16

13.2K 577 602
                                    

Hindi pa rin magkandaugaga sa palasyo pati na rin sa Grayson Academy. Isang lingo nang nawawala si Tatiana at ni isang bakas ay wala silang makita upang mahanap ito. Pinahigpitan na ng mga pinuno ng bawat race ang borders ng kanilang teritoryo. Inisa-isa na rin nila ang kabahayan sa buong lugar ngunit wala silang mahanap na kahit ano na magtuturo sa kanila sa kinaroroonan ni Tatiana. Sa kabilang banda, kasabay ng pagkawala ni Tatiana ay ang mas dumadami pang bilang ng mga nawawala ring mga immortal.

"Kamahalan," yumuko ang isang kawal upang magbigay galang kay Dark. Paalis na rin sana ito upang patuloy na hanapin si Tatiana nang pigilan siya ng kawal dahil may importante daw itong sasabihin. Hingal na hingal pa ito at tila hindi alam kung paano sisimulan ang sasabihin. Hinarap niya naman ito at hinintay magsalita.

"Nakita na namin siya, kamahalan. Nakita na namin si Tatiana," wika nito.

Agad namang naging alerto si Dark. Sa mga panahong 'yun ay naghalo-halo ang nararamdaman niya; galit sa kung sino man ang kumuha kay Tatiana; saya dahil nakita na ang kanyang mahal; at lungkot dahil nadamay na si Tatiana sa gulo ng kanilang angkan.

"Asan siya?" tanong ng prinsipe.

"Nasa silid po ng mga tagasilbi kasama ang kanyang ina," sagot ng kawal.

Hindi na nag-atubili pa si Dark at dumiretso na agad doon. Nakahinga na rin siya ng maluwag nang makitang ligtas ang dalaga. Isang lingo na ring wala sa sarili si Dark dahil sa pagkawala ni Tatiana. Hindi rin nito maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari sa dalaga. Nang makarating siya sa silid ay nandoon din Helen. Nagulat naman ang tagasilbi sa pagdating ng prinsipe.

"Kamahalan," yumuko ito kay Dark.

"Maaari bang iwan mo muna kami?" sabi ng prinsipe.

Hindi na sumagot pa si Helen at lumabas na agad ng silid. Alam niyang desperado na rin si Dark.

Umupo si Dark sa silya sa tabi ng higaan ni Tatiana. Naalis ang anumang nakadagan sa loob ni Dark nang masilayan ulit ang dalaga. Walang malay si Tatiana. Nakalugay ang mahaba nitong buhok; mas lalong namutla ang balat at may ilan ring sugat. Ngunit sa kabila nito, maganda pa rin siya – siya pa rin ang Tatiana na mahal ni Dark.

"I'm sorry. I'm sorry that you have to go through all of these because of me." Hinawakan niya ang kamay ni Tatiana.

"I'm sorry for not hearing your explanation. I'm so stupid." Gumalaw ang daliri ni Tatiana ngunit patuloy lang prinsipe.

"I'm sorry, Tatiana, for everything."

Pumatak ang luha ng prinsipe.

"Ba't umiiyak ka kamahalan?"

Nagulat si Dark nang marinig muli ang tinig ni Tati. Tulala siyang nakatingin dito. Gising na si Tatiana. Ngayon ay taimtim itong nakatingin sa prinsipe.

"T—tatiana."

Hinigpitan ni Tatiana ang hawak sa kamay ng prinsipe. Labis naman ang kasiyahan ni Dark.

"Ba't ang tagal mo? Akala ko nakalimutan mo na ako," wika ni Tatiana.

"I— "

"Kamahalan, pasensya na at pinag-alala kita. Wala---" hindi na naituloy ni Tatiana ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang siyang niyakap ni Dark. Napangiti na lamang ito at niyakap din pabalik ang prinsipe.

"Halos mabaliw ako noong nawala ka. Akala ko hindi na kita makikita. Akala ko hindi na ako makakahingi ng tawad. I acted like a jerk. I'm sorry."

Napatawa ng mahina si Tati at hinaplos ang buhok ng prinsipe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Where stories live. Discover now