Chapter 1: Flames

160 14 5
                                    


CHAPTER 1: FLAMES


YOUNG ISAY'S POV:


"Ayy. Nakakainis naman! Bakit ba laging 'angry' ang lumalabas?" Bugnot na sabi ko sa sarili ko habang nagsusulat ng flames sa isang maliit na papel.


Nandito po kasi ako sa playground na malapit sa bahay namin. At dahil gusto ko pong i-try yung nalaman ko sa bestfriend ko, dito ko ginawa. Baka kasi makita po ako ni mama eh. Malaman pa niya kung sino yung crush ko sa school. Hihi.


"Sige na nga. Uulitin ko na nga lang ulit" sabi ko at kumuha ng panibagong papel mula sa bag kong Barbie.


Pagkakuha ko ng papel, nagsimula na po akong magsulat. Alam nyo ba? Maganda ako magsulat kahit kinder palang po ako. Kaya nga paglaki ko po, gusto kong magsulat sa diyaryo eh.


Ay. Nakalimutan ko palang magpakilala sa inyo. Ako nga po pala si Maria Elisa Crespo. Tawagin nyo nalang po akong Isay kasi si mama, yun yung pinalayaw sa akin. Wag nyo po akong tatawaging Isaw ah. Susubong ko po kayo sa mama ko. Sige kayo magagalit po yun sa inyo. *pout*


Anyways, sige po. Itutuloy ko na po ang pag fflames ko. Saka na po tayo mag-usa---


"M-mama." *sniff


Eh?


"M-Mama ko"


Teka?


"Uwi ka na m-mama." *sniff


Hala. Parang may umiiyak po.


Habang kausap ko po kayo, bigla akong nakarinig na parang may umiiyak sa bandang swing. Kaya lumingon ako at nakita kong—


Ay. Sabi na nga ba eh. Si Mitos yun eh. Yung batang lalaki na nakatira sa tabi ng bahay namin.


Hindi na po ako nagtataka sa tuwing nakikita ko po si Mitos na umiiyak. Naging ganyan po kasi siya simula nung dinala yung mama nya sa.. uhm. Sa rehab ba yun? Basta po ganun po ata ang tawag dun dahil dati, nung napadaan kami ni Mama sa tapat ng bahay nila, may nakita po akong mga lalaki na naka-panjamang white. Tapos, dinadala nila yung mama ni Mitos papunta sa ambulansya. Kumakawala nga po habang bitbit nila eh.


Tinanong ko si Mama kung sino yung mga yun. Sabi nya, taga rehab daw yun. Di ko alam yung rehab kaya tinanong ko kung ano yun at bakit dinadala yung mama ni Mitos. Sabi lang ni Mama, may sakit daw yung mama ni Mitos at parang hospital ang rehab. Sabi ko nga rin eh, "bakit hindi nya sinama si Mitos?". Sabi nya, bawal daw po ang bata dun dahil pangmatanda lang po yun at baka kainin ng monster.


Dahil sabi ni Mama sakin yung mga yun, naniwala po ako sa kanya. Siyempre, si Mama ko yun eh. Alam ko pong hindi siya nagsisinungaling dahil kabilin bilinan nya sakin, wag daw po akong magsisinungaling.

Love is..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon