Chapter X (Magus World)

23.8K 619 29
                                    

Chapter 10

Shanel Pov

6am gising na ako. Ano ba yan?! Ni hindi ako nakatulog ng maayos sa dami ng mga iniisip ko!

Unang-una na si Jil. Iniisip ko kung ano ng nangyayari sa kanya, kung ok pa ba siya? Kung...buhay pa siya...haaayyy

Tapos iniisip ko din kung kaya ko nga talagang talunin yung mga dark wizards na yun.

Ang nakakainis nakidagdag pa ang lintik na Gallens na yun!!!

“Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo..ilang araw palang ang lumipas simula ng makilala kita pero iba na ang epekto mo sa akin”

Waaahhhh!! Naalala ko nanaman!!

Tumayo na at lumabas ng kwarto. Ngayon ko lang napansin, ang dumi naman ng mansyon na to.

At pag sinabing madumi....parang walang nakatira ng ilang taon! Buti nalang at may kalinisan ang kwartong tinulugan ko.

Dumiretso ako sa garden nila.

“Ano ba yan?!” nasabi ko na lang sa sarili ko. Kaya naisipan kong pumunta sa garden nila para makalanghap ng sariwang hangin. Tapos eto? Ni wala man lang buhay sa mga halaman nila. Kahit damo patay na dahil tuyung-tuyo ang lupa.

Napahinga nalang ako ng malalim at naupo sa nakita kong swing.

Tinulak ko yon gamit ang paa ko at pinikit ang mata ko.

Ano kaya ang naghihintay sa akin sa mundong sinasabi nila?

9:26am nasa isang kwarto kaming lahat na napaka creepy sa mansyon at nakaharap sa isang full length mirror.

“Ahm...akala ko ba pupunta natayo sa Magus World na sinasabi niyo?” tanong ko at tinignan sila.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon