Fun Run

93 9 16
                                    

Ting Ting Ting Ting!!



Uhhhhhhhh.......











Awwwwwwchhh!!!!





Nagising nalamang ako sa sakit.



Pano ba naman nahulog ako sa kama.

Late na pala ako sa school. Kung bakit naman kasi 6 am ang start ng klase eh, eto tuloy lagi na akong late ng 20 minutes.

Dali dali na akong bumangon at pumunta sa kusina para makakain na.
"Nako naman.." pag aalala ko.
Ang tindi kasi ng ulam ehh....
Yung ulam kagabi

-sinigang -_-

" Di bali na nga lang" sabi ko sa sarili ko at kinuha ko na ang towel ko at naligo. Pagkatapos ay naglakad na ako papuntang school.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong dalawang aso, ung isa ay mukhang askal at ung isa naman ay mukhang rottweiler. Napatawa nalang ako kasi kamukha nung isa ung kaklase ko na si Nikko.

Ngunit mukhang mamalasin ata ako. Iba ang tingin nila sa akin, yung mukhang manghahabol. At yun nga........

Tumahol sila at mukhang pupuntahan na ako.

Sa mga ganitong sitwasyon alam na ang gagawin....

Kumaripas ako ng takbo at dun na sila nanghabol.

ARF! ARF! ARF!

Tumakbo na ako nang napakabilis na para bang wala nang bukas. Dineretso ko na ng walang hinto sa highway.

Beep!!

Hoo!! Muntik na akong mabangga ng isang jeepney. Buti nalang at mabilis ako, wala na din ang mga ulol na asong yun.

Paglapit ko sa tapat ng gate ng school ay tinignan ko ang relo ko. " 6:10" am na pala, kahit papano ay di naman ako masyadong late.

Tumatagaktak na din ang pawis ko dahil sa ginawa kung fun run. Pumasok nako ng room at nag greet sa teacher ng - " Morning Mam!".

Nagtataka siguro kayo kung bat walang " Good"?, ehh kasi di naman maririnig yang word na yan ehh.

Umupo na ako sa upuan ko sa likod. "Hayysss.."kahit kailan amboring talaga ng subject na ito.
May tumabi sa akin sa bakanteng upuan sa tabi ko dahil nga absent ung katabi ko.

"Pre dala mo ba gitara mo" sabi niya, si Samuel pala. "Hindi ehh" sagot ko. "Bakit eyy,may ituturo ka pa sakin diba?" tanong niya. Tumungin nalamang ako sa teacher at hindi na umimik.

Pagkatapos ng klase ay niyaya ko ang mga barkada ko na umihi. Pag punta namin sa palikuran ay sumingaw na ang nakakasulasok na amoy. Umihi na lang kami sa likod ng palikuran sa may malapit sa puno. Pagkatapos namin ay naka amoy kami ng usok ng sigarilyo.

"Nako,nako, nako nako! Yosi pa!"
Parinig ni Alfredo sa mga estudyanteng nagyoyosi.

"Akala nila cool sila, ehh mukha naman silang tambutso!!" Pabulong na sabi ni Rene.

"Ahahahahahahahah!" Di na namin mapigilang tumawa dahil sa banat ni Rene.

"Tara na nga, baka kung ano magawa nila satin!" Pag aaya ko.

*9:30 am

Dumating ang bago naming teacher.

"Good morning class , I'm Mr. Rony Dimagmintis."

( tawanan kaming mga lalaki. "Siguro basketball player to, halata sa apelyido ehh, hahahahahahaha!" sinabi ng patawa ni Samuel. Mas lalong lumakas ang tawanan namin.)

" You can call me sir Rony. Now that I've introduced myself, I want you to introduce Nikko elf in front."

(Eto na naman tau sa introduce yourself na yan. Napatahimik kaming naman kaming lahat dahil sa sinabi ni sir.)

"Starting at the back"

*natulala ako dahil ako ang pinakadulo sa likod.

"Pucha wala pakong rehearsal ehh, badtrip!!"

Tumayo na ako at pumunta sa harap.



----------------
Sige , salamat sa pagsasayang ng oras😂

Ohh dba, walang kwentang story!😂

Pa upvote sa mga klasmeyt kong nagbasa😂

Wag kau mag alala, wala na tung kasunod😂😢

High LifeWhere stories live. Discover now