HIM 5

14.5K 340 3
                                    

Keith

Alas diyes na ng umaga ng makarating ako sa bahay galing batangas. Wedding Anniversary kasi ng mga magulang ni Cynthia at inimbitahan nila ako sa munti nilang salo-salo.

"Tol, aalis ka na naman. Kakarating mo lang ah." Ani ni Michael, kapatid ko sa ama.

Nagkasundo na din kami nitong kapatid kong to, halos magkapareho lang kasi kami ng mga hilig at di nagkakalayo ang mga mukha namin, para na nga kaming kambal.

"Diyan lang kina Jaydie, di kasi ako nakapunta sa birthday niya kahapon, ibibigay ko lang tong regalo ko sa kanya at siyempre makikikain na din baka may natira pa. Hehehe." Ani ko habang inaayos ko ang buhok ko. Siyempre, dapat gwapo din tayong haharap kay Jaydie baka hindi lang siya magtatampo sa akin, magagalit pa kung haharap ko sa kanya na haggard.

"Ah. Birthday pala ni Jaydie kahapon kaya pala maingay sa kanila at inumaga na ng uwi yung barkada niyo." Nag-over night pala ang mga gogong na yun. Hindi man lang ako tinawagan... Oo nga pala paano sila makakakontak sa akin eh, naiwan yung phone ko sa kwarto ni Cynthia at hindi na ako nakatawag kay dahil lowbat na ako.

"Sige tol, alis na ako." Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta kina Jaydie. Walking distance lang yung bahay nila, tatlong bahay lang ang madadaanan ko bago kanila.

Pagkadating ko sa tapat ng gate nila, naabutan ko si Tita Sharlene na nagwawalis ng bakuran.

"Good morning po Tita! Si Jaydie po?" Masaya kong bati kay Tita Sharlene, step mother ni Jaydie.

"Good morning din sayo Keith! Nakaalis na si Jaydie kaninang alas siyete."

"Ang aga naman po. Saan po siya nagpunta? Hintayin ko nalang po siya." Alam kong nagtatampo yun sa akin dahil di ako nakatawag sa kanya kagabi. Matampuhin pa naman yung bestfriend kong yun.

"Hindi ba nasabi sayo ni Jaydie? Pinapasunod siya ng Mommy niya sa Canada, nag-over night nga yung mga kaibigan niyo dito para makasama siya bago tumulak pa Canada."

"Po? Kailan po siya babalik?" Lokong Jaydie yun hindi man lang ako sinabihan na aalis na pala siya.

"Hindi ko alam. Ang sabi niya dun niya tatapusin ang pag-aaral niya." ANO?! Akala ko ba sabay kaming lahat gagraduate at walang iwanan.

"Sige po Tita, mauna na po ako. Salamat po."

Ang daya-daya mo Jaydie, ikaw pa nga tong nagsabi na sabay tayong gagraduate at walang iwanan, tapos ikaw tong umalis na walang pasabi.

Tatalikod na sana ako ng tawagin ako ni Tita.

"Keith sandali, pwede makisuyo. Pwedeng pakilabas tong karton na to. Mabigat kasi, ewan ko ba kung anong laman nito pinatatapon lang kasi ito ni Jaydie."

"Sige po Tita." Binuhat ko ang karton at dinala sa labas ng gate. Dadaanan naman ito ng garbage collector mamaya.

Akmang ibaba ko na ang karton ng biglang nasira ang ilalim nito at nagsilag-lagan ang lahat ng laman.

Notebook?_?

Teka, ito yung mga binigay ko kay Jaydie na notebook.

He Impregnated Me [Completed]Where stories live. Discover now