"ABNR Chapter 17"

4K 151 10
                                    

BIKO POV

"Masaya din ako. at kung alam mo lang nahuhulog nadin ako sayo." ito padin ang litanyang hawak hawak ko hanggang ngayon habang magkatabi kaming natutulog ni alex.

hindi pa naman kami dahil sinabi niya na manliligaw pa siya ng pormal. wala namang problema sa akin

yun dahil kung tutuusin at iisipin ang bilis ng mga pangyayari.

++

Matapos ang malalim na pag-iisip ko bigla nalang nagsalita si alex.

"Basta walang iwanan ha." nagulat naman ako bigla sa kanya.

"Hoy gising ka paba? ano yung pinagsasabi mo?"

wala naman akong nakuhang sagot kaya tulog na nga siya haha. para siyang bata pag nagsasalita ng tulog haha.

++

Umaga na at simula na ng bagong araw. syempre bagong aasahan dahil sa mga nangyari gayon pa man sana matanggap ng mga pamilya namin ang gagawing panliligaw ni alex.

syempre lalaki padin siya, hindi natin alam kung ano padin ang sasabihin ng aming mga magulang kahit pa magkababata ang mga ito.

pagbaba ko sa baba ng bahay nila alex napansin ko na naman ang mga disenyo at mga kagamitan nila, grabi apakayaman talaga nila sobrang kabog ng bahay nila.

"Oh Biko gising kana pala. naku ikaw talaga nililibot mo na naman yang mata mo." biglang pagsingit ng mama ni alex.

"Ay goodmorning po. oo nga po eh, ang ganda po kasi talaga ng bahay niyo." sabay ikot pa ng mga mata ko.

"Ay salamat naman. o siya magkape muna tayo at magkwentuhan." paganyaya naman nito sakin.

"Ay sige po tita, hindi ko po kayo tatangihan jan." sabay tawanan naming dalawa.

++

Kasalukuyan kaming nasa garden at nakaupo sa isang upuan doon na may magarbong lamesa yung pang mayaman talaga.

"Siya nga pala kamusta na ang magulang mo?" panimula ni tita.

"Ay tita okey naman po. eto kahit papaano nairaraos kaming magkapatid."

"Thats great! alam mo matalik kaming magkakaibigan niyang mga magulang mo, magkakaklase kasi kami nung high school."

"Pero napansin ko po tita parang di kayo naguusap ni mama?" paghinto ko sa pagkwekwento niya.

tumingin namana agad sakin si tita at parang binalikan ang mga ala-ala niya nila mama at papa.

"Dahil nag-away kami ng mama mo, matagal na pero hanggang ngayon di padin ako pinapatawad ng mama mo, well di din naman kasi ganun kadali ang lahat kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya, at syempre kahit kailan hihintayin ko ang pagpapatawad niya sa akin."

"Ah eh tita, kung okey lang po. ano po bang pinag-awayan niyo?" tanong ko naman sa kanya.

"Hay naku anak, sa mama mo nalang yan itanong dahil parang hindi bagay kung ako pa ang magkwekwento."

"Ay sige po tita. pasensya na po makulit po ako."

"Hay okey lang yun. osya pasok nako kasi may trabaho pako kailangan ko nang mag-ayos" pagpapaalam nito.

++

naiwan nalang akong mag-isa dito sa garden at nagmuni-muni hanggang sa bigla nalang may tumakip sa mata ko.

"sino to!?" bulyaw ko sa may hawak sa mata ko habang tinatanggal ang mga kamay nito.

"Secret, hulaan mo." sa boses palang alam ko na kung sino kaya hinayaan ko nalang.

"hay puro ka talaga katarantaduhan alex." sabi ko sabay tanggal niya ng kamay niya sa mata ko.

"hehe. oh anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

"wala naaya lang kasi ako ng mama mo kaya ayun konting kwentuhan."

"ah ganun ba? eh sinabi mo naba yung tungkol sa atin?"

"ha? alex walang tayo!"

bigla namang bumusangot ang mukha ni alex sa sinabi ko.

"I mean wala PANG tayo! to talaga." at nabawi naman at bumalik ang ngiti sa kanyang mukha.

"wag ka mag-alala alam na ni mommy na may gusto ako sayo?"

gulat naman ako sa sinambit niya na halos mamilog ang mata ko.

"Wait? teka? paano? kailan?"

"hahaha. umpisa palang na maakit moko sa kaseksihan mo sinabi ko na." sabay tawa ng malakas.

"ito puro biro! yung totoo?"

"oo nga totoo yun." sabay ngiti na nakakaakit. shet bat ka ganyan alex.

"eh ano naman sabi niya?" tanong ko naman.

"well ayun okey naman at okey daw sa kanya. si daddy nalang naman di nakakaalam eh."

"yaan mo masasabi mo din yan hahaha."

++

matapos ang convo namin sa garden e agad din kaming pumasok dahil kailangan nadin namin maghanda at papasok na kami parehas sa office. nakakahiya lang dahil manghihiram pako ng damit sa kanya diba nga pinatawag lang naman ako, di ko naman alam may pa sleep over si mayor.

natapos na kaming mag-ayos sa aming mga sarili at agad na kaming tumungo sa hapag ng makapagagahan. nakakatakot lang kasi nakaupo na yung daddy niya eh syempre boss padin yun.

"Oh maupo na kayo para makakain na at sabay sabay na tayong pumasok sa office" biglang sambit ng daddy ni alex kaya agad naming sinunod.

taimtim lang ang lagay ng mga oras na ito habang kanya kanyang kain ang bawat isa. ng biglang magsalita si alex.

"Dad may sasabihin pala ako."

"oh ano yun son?" sambit nito habang ngumunguya.

"Dad. kasi ano. mmm, ano po. mmm. manliligaw po ako kay biko." sabay yuko ni alex.

halos mabuga naman ng tatay ni alex yung kinakain dahil sa mga sinabi ng kanyang anak.

"WHAAAT?? hindi pwede!"

agad naman tumingala si alex dahil sa sagot ng daddy niya.

"Pero dad, mah......" hindi na natapos ang sasabhin ni alex dahil nagsalita din agad ang daddy niya.

"Hindi pwede DAHIL HINDI PWEDE! tapos!"





----

Oh yan guys nagupdate nako. haha pasensya na medyo late na ha. chaka wala pang special na nangyari sa part na to. dibali tuloy-tuloy na ito at madami nang conflict na mangyayari sa susunod na mga pahina. <3

Ang Bastos na Reporter (COMPLETED)Where stories live. Discover now