■14■

17.5K 670 660
                                    

An: Nabasa ko ang lahat ng messages niyo. Sa facebook at sa wattpad - yung mga pm, wallpost at mga comments. Gusto ko lang magpasalamat doon sa mga loyal kong readers na nagcheer-up sa'kin para hindi ko tuluyang i-stop yung pagsusulat ko. Tama nga kayo. I shouldn't stop writing kasi ako na nga yung nagayahan ako oa ba ang susuko? :) Namura at na-bash na rin naman ako kaya gora na ito. Tingnan niyo na lang kung sino yung better magsulat at kung sino yung original. Wag magpakatanga kahit paulit-ulit ng dinedefine ang plagiarism :)

Immortals! Thanks sa support! Isulong natin to! Matatapos ko tong story, tiwala lang :)

BTW, KUNG MAY TYPOS AT ERRORS, PAKIPOINT OUT NAMAN KASI DI KO NAEDIT MASYADO KASI MEDYO SABOG PA AKO SA LAGNAT :)

Tahimik kaming  naglakad ni Thalia palabas ng palasyo. Hindi pa rin siya umiimik at ganun rin ako. Paglabas namin, laking gulat ko nang madatnan namin ang apat na magkakapatid. Nakaparada ang limousine nila doon sa labas.

"Hi, Tatiana! Hi Thalia!" masiglang bati ni Stephanie.

"Hi, Steph," sagot ko.

"Uhm, ano po ang ginagawa niyo dito sa labas? Hindi pa ba kayo aalis papuntang eskwelahan?" tanong ng kapatid ko.

Lumapit naman si Stephan kay Thalia at bigla na lang itong inakbayan.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mong hayop ka?" galit na sabi ni Thalia kay Stephan. Hindi naman nagpatinag si Stephan at ngumisi lang ng nakakaloko sa kapatid ko.

"Hayop? Hayop na nagmamahal sa'yo pero syempre joke lang," masiglang sabi ni Stephan.

"Lubayan mo nga ako!" sigaw naman ng kapatid ko habang nanlilisik ang mga mata.

"Choosy mo, ang gwapo na nga ng escort mo e," ika ni Stephan.

Kinurot naman ni Thalia ang braso ni Stephan. Napadaing si Stephan dahil dito.

"Aalis na ako," malamig na turan ng kapatid ko.

"Sumabay ka na sa'min, Thalia," sambit ni Liam.

"Kaya kong maglakad mag-isa kamahalan," magalang na tugon ni Thalia.

Aalis na sana ang kapatid ko nang harangin siya ni Stephan. Naka-extend pa ang kamay nito para maharangan lang si Thalia.

"Ano na naman?!" iritang sabi ni Thalia.

"Bakit ba ang sungit mo? Gusto mo bang halikan kita para matanggal ang init ng ulo mo," ngumisi ng nakakaloko ang bunsong prinsipe.

"Tumabi ka kung ayaw mong masaktan," sagot ni Thalia.

Nakatunganga lang kaming apat nila Dark, Liam at Stephanie habang nagtatalo sila Stephan at Thalia.

"Sige na nga," sabi ni Stephan, "pero...."

Lumuhod ang prinsipe sa harap ng kapatid ko. Itinali niya ng maigi ang sintas ng sapatos ni Thalia. Tumingala ulit si Stephan at tumingin sa mukha ng kapatid ko - nandoon pa rin ang nakakaloko niyang ngisi.

"Bawal kasi kitang pabayaan kaya pasensya ka na sa gagawin ko," ani ni Stephan.

Walang ano-ano'y binuhat niya na parang sako si Thalia. Hindi naman makapaniwala si Thalia at hindi pa rin nakapagsalita. Naglakad si Stephan papasok sa kotse pero bago sila tuluyang makapasok ng kapatid ko, nagsalita ulit ang bunsong prinsipe.

"Ang ikli pala ng palda mo, Thalia. Naka-pink shorts ka pa! Pahingi ng polka dots mo a," ngising sabi ng prinsipe.

Halos umusok ang ilong ng kapatid ko pero wala na siyang nagawa dahil tuluyan na siyang nakapasok sa sasakyan.

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Where stories live. Discover now