Chapter 30

1.3K 21 1
                                    

My parents were making a scene when me and eythan went on their house. Actually our house on rizal. They were gone crazy on making a show to impress our guest- eythan.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni mama sa amin ni eythan tapos sabay baling kay papa. "Roman, lika dito. Tulungan mo ko magluto para makakain sila. Hayaan mo muna silang dalawa dyan."

Tumayo naman si papa at iiwan na dapat kami sa sala.

"Ma, kumain na po kami sa labas." Sinabi ko.

"Ganoon ba. Saan ba kayo nanggaling? Saan kayo natulog?" Tanong ni mama na naging dahilan para manayo ang mga balahibo ko sa balat.

Hindi kami nakapagsalita ni eythan. Maski siya ay hindi alam ang isasagot. Mabuti na lang at sinalo kami ni papa.

"Ano ka ba martha? Hayaan mo na yang anak mo, malaki na yan. Baka nag-usap lang ang dalawa. Alam mo naman na nagkaproblema sila."

Hindi na nagsalita pa si mama. Hindi naman siya galit. Parang nag-alala lang talaga siya sa akin dahil nagising sila na wala ako sa kwarto ko. Kasalanan ko naman kasi. Hindi ako nagtext sakanila. Hindi ko rin nasagot ang tawag nila dahil nga sa... nangyari kagabi.

"Tita, Tito pasensya na po kayo kung hindi ko po naihatid agad pauwi si cait. Ako po talaga ang may kasalanan. Sorry po." Ani eythan.

My mother shook her head. "Naku, hindi naman ako nagagalit! Huwag kang mag alala." Sinabi ni mama sabay ngisi.

Yeah. She's at it. She really likes eythan for me. Kahit ano siguro sabihin ni eythan okay lang sakanya. Botong boto siya kay eythan para sa akin. At masaya ako doon.

"Roman, lika na. Magluto pa rin tayo. Nakakahiya sa nobyo ng anak natin kung wala man lang tayo maaalok." Si mama ulit.

"Hindi po. Okay lang po-" Pinutol ko ang sinasabi ni eythan.

"Hayaan mo na sila. Hindi yan magpapapigil." Sinabi ko at ngumisi.

He smirked too. Pagkatapos ay nanood na lang kami ng TV sa sala. Nakaupo ako sa sofa samantalang humiga siya habang nakalagay ang ulo niya sa hita ko. Ilang minuto ang nakalipas ay nakatulog si eythan. Puyat siya. Madaling araw nangyari yung samin. Alas kwatro na ata kami nakatulog. Pagkatapos alas onse ng tanghali kami nagising tapos hindi na kami nagstay sa hotel ng matagal at lumabas na kami doon dahil gusto ko ng uwian ang magulang ko na sobrang nag aalala na sa akin.

I played his hair using my finger. Ngayon ko lang masisilayan ng sobrang lapit at matagal ang mukha niya. He was so handsome. Hindi ko tuloy mapigilang matanong ang sarili ko kung ano bang nagustuhan sakin ni eythan? Ano bang nakita niya sa akin? Para kasing hindi ako nababagay sakanya. Pogi siya at mayaman. Ako simple lang at mahirap. We're not compatible, right?

Wala akong maisagot sa sariling tanong. Si eythan lang naman ang makakasagot ng lahat dahil siya naman ang involve sa sarili niyang nararamdaman. Napahikab na lang ako ng ilang segundo pa ang lumipas. Hindi ko na napigilan ang sarili at nakatulugan ko na lang ang mga tumatakbo sa isip.

Nagising na lang ako ng may marinig akong nag- uusap sa may labas ng bahay namin. Maririnig ang boses nila mula sa labas hanggang dito sa sala dahil magkalapit lang naman ang distansya. Hindi kasi malaki ang bahay namin. Parang wala pa nga sa one fourt ng bahay nila eythan sa maynila. Pero hindi naman ako sa nagmamaliit sa sariling bahay. Nagsasabi lang ng totoo.

Gusto ko sanang lumapit pero tulog pa din si eythan at ayaw ko siyang maistorbo. Kaya nakuntento na lang ako doon tutal naririnig ko naman ang pinag uusapan nila.

"Grabe, ang yaman pala ng nobyo ng anak mo ano? Tsaka ang pogi pa mare." Narinig kong sinabi ni aling belen. Ang kapit bahay namin.

Tumawa si mama. "Oo nga, e. Maganda kasi anak ko at mabait pa. Hindi malabong hindi siya magustuhan ng nobyo niya ngayon."

Accidentally Inlove (completed)Where stories live. Discover now