17

14K 291 5
                                    

17

“Anong ibig sabihin nito, Alexie!” Dumagundong ang boses ng kuya niya. Bago pa siya nakasagot ay agad ng lumapit sa kanila si Aron Miguel at inundayan ng suntok si Marcus na hindi man lang umilag. Napasigaw siya at si Nanay Olive, agad itong lumapit sa kanila.

Ilang suntok rin ang inabot ni Marcus mula kay Aron Miguel bago ito naawat nina Ruel  at Simon, agad namang niyakap ni Nanay Olive ang anak.

“Hayop ka, Marcus! Nag-usap na tayo di ba? Akala ko ba tutupad ka? Bakit?”

“Kuya! Walang kasalanan si Marcus.” Umiiyak na sabi ni Alexie sa kanya.  Hinila ito ni Aron Miguel palabas ng kamalig. Gustuhin mang sumunod ni Marcus pero wala siyang magawa, pinipigilan siya ng Nanay niya na umiiyak, duguaan na kasi ang mukha niya, pigil din siya ni Ruel.

Hila pa rin ni Aron Miguel ang kapatid papasok ng sasakyan, kasunod nun si Simon. Nagsisisi ito sa nangyari, hindi naman nito alam na ganun ang mangyayari, kanina kasi, nakita niyang dumating sina Aron Miguel at Marcus, itinuro niya kung nasaan ang dalawa.

“Sa bahay tayo.” Utos nito sa driver nila.

“Kuya, makinig ka please, yung nakita mo, wala yung, ako ang may kasalanan.” Umiiyak na paliwanag ni Alexie sa kapatid niya. Pero hindi ito umimik, di hindi tumingin sa kanya.

Pagdating sa bahay ay agad silang silang sinalubong nang ina, nagtaka ito kung bakit umiiyak ang bunso niya at galit na galit ang mukha ni Aron Miguel.

“What happened?”

“Ask your daughter.” Sagot nito at agad na pumasok sa loob ng bahay.

Alexie hugged her mother, and in between sobs told her what had happened. Lahat, pati na yung unang paghalik niya kay Marcus.

“Ma, I’m sorry, pero wala talagang kasalanan si Marcus, please tell Kuya Aron about it, ayoko na magkagalit sila nang dahil sa akin. Ma, believe me, ako ang nagsimula nang lahat.”

“Tahan na Alexie, I believe you. Don’t worry, Aron Miguel will eventually believe you, let him rest his anger first, nagulat lang siya sa nakita niya. Siyempre, kaibigan niya si Marcus so he felt that he was betrayed by him.”

“Sorry Ma, nahihiya ako. Nahihiya ako kay Kuya, kay Papa, pati na kay Nanay Olive, lalo na kay Marcus. Di ko rin alam bakit pumasok yun sa isip ko, Ma. I’m so sorry.”

“It’s okay, Baby, I understand, lahat naman tayo may nagagawang mali, ang importante, alam natin paano tanggapin ang pagkakamaling yun. Look, talk to your Kuya later, not now. Akon a rin ang bahala sa Papa mo.”

“Thanks, Ma.” Umakyat na siya papuntang kuwarto niya, dun niya pinagpatuloy ang pag-iyak. Bakit kasi sa dinami-rami ng araw, ngayon g pasko pa. Bakit kasi niya yun nagawa? Ano ba ang meron kay Marcus? Nagsimula lang naman na sobrang intense ang nararamdaman niya sa binata nung malaman na may girlfriend na ito. Tuwing iniisip niya ito halos mabaliw siya, dahil bas a may gusto siya rito? O tama ang sinabi ni Gabrielle sa kanya na crush turned out to be love already.

MarXieWhere stories live. Discover now