Chapter 43-Closure

29 1 0
                                    


Chapter 43






LAY'S POV





Sa pagbalik ko ay nadatnan ko ang tahimik na dorm.

Si Kris, magulong nakasalampak sa sofa habang nakapikit tapos paminsan-minsan ay nagmumura.

Itong mga kumag naman parang nakabantay sa kanya.

Si Suho, nakaupo sa katapat na sofa katabi si Chen at parehong nagte-text pero sumusulyap kay Kris hyung.

Si Kai nakatayo sa may poste, nakasandal habang nakatingin kay Kris at nagmumura rin.

Si Tao hawak ang wushu stick habang nakatayo sa may pinto. Security guard lang?

Si Sehun umiinom ng bubble tea at nakaupo sa lapag katabi si Xiumin na kumakain na naman ng baozi =___="

Si Baekhyun at Chanyeol naglalandian nga pero bigla ring mapapatingin kay Kris tapos landian na ulit.

Kung ako kay Erah ay hihiwalayan ko itong si Baekhyun. Masyadong malandi kay Chanyeol parang naba-bading psh.


Si Dyo nagluluto sa kusina nang pang-meryenda siguro, pero biglang lalabas at sisilipin kaming mga nasa sala tapos babalik ulit sa kusina. -.-"

At ako, heto nakatayo habang paikot-ikot ang mga mata sa kanila.

Teka.....

Parang kulang yata kami ah?!

"Nasaan si Luhan?"

"Nasa China/Pilipinas."

Tiningnan ko si Suho na nagsabi na nasa China raw si Luhan.

Nag-text sa akin iyon kanina, mauuna raw siyang uuwi." Tapos binalingan ko si Sehun na nagsabing nasa Pilipinas daw si Luhan. "Anong gagawin niya doon?"

"Pupunta yata kela Anne?" sagot niya.

Kumunot ang aking noo. What is he doing there? Alam ba ito ni Kate?


Nakita kong gumalaw si Kris hyung at bahagyang nagbukas nang kanang mata.

Tiningnan lang niya ako ng ilang segundo tapos pumikit ulit. =___="

Pumasok si Dyo, dala ang ni-bake niyang cookies at inilapag sa mini-table. Sa harap ni Chen, Suho at Kris.

"Dumiretso na pala siya roon Sehun?" Tanong ko habang nagmamadaling makadampot ng cookies dahil nakita kong nagsigalawan na sila sa puwesto nila at ang mga mata nila ay naroon din sa pagkain.

"Oo, may flight din naman tayo bukas papunta run."

Ayan na nga ba ang sinasabi ko ubos na yung cookies.

Walang natira para kay Kris?!

Nakita kong nakatayo si Tao at nakaharap sa nakahigang si Kris hyung, habang may hawak itong dalawang cookies.

Mabuti naman at dinamputan niya iyong bestfriend niya.

Niyugyog niya ito "hyung...."

"Hyung, ayaw mo ng cookies diba?" Tanong niya kay Kris sabay subo ng isang cookies.

EXO's Personal Slave I [COMPLETED!]Where stories live. Discover now