29 • Ang Paglilihi (2).

9.8K 348 27
                                    

MAINE

It's been one week since nagsimulang maglihi si Richard at alam kong nahihirapan na siya ng husto pero hindi niya pinapakita sa akin para hindi ako mag alala.

Pero sa kabila ng awa na nararamdaman ko para sa kanya, na wi-weirdohan din ako sa mga pinag gagagawa niya. 

"Maine!" Pasigaw niyang tawag sa akin habang nasa kusina siya.

"Ano? Bakit ka sumisigaw?" Dagli akong naglakad pa kusina baka na pa 'no na siya doon.

"Nasaan ang bagoong ko dito?" Tanong niya habang napakunot ang noo.

"Ay! Hala! Kanina kasi kumain kami ng mangga ni Camille at Alexa, kumuha ako ng bagoong mo. Masarap kasi eh tapos di ko na namalayan na naubos na pala namin. Sorry!" Sabi ko sa kanya.

"Ano? Bakit niyo kinain? Alam niyo naman na gustong-gusto ko yun at ayaw kong maubusan non." Padabog na reklamo nito sa asawa.

Nang wala siyang makuhang sagot mula kay Maine ay agad siyang nagtungo sa key holder at kinuha ang susi ng sasakyan.

"S-saan ka pupunta? Alas dies na ng gabi." Kako.

"Bibili lang ako saglit." Striktong sabi niya.

Napaawhang lang ang bibig ko at hindi makakilos habang sinundan ko lang ng tingin ang pag-alis niya palabas ng bahay.

Grabi pala talaga ang epekto nito sa kanya! Nakakaloka!

The next day mas lalo akong na windang sa mga pinag gagagawa niya.  Nasa sala kasi ako at nanunuod ng movie ng may naamoy akong sunog mula sa kusina.

My goodness! Anong amoy yun? Bakit parang sunog na paa?!

"Richard!?" Tawag ko sa kanya. Siya kasi ang nandoon sa kusina ngayon.

"Yes?" Punong-puno ng enerhiyang tugon niya.

"Anong amoy yan? Bakit amoy paa na nasunog?"

"Grabi ka naman! Tuyo lang to no."

"Na naman? Kailangan ba lahat ng kainan natin may tuyo? Magkaka kidney failure tayo nito eh." Reklamo ko na.

"Masarap kaya tong Marot na tuyo." Napanguso niyang sabi nito.

"Bakit amoy paa?"

"Huy! di ah! Mabango kaya!"

Napa-iling na lang ako. Wala na akong magawa. Para namang mapipigilan ko siya. Baka maglumpasay na siya sa sahig pag nagkataon. Hay nako talaga!

Ang akin lang naman baka maitim ang anak namin dahil pinaglihian niya ay sunog na tuyo at bagoong o hindi kaya ang mas worst mag mukhag isda ang anak namin! Dios ko,  wag naman sana Lord!

Insaktong nasa office naman kami at nanunuod sila ng tv show nang bigla niya inagaw ang remote ng tv.

"Pahiram po ng remote." Sabi ni Richard sa mga kasamahan niya sa office.

"Ano papanuorin mo sir?" Tanong ng isang faculty sa kanya. Nanunuod kasi ang mga ito pero bigla niyang iniba ang channel.

"Eat Bulaga po. Juan for All, All for Juan na kasi ata." Pangiti niyang sabi. Wala namang nagawa ang iba kundi ang manuod nalang din.

"Hindi ko alam na nasa hilig mo din pala ang manuod ng tv ano?" Isa sa mga ito ang nagtanong sa kanya. Mukhang first time pa nilang nakita itong na naingganyo sa mga palabas sa tv.

"Masaya kasi yung segment na yan, ma'am. Tapos naaaliw ako kay Jose ba yun? Ang cute niya kasi"

"Ano?! Por Dios por santo! Bakit naman sa lahat ng taong pwede mong sabihan na gwapo, siya pa?!"

You Are My Home (On EDIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon