Chapter 02 New Instructor

1.1K 33 6
                                    

Dedicated to: empressblackrose919

[A/N:

SORRY LATE UPDATE BUSY SOBRA SI AUTHOR.

=================

CHAPTER 01 – 'New Instructor'

=========

(Her POV)

Nagmamadali na akong pumasok sa isang paaralan na bago kong magiging trabaho ngayon, kainis talaga yung lalaking yun! hindi man lang ako ginising! aba siya bahala siya at wala siyang kakainin! hmp!

Nakalapit na ako sa may entrance ng gate ng eskwelahan na bago kong tuturuan kaso naman bigla akong hinarang ng guard, ano ba yan! bakit ang malas ko ngayon! huhu! T_T

"Miss ano pong kailangan niyo po dito?" tanong nito sa akin kaya naman nilabas ko na yung papeles ko na nagsasabing bago lang ako dito at ng tignan niya at ng makumpirma nga niya ay tsaka na niya ako pinapasok sa loob kaya naman tumakbo na ako

Makalipas lang ang ilang oras nakarating na ako sa may lobby ng university kaya naman nagtanong na ako dun sa may reception area kung saan ang faculty

"Miss magtatanong lang sana ako, saan po yung office ng College of Business and Accountancy?" tanong ko sa kanya at tsaka naman ako tinignan nung receptionist mula ulo hanggang baba at tsaka ako tinaasan ng kilay? huh? problema naman niya? @_@

"At bakit? sino ka naman? isa sa mga babaeng naghahabol sa dean ng CBA?" mataray na tanong nito sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya at tsaka ko inilabas ang temporary I.D. ko

"Ahmmm... hindi po....bagong professor po ako at tsaka nirefer po ako dito ni Mr. William Eros Quintos po ito po yung temporary I.D. ko po" sabi ko sa kanya at nakita kong bigla siyang nagulat ng marinig niya ang pangalang sinasabi ko

"Ah-eh....a-ano po..." pautal-utal na sabi nito kaya naman napakamot ako ng ulo dahil sa sinasabi nito

"Ahmmm....Miss malelate na po kasi ako baka po pwedeng malaman ko na po kung nasan po yung office ng CBA" sabi ko sa kanya at tsaka naman siya nabalik sa realidad at tsaka ito tumayo papaalis ng reception desk niya at tsaka niya binalingan ang ilan sa mga kasama niya

"Kayo muna dito at ihahatid ko muna siya sa office ng CBA" sabi naman nito sa mga kasama niya at tumango lang ang mga ito bilang sagot at tsaka niya ako inalalayan na sumunod sa kanya at tsaka nito iniabot pabalik sa akin yung temporary I.D. ko at tsaka nagsimula na kaming maglakad

Tahimik lang kaming dalawa at halata sa kanya na kinakabahan kaya naman nagsalita ako

"Ahmmm...Miss nasabi mo kasi kanina na isa ako sa mga naghahabol sa dean ng CBA? bakit mo naman nasabi iyun?" tanong ko sa kanya at nakita ko namang nagitla siya sa naging tanong ko, bakit naman? nagtatanong lang naman ako ah @_@

"Ah-eh...k-kasi...a-ano...." nauutal niyang sabi kaya naman nagsalita na ako

"Wag kang mag-alala, hindi naman kita kakagatin kaya magsalita ka ng maayos" sabi ko sa kanya

"K-kasi...parati kasing may mga babaeng naghahanap ng opisina ng dean ng CBA at hindi ko nga alam kung papaano nakakapasok ang mga iyun dahil hindi naman sila staff dito sa university na ito kaya ko nasabi iyun sa iyo kanina at ng sabihin mo yung pangalan ng Headmaster ay natakot ako bigla, sorry sa inasal ko" paliwanag naman niya kaya naman tumango ako bilang sagot, sa mga naguguluhan, si William Eros Quintos ang sinasabi kong kaibigan kong hindi ako ginising kanina

Yung sinasabi nung babae na Headmaster siya ay totoo iyun, si William, (Liam for short) ang may-ari nitong university at ni-refer niya ako dito dahil napatalsik ako sa dati kong pinagtatrabahunan because inakusahan ako na nang-aakit ng estudyante, aba matindi! ako na nga yung muntikan ng ma-rape tapos ako pa ang lumalabas na masama

DEMON QUEEN (COLD & HEARTLESS QUEEN) [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now