Chapter 2

21 2 0
                                    

DANICA.

Nagising ako at may bumungad sa aking mukha. Si Kean? Pati ba naman sa panaginip ko, nakikita kita? Tama, nananaginip lang ako. Pero sana, totoo to, babe.

Ngumiti ako at ngumiti din siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngumiti ako at ngumiti din siya. Aww, ang handsome talaga ng babe ko

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Nanatili lang akong nakangiti habang pinagmamasdan siya sa panaginip ko.

"Ah, miss? Nakakapagsalita ka ba?" Ano ba, babe!? Bakit mo naman ako binibiro ng ganyan. Syempre, oo.

"Pipi ata to." Bulong niya sa sarili niya at nagkamot siyang ulo. Ang cute naman ng babe ko.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong niya habang nagsasign language. Bakit ang gwapo mo kahit saang anggulo? Perpekto ka ata eh, andaya mo naman.

Kumuha siya ng isang baso ng tubig at ibinuhos iyon sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagkalunod. Grabe! Bakit niya ginawa yon?

Natigilan ako saglit. Kung nalunod ako sa tubig, ibig sabihin hindi ito panaginip!? Kinurot ko ang pisngi ko at nasaktan ako. Ibig sabihin, totoo to!? Wah! Kung totoo to, bakit ako nandito?

Hindi parin ako kontento na totoo ang lahat ng ito kaya naman binato ko siyang tsinelas. He mouthed the words 'Aww.'

"Miss, ano bang problema mo!? May sayad ka ata eh. Kung hindi ka parin makapaniwalang nandito ako, ikwekwento ko sayo. Kanina kasi, tatawid ka, pero di pa kita nababangga, nawalan ka agad ng malay. Natakot ka ata eh." Ah, natatandaan ko na. Muntik na nga pala akong mabangga kanina.

Pinilit kong umaktong normal sa harapan niya.

"Ah, salamat. Akala ko kasi nasa panaginip ako. Kaya hindi ko pinapansin sinasabi mo. Nasaan nga pala tayo?" Ngumiti ako na para bang nahihiya.

"Nasa condo ko. Babalik ako doon sa concert area kapag ayos ka na. Tingin ko naman ayos ka na? Kaya pwede na ba akong bumalik?" Natulala lang ako sa kanya at ng malaman kong tunay to, halos di na ako makahinga hanggang sa-

BLANK.

-Fastforward-

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Akin tong kwarto, ah? Paano ako napunta dito? Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Mama. Nanatili akong tahimik.

Baka inuwi na ako kagabi ni Kean. Tuwing maaalala ko iyon, kinikilig ako.

"Anak, kamusta ang umaga mo?" Nagulat ako sa tanong ni Mama. Kamusta ang umaga ko? Ayos na ayos, Mama.

"A-ayos naman po." Nanatili siyang nakatingin sa akin kaya naman nagsalita ulit ako.

"M-mama, paano ako nakauwi?" Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Ano, ah... Magbreakfast na tayo? Naggawa ako ng paborito mong sandwich. Mag-ayos ka na at bababa na ako." Dali-dali siyang umalis na para bang may gustong-gusto siyang sabihin. Ano naman yon?

Naghilamos lang ako at bumaba na para kumain. Tahimik lang kaming kumakain kaya naman tinanong ko kay Mama kung bakit.

"Mama, may gusto ka ata sabihin?" Humigop siya ng kape at nagsalita. Unti-unti siyang nagmumukang galit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lucky Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon