Dasal Dasal Lang Talaga

17.8K 71 14
                                    

"DASAL DASAL LANG TALAGA"
Ni: Jaye Knight

Sa dinami dami ng pwedeng makilala,
Di ko inaasahan na ikaw pa..
Di ko akalain noong una,
na magugustuhan ka pala.

Nagsimula sa maikling usapan,
At talagang noong una ay nagkakahiyaan.
Ang sabi mo pa nga sa aki'y,
"Pwede ba na makipag kaibigan?"

Kaya naman dito na nag simula.
Ang mahabang kwentuhan, at mahabang usapan.
Inaabot na ng magdamag,
di parin nagkaka sawaan.

Hinayaan kong bukas, pintuan ng aking puso.
Pinayagan kong papasukin, katulad mo sa puso ko.
Dumaan ang panahon, di ko namalayan, ako pala'y hindi na maka ahon sa aking kinalalagyan.

Tuluyan nang nilamon, ng pag-ibig na di inaasahan.
Pero sabi ko, "ayos lang" alam ko di ako masasaktan.
Alam ko sa sarili ko, at sigurado ako
Na diyan din sa puso mo, ang nilalaman ay ako.

Marami ang nagpaalala,
wag daw ako masyadong magtiwala.
Masakit ang umasa,
sigurado ay luluha.

Pero ako ay nagmatigas, mga kaibigan ay 'di pinakinggan.
Mas nagtiwala sa makasariling damdamin.
At hindi pinag isipan.

Nang ako ay magtapat, sa kaibigang iniirog.
Nilahad ang lahat, na sa kanya nga ay nahulog.
Ngunit iba ang isinagot, sa aking inaasahan.
Tinuturing niya lang daw ako, bilang isang kaibigan.

Mundo ko ay gumuho, puso ko ay nanlumo.
Para itong pamintang dinikdik at dinurog.
Parang yelong paulit-ulit na hinampas sa pader
Hanggang sa maging pino.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano?

Dahil nga matigas ang ulo, nagbaka sakali parin sayo.
Muling tinanong,
"Mahal mo rin ba ako? Sabihin mo sa akin OO!"
Ni isang salita, wala kang sinagot.
Pero kita sa mata mo, doon ay napagtanto ko.

Doon ko lang naalala, ang kanilang mga paalala.
Huwag umasa, huwag magtiwala.
Pagpapapasok ng kung sino-sino,
Sa puso'y huwag basta basta.

Pusong marupok. Pag-ibig na mapusok.
Yan ang dahilan ng aking pagbulusok.
Ang dating tahimik na buhay,
Ginulo na nga ng pag-ibig. Tinanggalan pa ng kulay.

Sabi ko sa sarili, sana ngayon ay magsisi.
Laging tandaan, gamitin ng mabuti ang puso't isipan.
Mga desisyon ay dapat pag-isipan.
Pag-ibig man ay walang kasiguraduhan.

Hayaan ang pusong maghilom at makalimot.
Ang pusong sugatan, oras lang ang makagagamot.
Nasaktan man, muling naka bangon sa malalim na kinahulugan.

Sana nga'y magsilbing aral, lahat ng pinagdaanan.
Huwag magmadali, ayos lang kung babagalan.
Kahit pa ano ang iyong asal, huwag kakalimutan.
Tamang pag-ibig, dapat pinagdarasal.

PETALS & PAGES: A Spoken Word Poetry CollectionWhere stories live. Discover now