HIM 12

12.1K 223 2
                                    

Jaydie

"Guys, banyo muna ako." Marami-rami na rin kasi akong nainom na beer kaya ito ihing-ihi na ako.

"Asus! Palusot ka pa Jaydie, alam namin na susundan mo si Keith. HAHAHA." Pinagsasabi nitong si Adrian?

Kung di lang lasing tong ugok na to kanina ko pa ito binigyan ng mag-asawang batok.

At bakit ko naman susundan si Keith?

"Pinagsasabi nito? Di ko siya susundan noh!. Naiihi na talaga ako, kung gusto niyo dito nalang umihi?" Biro lang yun. Hindi ko naman maattempt umihi sa harap nila noh! My GOD!

"Yuck! Dun ka na nga bakla. Bilisan mo baka hindi mo masaksihan ang dare ni Fafa Keith pagbalik niya." Ani ni Justin, isang bakla.

Hindi ko na pinansin yung iba na nakangiti ng nakakaloko at tumakbo na ako papunta sa cottage ko. Hindi naman gaano malayo yung cottage ko kung saan kami nagboburn fire.

Nasa harap na ako ng pinto ng banyo ng biglang bumukas at nagtama ang mga mata namin ni Keith.

Anong ginagawa niya dito?

Nagulat ako ng lumabas si Keith at hinalikan ako bigla sa labi.

Yung halik niya, para siyang sabik na sabik sa labi ko. Unti-unting nawala ang pagkagulat ko at napapikit nalang habang tinutugon mga halik niya. Napahawak ako sa batok niya dahil nanlalambot ang mga tuhod ko at parang hindi ko na kayang tumayo pa. Naramdaman kong nakahawak na rin siya sa bewang ko at inilapit niya ang katawan ko sa kanya para mas lalong pailaliman ang halik namin.

I love you, Hon. Biglang may bumulong sa akin, dahilan upang napabitaw ako sa paghahalikan namin at tinulak ko siya. Sakto lang na mapaghiwalay kaming dalawa.

No. Hindi to tama. Mali to. May fiancee na ako. Sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa kanya.

Nang matauhan ako ay agad akong lumabas ng cottage at tumakbo palayo.

"Jaydie, mali yung ginawa mo. May fianceé ka na at malapit na kayong ikasal." Pinapagalitan ko ang sarili ko habang tumatakbo.

"JAYDIE! JAYDIE! SANDALI." Putik! Bakit hinahabol pa niya ako?... Wala naman yung ibig sabihin yung paghahalikan namin, dala lang yun ng kalasingan kung yun ang dahilan niya kung bakit niya ako hinahabol.

Takbo lang ako ng takbo, ayaw kong maabutan niya. Nahihiya akong harapin siya. Baka kung ano pa ang sabihin niya.

"WAAAAAHHH!" Bakit may kahoy dito? T_T Wang ya!

"Jaydie, okey ka lang?... Teka, bubuhatin na kita." Naramdaman ko nalang na umangat ako.

"Bakit ba kasi mo ako tinakbuhan? Ayan tuloy na dapa ka pa." Oo, sa kasamaang palad nadapa ako at nauna pa talaga ang mukha ko buhangin. Saan ba kasi galing yung kahoy na yun?

***

Pinagmamasdan ko lang ang maamo niyang mukha ng may mailang-ilang gasgas.

Muling bumalik sa akin ang nangyari kanina. Hindi ko na nacontrol ang sarili kong halikan siya kanina.

Mahal na mahal at miss na miss na talaga kita, Jaydie.

Kung pwede ko lang sana ibalik ang nakaraan at itama ang mga mali ko ginagawa ko na. Kung di lang sana ako nagbulagbugan sa nararamdaman ko para sayo. Di sana masaya at may mga anak na sana tayo ngayon.

Kukumutan ko na sana siya ng mapansin kong nagvibrate yung phone niya sa gilid niya.

Kinuha ko ito at tiningnan kung sinong tumatawag.

He Impregnated Me [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant