Once Mine, Always Mine -- Chapter 25

81K 584 23
                                    

Chapter 25

 *Flashback

Denzel's POV

 "Uurrrggghh." Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang sakit.

Anong oras nga ba ako naka-uwi kagabi? Urgh. Hindi ko din alam. Kung bakit buhay pa ako? Hindi ko din alam.

Basta ang sa akin lang ay sobrang naiinis ako sa sarili ko. At sobra akong nasasaktan.

Pag-alis na pag-alis ko sa bahay ng mapapangasawa ni Maverick, ay dumiretso na ako sa isang bar. At 'yun na nga, hindi ko alam na makakaya ko pang mag-drive pauwi dito sa condo.

Tumingin ako sa kanang bahagi ko kung saan nandoon ang alarm clock ko. Mas maaga pa akong gumising kesa sa inaasahan ko.

Ala sais pa lang ng umaga. Pag ako nagising na ng ganitong oras alam kong mahihirapan na akong matulog pa ulit. Kaya kahit na nahihilo pa ako at masakit ang ulo pinilit kong tumayo at pumunta sa banyo para maligo na.

Nang matapos ako,  kahit papaano ay nawala na din ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. Pumunta na akong kusina para magluto pagtapos kong magbihis.

Habang nag-luluto ako ay kinuha ko ang planner ko sa taas ng refrigerator.

Ano nga ba ang gagawin ko ngayon? Tapos ko na naman ang mga kailangan na designing building na naka-a-sign para sa akin. Tapos ko na din ang mag-review ng mga building na natapos ko na ng ilang buwan na ang nakakalipas.

Siguro magpapahinga na lang ako sa opisina para mawala na din ang pag-kabored ko at mawala ang atensyon ko sa kanya.

Kahit na inaalam ko ang schedule ko ngayon mukha niya pa din ang nakikita ko. Lalo na ang masasayang alaala naming hanggang dumating sa mapait na alaala.

Iniisip ko na naman siya. Kaya kahit na anong mangyari ay kailangan kong mapasa-akin siya. Madamot ako lalo na't simula pa lang alam kong akin na siya.

Nang matapos akong kumain ay umalis na ako. Papunta na akong opisina. Doon na lang ako babawi ng tulog. Alam ko naman na walang mag-iingay sa ibang mga team na nandoon.

Mas maaga pa akong dadating sa opisina kesa sa mga employee. Mas maganda na din siguro 'yun para alam nilang hindi ako pumasok kahit na nandoon lang naman ako.

Ilang liko na lang ang dadaanan ko ng maisipan kong bibisita na lang pala ako sa mga site na ako mismo ang nag-isip ng konsepto Lalo na sa Tagaytay. Doon ko kasi ina-sign si Mark, isa sa mga engineer namin. Kahit na nahahanginan ako sa kanya ay malaki pa din ang tiwala ko sa taong yun.

Once Mine, Always MineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang