Chapter 14

1.3K 40 0
                                    

Eight o'clock evening ng pumunta si mildred para ipagpaalam ako kay eythan. Tulad ng inaasahan hindi nga pumayag si eythan. Noong sinabi ni mildred na pwede siyang sumama ay hindi din ito pumayag. Actually, Hindi lang ako ang ayaw niyang payagan kundi pati na din si mildred.

"You two are not going to party.. That's final." Mariing sabi ni eythan.

"Cous, come on! Don't be so protective.. We're not kids anymore. We're already on legal age for pete's sake.." Pagpupumilit ni mildred.

Nasa sofa lang ako. Nakikinig lang ako sa pagtatalo nila. Actually, wala akong pakealam kung sino ang mananalo sa pagdedebate nila. Kung si mildred, we'll go. pero kung si eythan we'll stay here then. Sa totoo lang mas gusto kong pumanig kay eythan dahil ayaw ko din namang pumunta ng bar. Hindi talaga ako sanay doon at baka ma-out of place lang ako.

"Don't reasoned your age, mils. Eventhough you're on the legal age doesn't mean you can go anywhere you want.. Hindi niyo ba alam na madaming bastos doon? Sa ganda niyong 'yan for sure papalibutan kayo ng mga manyak dun.."

Tumawa si mildred sa sinabi ni eythan.

"Thanks for the compliment, cous! But cait and i can protect ourselves from those fuckboys.. Don't worry! Besides, You can go with us para mabantayan mo si cait. Alam ko naman kung bakit ka nagkakaganyan.." Mildred keep on laughing.

Tinitigan ko siya ng masama. Ngumisi lang siya sa akin. Napaawang naman ang labi ni eythan at kita ko kung paano siya nagulat sa sinambit ni mildred. I think mils won the debate. Napabuntong hininga na lang ako.

"Fine. Sasama ako, Antayin niyo ko dito. Magbibihis lang ako.." Sumusukong sabi ni eythan.

Tumayo ako. Kung aalis kami siguro'y kailangan ko na ding magpalit ng damit. Hindi pa kasi ako nagbihis ng pang-alis dahil inisip ko na hindi din naman ako makakapunta. Pero nagkamali ako ng hinuha.

"Magpapalit lang din ako.." Sabi ko.

"Wear something descent, please.." Sabi ni eythan at nauna ng umakyat ng hagdan.

Napatunganga ako doon. Seriously? Anong akala niya? Hindi ako desente manamit? What's with him? Napabuntong hininga ako ng malalim at padarag na umakyat na lang din ng hagdan.

Napabuhanglit ng tawa si mildred.

"Wear something descent, Sweetheart.." Ani mildred. She mimicked what eythan said.

Tinapunan ko lang siya ng matalim na tingin at dire- diretso ng umakyat. Naiwan siya doon na tawa ng tawa.

-
"Hey, Mils.. Cait! Oh my god. Akala ko hindi na kayo pupunta. Ang tagal niyo.." Sinalubong kami ng yakap nina aveya at claire.

Tumayo naman sina zander, troy at joshua. Nginitian nila kami at nakipaghigh five samin ni mildred. Bagamat naiilang ay nakuha pa rin nilang maging friendly kay eythan na nasa tabi lang namin. Nakipag high five sila dito at mabuti na lang hindi naging malupit si eythan sakanila. Tinanggap niya ang pakikipaghigh five ng tatlo.

"What took you so long?" Untag ni claire nang makaupo na kami sa mahabang sofa na nirentahan ata nila.

"Ah. Nahirapan kasi kaming pilitin si eythan. Ayaw niya kasing ipasama si cait--"

"Traffic. Nahirapan kami sa traffic kaya natagalan kami." Pinutol ko si mildred sa sasabihin at ako na ang nagdahilan kung bakit kami natagalan.

Ayokong maging laman ng usapan ngayon. Hindi ako magiging komportable kung tutuksuin lang nila ako kay eythan.

"Uh. I see.. Let's have a toast, guys. " Si claire at nagsalin ng hindi ko alam kung anong alak sa shot glass na nandoon. Binigyan niya kami nina mildred at eythan. Meron naman na sila dahil kanina pa ata sila nagsimulang uminom.

Accidentally Inlove (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon