Chapter VII (Awakening of her Power; A Sign)

23.4K 666 8
                                    

Chapter 7

Shanel Pov

“Hindi ko kayang ang mundo KO. Dito na ako lumaki.”sabi ko.

Nandito kami ngayon sa parang private room nila sa school. Akalain mong may ganito sila? Kadaya naman talaga. Nandito sila lahat except Shone dahil nga hindi naman pumapasok yun.

“Pero Shana masyado mapanganib kung mananatili ka pa dito. Kailangan ka namin. Kailangan ka ng mundong kung saan ka talaga nabibilang”si Gallens. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba pilit niya akong tinatawag na Shana? Bwisit!

“Gallens alam mong hindi madali para sa akin ang umalis. Ang iwan ang mundong akala ko dito ako nabibilang. Mahirap yon! Hindi ko kayang iwan o talikuran ang mga taong nagmamahal sa akin dito!” sabi ko at tumingin kay Jil. Nandito din kasi siya. Nagalit nga sila ng malamang sinabi ko kay Jil ang lahat pero wala na rin sila magagawa.

“Alam naman naming hindi magiging madali para sa iyo yon e. Pero kailangan kayanin mo. Para sa kaligtasan mo”si Jiro.

“Para sa kaligtasan ko o para sa kaligtasan niyo? Ng mundo niyo? Hindi ba kaya niyo lang naman ako hinanap dahil gusto niyong iligtas ko ang mundo niyo sa mga Dark Wizards na sinasabi niyo?”tumayo na ako

“Hindi sa ganon Shana. Mapanganib kung mananatili ka pa dito. 18th birthday niyo na bukas at nasisiguro kong maraming dark wizards ang pupunta dito para lang mapatay ka” sabi ni Gallens.

“So? Kaya ko na ang sarili ko! Tsaka kayo na din ang may sabi, ako lang ang makakatalo sa kanila, so pano nila ako mapapatay kung kaya ko naman pala silang talunin?” sarcastic na sagot ko.

“Do you know how to use your powers? Ni hindi mo pa nga napapalabas ang kapangayarihan mo.” si Elysse.

Nag-isip ako saglit.

Tama siya. Ni hindi ko pa nga nasusubukan kung meron nga ako eh. Pero ayoko iwan ang mundo ko. Ayoko.

“I don’t care. Tsaka kaya ko na ang sarili ko. Buo na ang pasya ko. Hindi ako sasama sa inyo. At hindi na magbabago iyon!” inalis ko ang kwintas na pinasuot ni Gallens noon sa akin at hinagis sa kanya. Nasalo naman niya ito

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon