Chapter Seventeen

22K 919 159
                                    

Chapter Seventeen

As soon as we arrive at the airport, I text Eisley. Hindi siya nag reply, pero hindi naman ako nag panic. I'm used to it. Tatlo lang naman ang dahilan kung bakit hindi siya nagrereply.

One: He's busy working

Two: He's with his mom

Three: Sleeping

Make it four.

Four: He just doesn't know what to say

I don't want to be too clingy, just because he confessed to me. Hanggang ngayon, feeling ko, nasa plane pa rin yung kaluluwa ko. Hindi ko alam kung pagod lang o hindi pa rin ako makapaniwala. I guess, both.

Pagdating sa bahay, kumain lang ako at natulog na. Hindi kasi ako nakatulog sa plane at ilang araw na rin akong hindi natutulog kakaisip kung paano ko haharapin si Eisley.

Had I known sooner, I swear, susulitin ko yung mga panahon na sinayang ko. Ilang araw ko rin siyang nilayuan dahil natatakot akong wala lang yung kiss na 'yun. Meron naman pala.

The next morning, habang kumakain kami, sinabihan ako ni Ahia na para akong timang dahil tulala raw ako at may pa-ngiti ngiti pa. Inirapan ko siya dahil sinira niya yung mood ko. Tutusukin daw niya yung mga mata ko pag inulit ko pa.

"Wala ka bang pasok?" tanong ko sa kanya. "Hindi ka busy?"

"Busy ako," sagot niya. Si Achi Zeah kasi, kanina pa nasa work. Yung mga anak niya, pumasok na sa school. Si Papa, hindi pa umuuwi simula kahapon. Nakatulog na naman siguro sa office niya.

Hence, kaming tatlo lang ni Mama yung nagbre-breakfast.

"Hindi halata." I laugh as I look at my brother from head to toe. Messy hair and messy clothes. He's just wearing a white shirt, boxers, and slippers. Hindi pa naliligo. Tamad.

Pag nakita siya ng asawa niya, mag-aaway na naman sila. Perfectionist pa naman si achi. Dalawang beses nga siyang nag buntis tapos kambal pa parehas. Sobrang nakakatakot na nakakatuwa.

She gets obsessed with my brother when she's pregnant.

Bzzt. Bzzt.

Speaking of.

His phone's vibrating.

"Yes, Zeahbabes?" biglang parang naging anghel yung boses niya. I can't hear what Achi's saying on the other line. Napapikit si Ahia. Mukhang may kasalanan na naman siya. "Okay, okay. Kakausapin ko lang si shobe tapos pupunta na ako diyan..." Anong pag-uusapan namin? "Yeah... Okay na, okay?" huminga siya nang malalim. "I'm not mad... Oo na, I'm on my way."

I raise a brow. Liar liar pants on fire.

He then hangs up the call and stands up, taking a deep breath. "I have to go." He kisses me and mom. Before he leaves, he tells me we have to talk when he gets back.

"Ngayon na sana kita kakausapin, pero ang clingy na naman ni Zeah. Pagdating ko sa office niya, siguradong nakakabit na naman yung mga pictures ko."

Nanlaki parehas yung mga mata namin ni Mama. We look at each other, then at Ahia. "Is she pregnant again?" sabay naming tanong.

"What do you think?"

"Seryoso ka ba diyan, ahia?" Okay lang naman dahil may pamangkin na naman akong aalagaan, pero hindi ba masyado na silang busy para magdagdag pa ng isa?

Sabagay, medyo malalaki naman na yung apat.

I shrug. "I wanted another one."

"And she agreed?" mom asks him, smiling dearly. For sure, excited na siya dahil may bago na naman siyang paglalaruan.

Have I Told You (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon