13

2.3K 60 4
                                    

Maddie's POV

Nanghihinang napahiga ako sa kama ko. Kakatapos lang ng klase ko para sa araw na to at pakiramdam ko at parang drained na baterya ako. Ipinikit ko ang mga mata ko. Sumasakit ang ulo ko. I'm physically, mentally and emotionally drained.

It's been 3 days. Hindi sya nagpapakita sa team meetings. Hindi ko rin sya nakikita sa school. Hindi sya umuuwi dito sa dorm. Ganun sya ka-allergic sa i love you para bigla na lang mawala ng parang bula?

What happened to 'you're different than the others?' Akala ko ba iba ako sa mga nagdaang babae sa kanya. Bakit ngayon sya nawala?

Parang pinipiga ang puso ko sa thought na ako lang naman talaga ang nagmahal sa naging relasyon namin ni Bea.

Paano kung quick sex lang naman pala talaga ang gusto nya? Kinailangan nyang ibasura yung friendship namin para sa kalibugan nya? Okay na ako sa pagtatago ko ng feelings ko sa kanya. She made me feel special tapos iiwanan sa ere pagkatapos ng lahat?

What the actual fuck?

Kahit na nasasaktan at gusto kong magalit sa kanya ay may part pa rin sa puso ko na hinahanap hanap sya.

Baka nabigla lang talaga sya? Hindi nga daw sya nakikipag relasyon dati diba? Bakit ako mag eexpect na ibalik nya yung feelings na meron ako para sa kanya.

May kumatok sa pinto.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Patakbo akong lumapit sa pinto, expecting na ang taong namimiss ko ang nasa likod nito.

"Hey." Bati ni Jho pagbukas ko ng pinto.

"Hey." Hindi ko naitago ang panglulumo.

For just 2 sweet seconds, umasa ako na si Bea ang mapapagbuksan ko. Umasa ako na makikita ko syang muli.

"Wala pa rin sya?" May lungkot sa tono ni Jho.

Alam ko na namimiss din ni Jho si Bea. Sila ang bestest friend sa team at buong summer break silang di nagkita. Ini expect nya siguro ang masayang reunion at kwentuhan with Bea pero eto, ni anino nya ay hindi namin nakikita.

Umiling lang ako bilang sagot sa tanong nya. Niluwangan ko ang pagkabukas ng pinto para papasukin si Jho. Tumuloy naman sya at umupo sa ngayon ay bakanteng kama ni Bea.

"What happened ba? Tinext ko sya pero walang reply. Tinry ko syang tawagan pero cannot be reached." Tanong ni Jho.

Hindi ako makasagot. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang nangyari. Hindi ko pa sya tinatry tawagan o itext. Hindi ako magkaroon ng lakas ng loob na kausapin sya pagkatapos nyang hindi makasagot nung umamin ako na mahal ko sya. Masakit na masakit sa akin na pagkatapos kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko ay hindi nya alam ang isasagot nya. Parang nabalot ng kung anong alien na pakiramdam ang mga mata nya. Kitang kita ko kung paano nyang itinry na magsalita pero walang lumabas na salita sa bibig nya kaya nagpasya akong umalis na lang. Sapat nang dahilan sa akin ang reaksyon nya para maintindihan ko na hindi kami pareho ng nararamdaman.

"Maddie, kayo ang huling magkasama. Magkatext lang kami nung nagpunta kayo sa Pico de Loro. Anong nangyari?" May desperasyon sa tono ni Jho.

Napilitan akong ikwento kay Jho ang lahat lahat hanggang sa confession ko ng feelings ko para kay Bea. Bago ko matapos ang kwento ay naramdaman ko na lang na lumuluha na pala ako.

Natahimik si Jho. Parang nag iisip.

"Jho, anong mali sa ginawa ko? Mali ba na minahal ko sya? That's something na I have no control over." Sumisinghot kong tanong. Pinunasan ni Jho ang luha na tumutulo sa pisngi ko bago nagsalita.

Love Me Or Leave MeWhere stories live. Discover now