CHAPTER 01 DEMONIC EYES

3.5K 93 17
                                    

            Dedicated to: empressblackrose919

CHAPTER 01 – 'DEMONIC EYES'

========

(Author’s pov )

Tokyo, Japan

8:45pm

Humahangos ang isang lalaki papalayo sa isang pigurang pilit siya hinahabol

‘Shit! she’s coming!’ – sabi ng lalaki sa isipan nito habang tumatakbo ito para iligtas ang sarili mula sa kamatayan

Tumigil ang lalaki sa kakatakbo at hinihingal itong tumingin sa likuran nito at nakita niyang wala na ang pigurang humahabol sa kanya kaya naman nakahinga na ito ng maluwag

‘Phew! I though it’s the end of me but it turns out that it’s my lucky day! haha!’ – sabi naman ng lalaki sa sarili

Anata wa watashi kara nigeru koto ga dekimasu ka” sabi ng isang malamig na boses kaya naman biglang nanigas sa kinatatayuan ang lalaki kaya naman dahan-dahan itong tumingin sa pinanggagalingan ng boses at nakita niya ang babaeng humahabol sa kanya

[ You though you can escape from me? ]

Sa ilalim ng liwanag ng buwan ay masisilayan mo ang animo’y napaka-among mukha ng babae pero sa kabila ng kanyang ganda at among mukha ay isang demonyo ang nakapaloob dito na handang pumatay kahit na anumang oras

Ang mga pula niyang mga mata na animo’y nagbabadyang nasa harapan mo na ang kamatayan at ang babaeng kaharap nito ang maghahatid sa kanya sa impyernong dapat niyang kalagyan

Nakita ng lalaki ang babaeng humahabol sa kanya kaya naman nanigas ito sa kinatatayuan niya habang ang babae naman ay humakbang papalapit sa lalaki na ngayon ay hindi makakilos dahil sa uri ng tingin ng babae na ibinibigay sa kanya

“H-have…m-mercy…” nangangatog na sabi ng lalaki habang papaluhod ito sa harapan ng babae

Tumigil ang babae sa harapan ng nakaluhod na lalaki na nagmamakaawa sa kanya at tsaka ito malamig na tinignan bago nagsalita

ka go jihi o? Anata wa jihi ga anata no ima no katsudō kara anata o sukuu koto ga dekiru to omoimasu ka? Nante kawaisōna! Anata wa muyōna ikimonodesu!” malamig na sabi ng babae at tsaka nito itinaas ang kamay niyang may hawak na katana at makikita sa liwanag ng buwan ang nakaukit na simbolo ng isang korona na may tinik at may pulang rosas kaya naman nanlaki ang mata ng lalaki ng makita niya iyun dahil iisang tao lamang ang kilala niyang may ganung uri ng simbolo

[ Have mercy? do you think mercy can save you from what your doing right now? how pathetic! you useless creature! ]

“B----” hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nito dahil mabilis pa sa alas kwatro ang pagkumpas ng babae sa hawak nitong katana papunta sa kanya at nahiwalay ang ulo ng lalaki sa katawan nito at lumipad ito papalayo sa kinatatayuan nito kanina

Bumagsak ang katawan ng lalaki na wala ng ulo at nagkalat ang dugo nito sa lugar na iyun

Natalsikan din ang babae ng dugo pero imbes na mandiri ay mas lalo pa itong nasiyahan dahil napatay na niya ang dapat linisin sa mundong ito

May kinuha sa bulsa ang babae at pagkatapos nito ay lumapit siya sa bangkay ng lalaking pinatay niya at ipinatong niya dito ang isang matinik na pulang rosas at tsaka nito nilisan ang paligid

DEMON QUEEN (COLD & HEARTLESS QUEEN) [SLOW UPDATE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora