her power

4 0 1
                                    

"pa anong nangyari? sino po sya?" may buhat si papa na malala ang sugat sa likuran.

"magmadali ka kunin mo ang panlinis ng sugat at tela para mapatigil ang pag-agos ng dugo" nagmamadali kong sinunod ang inutos sa akin saka ibinigay ito kay papa, nagsimulang linisin ni tatay ang sugat habang yung lalaki ay walang malay maya-maya lang ay tumigil na ang pag-agos ng dugo.

"papa sino po sya?"

"Sya si Henry mas kilala sya sa pangalang skydragon matalik na kaibigan sya ng lolo mo" hindi ako makapaniwala sa narinig ko matagal ko na syang gustong makilala dahil sa kakaiba sya, magkahalong lightning at fire ang nakokontrol at nalilikha nya, lumapit ako sakanya gustong-gusto ko syang kausapin kaya lang wala itong malay hayy.

"ikaw na muna ang bahala sakanya" ngumiti ako kay papa para sabihing kaya ko na ito kaya umalis na sya ako naman ay inayos ang pagkakahiga ni lolo ngunit nabigla ako ng may dumaloy na kakaiba sa katawan ko uminit katawan ko kaya napabitiw ako sakanya nakita ko ang kamay ko na biglang nag-apoy at may kidlat na lumabas hindi ko alam ang gagawin ko kaya bago pa masira ko ang bahay namin ay tumakbo ako palabas hindi ko alam kung paano kokontrolin ang apoy at kidlat na lumalabas sa kamay ko naiiyak na ko sa kaba marami na ring puno ang napapatumba ko ng biglang dumating si papa.

"luningning huminahon ka" sinunod ko si tatay saka huminga ng malalim at kumalma unti-unting nawala ang apoy at kidlat na lumalabas sa kamay ko.

"papa nalilito ako hinawakan ko lang si lolo ng biglang may kidlat at apoy na lumabas sa kamay ko"

"anak yan ang kapangyarihan mo" napakunot ang noo ko.

"kaya mong makuha ang kapangyarihan ng iba sa paghawak mo lang sakanila" nabigla ako sa sinabi ni papa hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

"noong bata ka pa lang akala namin wala kang kapangyarihan dahil wala kang ipinapakitang kakaiba kagaya ng iba ngunit ng hawakan ka namin nagulat kami sa biglang pagkidlat at pag-ulan na kanina lang ay maaraw pa kasabay ng pagwawala mo na halos lahat ng bagay na makita mo nasisira mo dun namin nalaman kung ano ang kapangyarihan mo nakuha mo ang kapangyarihan ng ina mo na nakokontrol ang panahon at oras at ako na wild beast, natakot kami na hindi mo kayanin kung bawat mahawakan mo makuha mo ang kapangyarihan kaya inilayo ka namin sa iba" nagulat ako sa nalaman ko pero may ilang katanungan ang nasagot sa akin, kaya pala nandito kami sa gitna ng gubat at pinagbabawalan nila akong makisalamuha sa ibang tao.

"anong nangyari? bakit naputol ang mga puno?" nag-aalalang tanong ni mama lumapit ako sakanya saka tinulungan sya sa dala nya, namalengke kasi si mama.

"nandito si lolo henry nung mahawakan nya nakuha nya ang kapangyarihan hindi nya ito naikontrol kaya may mga naputol na puno"

"ANO?! anak okay ka lang ba? nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni mama kaya nginitian ko sya para huminahon sya.

"mama okay lang po ako" kahit na hindi pinilit ko pa ring maging okay hindi pa rin ako makapaniwala sa katotohanang mayroon akong kapangyarihan, huminahon naman si mama saka ngumiti at ibinaling ang tingin kay papa.

"bakit biglang napadalaw si lolo?"

"hindi sya dumalaw pinunta ko sya dito dahil may malala syang sugat sa likod"

"bakit? anong nangyari sakanya?" pumasok kami sa loob, nagulat si mama sa nakakaawang kalagayan ni lolo dahil putlang-putla ito.

"mga ilang linggo din ang itatagal bago sya magising"

"pero sino ang gumawa nito?"

"nakita ko si vernal" napatingin si mama kay papa.

"Shapeshifters" napatingin ako kay mama sa sinabi nito dahil sa pagkakaalam ko ang mga Shapeshifters ay nanggagaya ng itsura at kapangyarihan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RoyalesWhere stories live. Discover now