatay basta because that would be too easy for him. A monster like him deserves to be punished. Hindi kinakaawan ang mga tulad niya. I took a deep breath.
Iniisip ko si Zach. Bigla na namang tumulo ang mga luhang ilang araw ko nang itinatago. Sa tuwing naiisip ko siya, nanghihina ako. Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung pagkatapos ng lahat ng ito ay matatanggap pa rin niya ako. Nanghihina ang buong katawan ko, pati na ang kaluluwa ko sa tuwing naiisip kong malaki pa rin ang posibilidad na makabalik ako sa pamilya ko, sa kanya pero hindi na ako buo.
I love Zach and I know that he loves me too but this thing that happened to me is just too overwhelming – so big that I'm actually scared that he won't be able to stomach the fact that I was ruined by some monster.
Bumalik ako sa bahay matapos kong maglakad-lakad. Hanggang ngayon wala pa rin akong solidong plano kung paano ko siya mapapantayan. Ang alam ko lang hindi ako magpapatalo sa lalaking iyon.
When I got inside, wala na sa kahit saang lugar si Kathryna at si Demitri. I just shrugged. Maybe they're fucking now, I don't care. They can actually die doing each other and I won't even give a damn.

YOU ARE READING
Stolen (Published)
RomanceIf something got stolen, will you do everything just to take it back? Consunji Legacy # 07