26 • Ready? .

11.2K 347 32
                                    

MAINE's POV

TWO LINES talaga.

Matapos ang dalawang test, pareho pa din ang resuta. B-buntis ako. Legit. Dios ko po!

Kahit nanginginig, dagli kong inabot ang cellphone ko sa sink at tinawagan ko agad si mama. Wala akong ibang mapagsabihan nito ngayon kundi siya lang.

"Ma..." shocks, naiiyak ako.

"O? Ano na anak? Tapos mo na bang gamitin? Ano yung resulta?" Ramdam ko ang excitement ni mama sa kabilang linya.

"Ma, I tried two tests. P-postive po la-lahat." Utal kong sabi sa kanya. Para akong lumulutang habang nagsasalita. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. "A-anong gagawin ko po, mama?" Tumulo bigla ang luha ko.

"Anong 'anong gagawin?! Edi syempre, Mag diwang tayo anak! Dios ko naman uh-oh. Nagbunga na ang pagmamahalan niyo ni Richard. Congratulations sa inyo, anak ko! I can't wait to tell this to Tita Linda. I'm sure magiging masaya yon. I will tell this to your papa too, I'm sure magiging masaya din siya. Woah, can't wait this tell our family in Panggasinan about this good news." Galak na sabi niya.

Tulala pa din ako at lutang pa din ang pakiramdam. Buntis na ako. Binuntis ako ni Richard. Omg!

"Ma, hinay-hinay lang hindi pa nga to alam ni Richard eh. Wag mo muna ipaalam sa lahat, ma. Let me tell Richard first please. Tayo-tayo lang muna dapat ang maka alam." I pleaded.

Syempre, dapat malaman muna to ng asawa ko bago ko ipag kalat sa iba na buntis ako. Pero PAANO? Paano ko sasabihin sa kanya?

"Okay sige anak. Tayo-tayo lang muna. Ang tatawagan ko lang ay ang papa mo, si bala-e at Lola ni Richard." Pahayag ni mama sa akin. Feeling ko nagpapa gulong-gulong na siya sa kama ngayon. Abot langit ang kasiyahan niya. Ramdam na ramdam ko talaga.

"Thank you ma and please do tell them wag muna i-message para i-congratulate si Richard. Sasabihin ko pa sa kanya. Give me 3 days."

"Loka-loka tong batang to. Anong 3 days? Gawin mo na yan mamaya o di kaya mas maigi kung ngayon na. Wag mo na ipagpabukas. Kung maka asta naman to oh? Parang teenager na walang asawa na nabuntis."

"Mama naman eh, pero diba parang ang bilis ng mga pangyayari? Hindi pa ata kami handa. Kinakabahan nga ako ngayon eh."

"Eh wala na tayong magagawa. Isa pa andito naman kami para gumabay sa inyo. Hindi mo na kailangan mangamba pa. Isa pa, kagustohan niyo'ng gawin to, Kung hindi pa pala kayo handa sana nag proteksyon o nag kontrol kayo. 'Tong mga to."

I gave a big sighed. "Okay fine ma." Tatapusin ko nalang tong usapang to.

"Mai, andito lang kaming lahat para sa inyo, anak. Aalalayan namin kayo hanggang sa huli. Kaya please! Drop this call na muna. Kating-kati na talaga akong sabihin to sa kanila eh." Ay nako naman talaga.

"Mama naman eh. Seryoso ako dito."

"Mai, excited lang si mama. Ay nga pala, humanap na tayo ng OB mo para mapa schedule na natin ang checkup mo. Okay? Sige na. I love you! CONGRATS ulit, anak. Adios!"

Hindi man lang ako nakapag salita, binaba na ni mama ang call. Hindi naman talaga masyadong halata na excited siya no? Grabi talaga siya.

Lalabas na sana ako ng CR nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Tinignan ko ng maigi ang sarili ko. Mama kana! Parang kinakausap ako ng salamin. Welcome to motherhood!

Napangiti ako sa kalokohan ko. Para akong shunga dito sa harap ng salamin. Hay, nanay na talaga ako. Hindi ko alam pero awtomatikong napadapo ang palad ko sa aking tiyan.

You Are My Home (On EDIT)Where stories live. Discover now