"ABNR Chapter 5"

6.5K 222 7
                                    

Kararating lang namin sa isang coffee shop at agad na kaming umorder bago maupo sa pwesto namin.

Nangmakaorder kami agad na kaming pumwesto sa gilid at dun chumibog at uminom ng kape. Kanina pa nakatingin si alex sa akin kaya pinuna ko agad ito.

"Bakit kaba nakatingin?" Tanong ko dito. "Agad naman ngumisi ang gago "haha wala lang." Tignan mo ang lakas mang asar.

"Pero maiba tayo. Kwento kana man about sa buhay mo." Tanong nito sakin bigla habang humihigop ako ng kape. "Well di kami mayaman. Saktuhan lang. May isa akong kapatin si Vina. College na din siya. At yung magulang ko naman ang negosyo ay funeral!" Agad naman siyang nagulat sa sinaad ko sa dulo. "Weeh?" Reaksyon pa niya. "Oo nga kaya pag namatay ka sige libre kana" biro ko pa sa kanya

"Siraulo. Pero wow nice ang astig ng negosyo niyo. Pero di kaba natatakot?" Tanong pa niya sakin na interesadonh interesado sa buhay ko. "Hnd naman. Sanayan lang yan. Kung tutuusin mas nakakatakot pa nga ang buhay kesa sa patay." Agad naman syang tumunga ay uminom ulit ng kape. "Sabagay." Dagdag pa nito.

"Eh ikaw? Magkwento kadin!" Hilatcha ko naman sa kanya. "Its too personal bleh." Pang-aasar nito. "Napaka nito!" Reaksyon ko sa sinabi niya habang nakatingin ng masama.

"Osige na eto na! Ang cute mo talaga!" Sabay kurot pa sa pisngi ko. "Aww!"

"Wala akong kapatid. Nag iisa lang. Yung nanay ko may business din. Pero minsan bahay lang siya. Si dad naman alam mo na nasa office. At ayun ganun lang ang buhay ko. Simple at tahimik" natuwa naman ako perp nasaktan din dahil nakakaawa yung isa kana nga lang anak tapos wala pa lagi ang magulang pero good thing naman na yung nanay niya madalas nasa bahay nila.

"Oh siya uuwi na ako." Pagpapaalam ko matapos kaminh kumain. Padilim nadin kasi. "Wait hatid na kita. Umuulan pa naman oh." Pagyaya nito sa akin. Agad naman akong sumama at nagpahatid. Pero bago pa kami makalabas ng coffee shop may sinabi pa ito sakin. "Ang kuripot mo talaga. Ayaw mo talaga mamasahe!" Sabay tawa at hadaling lumabas ng coffee shop.

"Osige wag na!" Sambit ko naman nang makalabas nadin ako at ng makalapit sa kanya. Bago paman ako makalayo eh hinawakan na niya agad ang braso ko.

"Ikaw kahit kailan ang OA mo! Syempre joke lang." At agad na niya akong kinaladkad papuntang parking lot.

Nabalot lang kami ng kayahimikan habang binabagtas namin ang daan papunta sa amin. At nang makarating kami ay agad ko din nakita si nanay sa labas at may dalang payong.

"Oh ma bat andito po kayo?" Pagpansin ko sa nanay ko pagbaba ng bibtana ng kotse ni alex.

"Eh anak hinihintay kasi kita at anong oras na ngayon kalang." Tugon naman ni inay. Ambait ng nanay ko no!

"Eh ma umulan kasi kaya inaya ako nito ni alex. By the way ma si alex ka trabaho ko." Agad namang dumungaw si alex.

"Oh hi alex. Oh pasok ka muna sa amin." Pagyaya naman ni inay.

"Hello po." Pagbati naman ni alex sa nanay ko. "Ma ano ba!" Pagpigil ko kay nanay sa pagyaya kay alex. Nakakahiya kasi tapos makikita pa niya yung mga ataol dun sa bahay.

"Ah tita ayaw po ata ni biko." Pagsingit naman ni alex. Ah gustong gusto pala ng siraulong to! "Ay hindi iho. Wag mong pansinin yan."

Agad naman kaming pumasok sa bahay. Ano pa nga ba edi wala akong nagawa.

Pagpasok agad naman nakita ni alex ang mga ataol sa loob. Ang style kasi ng bahay namin. Sa una negosyo namin. Tapos sa pinakaloob dun palang yung mismong bahay namin.

"Manghang mangha ka ha!" Pagbasag ko sa pagkatulala ni alex. "Medyo nakakatakot ah!" Tugon naman nito. "Natural ataol yan. Chaka dun pa yung bahay namin." Sabay turo sa dulo.

"Oh alex halika pasok ka sa bahay namin." Pagyaya pa ni inay.

Habang nakaupo kami sa sala agad naman nagkwentuhan si nanay at alex. Nagpaalam na muna ako na magbihis muna dahil basa talaga ako. Dahil maliit lang yung payong na dala ni alex.

"Ah anak. Pagbihisin mo na to jang si alex sa kwarto mo. Pahiramin mo sya ng damit basa din siya oh." Pagpuna naman ni inay. Kaya ayun ang ending ako pa din ang talo.

"Oh ako muna jan kalang muna. Wag kang sisilip kakagatin kita!" Agad naman ngumisi ang abno at nahiga panandalian sa kama ko.

Natapos akong maglinis. Oo naglinis at nagbuhos muna ako bago ako magbihis baka kasi magkasakit ako. Agad na akong lumabas na nakatapis at magbibihis na nakita ko agad si alex na nakatulog na pala.

Gigisingin ko sana siya pero nung madampot ko ang kamay niya napansin kong mainit kaya hinipo ko din ang leeg niya at confirm may sakit nga siya. Naku patay anong gagawin ko.

Kaya agad kong tinawag si inay.

"Naku anak may lagnat nga." Agad naman nagising si alex sa ingay naming mag-ina. "Ah alex may lagnat ka. Paano ka uuwi?" Sabi kong ganun agad naman akong kinurot ni mama.

"Gaga ka tlga anak. Bat mo pauuwiin eh may sakit nga ito talaga!" Agad naman akong nasaktan sa kurot ni inay. "Aww!"

"Ah alex dito kana muna ha. Bukas kana umuwi kasi nilalagnat ka dilikadong umuwi pag ganyan ka." Dagdag pa ni inay na kala mo si maam charo sa sobrang lumanay.

"Ah e ayaw ata ni biko tita" aba ako pa talaga dinahilan nito. Kaya agad akong tinignan ni nanay ng masama.

"Okey fine! Sige na!" Pagpayag ko. Nakita ko pang ngumisi ang abno.

Ang Bastos na Reporter (COMPLETED)Where stories live. Discover now