the Shapeshifters

8 1 0
                                    

Sa gilid ng ilog nakaupo si clyde at ang lolo nitong si henry na mas kilala bilang skydragon, nangingisda ang mag-lolo na nakasanayan na nilang gawin, samantala may paparating na panganib, napaka-lakas ng pwersa ang unti-unting lumalapit sakanila.

"Apo puntahan mo si namria sa bayan alam mo naman palabas ng gubat, mag-iingat ka" sa mga oras na yun nakakaramdam na sya ng panganib at di na mapakali.

"po? bakit lo? may problema ba?" nagtatakang tanong ni clyde ngunit unti-unti ng lumalakas ang panganib na nararamdaman nya, senyales na paparating na ito o sila.

"tumakbo ka na wag kang lilingon at wag na wag ka ring babalik dito tandaan mo ang mga sinabi ko sayo apo mag-iingat ka" kahit na hindi alam ang nangyayari ay minabuti na lang nyang sundin ang kanyang lolo, tumakbo sya ng tumakbo.

Skydragon's POV

Nakaupo lang ako habang hinihintay ang nagmamay-ari ng mapanganib na presensyang yun hinanda ko ang sarili ko dahil narito na sila.

"kyrie? fugue?" nagulat ako dahil sila pala ito ngunit kataka-takang may bumabalot na masamang presenya dito.

"Ohh Skydragon, Lightning and fire" nagtaka ako sa sinabi ni kyrie ngayon nakumpirma ko na, Shapeshifters.

"tumatanda na sya kaya madali lang ito" napangisi ako sa sinabi nito.

"hmm tingnan natin" ngumiti ako sakanila, alam kong panandalian lang ang kapangyarihan nila at kung gaano kalakas ang ginagaya nila ganoon kabilis silang manghina, hinawakan ko ang tubig ng makita kong papalapit sa akin ang pekeng fugue binalot ng kuryente ang katawan nya naapektuhan ito pero nakakilos pa rin sya hindi na nakapagtataka dahil si fugue lang naman ang ginagaya nya, The Legendary Wild Beast.

"kinikiliti mo ata ako tanda" nginitian ko sya saka pinalakas ko pa ang kuryenteng bumabalot sakanya kaya nahirapan itong maglakad ngunit parang biglang bumilis ang oras, nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na ito at aatake ngunit nasangga ko ang atake nya gamit ang espadang apoy na pinalilibutan ng kuryente, napatingin ako sa pekeng kyrie at nakangisi ito sigurado akong may kinalaman sya sa biglang pagbilis ng oras dahil ang ginagaya nya ay nakokontrol ang panahon at oras, nakaramdam ako ng hapdi sa likod kaya agad akong napaiwas nagulat na lang ako dahil nandoon na sya sa likod ko samantalang nakahandusay pa sya kanina pero kahit gaano pa sya kabilis hindi nya pa rin ako matatalo, pinalibutan ko ng apoy ang paligid naming dalawa kaya wala na syang mapupuntahan pa ngunit biglang umulan ng malakas kaya unti-unting nanghina ang apoy ko pero pinalakas ko ito gamit ang kuryente humapdi ang sugat ko sa likod kaya napaluhod ako susugod na sana ito ngunit napansin ko na unti-unting nagbabago ang anyo nito hanggang sa tumigil na ang ulan napatayo ako ng makita ko ang tunay na anyo nila.

"vernal" humihingal ito na para bang tumakbo ito ng napakalayo hindi na ito nakapagtataka dahil napaka-lakas ni fugue para makaya nya tumingin ako sa kabilang gilid at nagulat ako.

"lilia" nanghina ang tuhod ko at naramdaman ko ang matinding sakit sa likod ko ngunit bago ako tuluyang bumigay nakita kong papalapit sa akin si fugue, ang totoong fugue.

RoyalesWhere stories live. Discover now