Kamao

59 5 18
                                    




----------------------------

Etoh nga nasa harap na ako ng klase.

Ano kaya sasabihin ko?


Bahala na .....

"Good Morning everyone, I'm kled Manansala. I'm 15 years old, and as you can see, im tall. My hobbies are playing LOL, singing (in the bathroom), and  playing guitar".

"Hoooo! Lol pa! Ahahahahah!", hiyaw ni renz habang nakatayo silang mga lalaki para suportahan ang speech ko.

Langyang mga kaibigan -_-

Umupo na ako sa kinauupuan ko pagkatapos ng introduction ko.
Sumunod naman ang katabi kong puro lalaki, magtabi-tabi ba naman kasi. Tapos yun sumunod nga si Samuel. Hindi na din ako nakinig dahil mayroong abalang di ko kilala ang nag chat sa akin.

*Sa messenger

"Hai kuya kled!"

(Hala sino kaya tong epal na to?)

"Bakit?", reply ko

"May itatanong lang sana☺"

"Ano un?"

"Sino crush mo?"

( chismosa alert)

"Bakit gusto mo malaman?", reply ko agad.

"Para sa interbyew lang" reply niya.

( halatang chismosa talaga ehh)

"Wala", reply ko.

"Mr. Manansala!, using celphone during class are prohibited!", sermon ni sir.

Tinago ko na lang bigla ang cell phone ko dahil sa sinabi ni sir. So yun nga,nakinig na lang ako sa mga introduction sa harap. Kakatapos lang pala ni Alfredo. Sumunod si Catherine, ang klasmeyt kong babae simula Grade 7.

"Good morning everyone. I'm Catherine Cuison from Dagupan city, I'm 15 years old and my hobbies are playing guitar, reading books and drawing" sabi niya ng parang walang gana.

My POV

*(Dugdug dugdug dugdug)

Ano ba tong nararamdaman ko?

Sa tuwing nakikita ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko.

Sino bang hindi magkakagusto sa kanya?

Halos nasa kanya na ang lahat.

Maganda, matalino, mabait at talented.

Siguro nga gusto ko na siya.

Di ko maipaliwanag tong nararamdaman ko.

Hays, buhay binata nga naman.

Natapos na nga ang introduction ng lahat. Nagdismiss na si sir. Lumabas na kaming mga lalaki para magrecess. Bumili na nga kami ng pagkain pero dahil sa dami ng bumibili ay nagkahiwalay kaming mga lalaki.

"badtrip naman oh, kung kailan wala akong agahan eh." reklamo ko.

Pagkatapos ng halos sampung minutong pagpila ay sa wakas nakabili na din ako ng pagkain ko.

" Asan na sila?", na tanong ko sa isip ko dahil wala na ang mga barkada ko.

" Mga tunay na kaibigan talaga"
-_-  pabulong kong sinabi.

Dahil wala nga ang mga barkada ko ay naghanap nalang ako ng bakanteng lamesa. Sa paghahanap ko nakakita ako ng isang bakanteng upuan na may nakaupong babae sa tabi. Dahil nacu-curios ako ay tinignan ko kung sino.

Si Kath pla .
(Catherine)

My POV

This is my chance! Kailangan ko ng piralin ang hokage instinct ko!
Kakapalan ko na ang mukha ko.

Walang ano-ano ay pumunta ako sa lamesang iyon. Umupo na ako ng may pagkagentle at nilapag na ang pagkain kong spaghetti.

Binagalan ko lang ang kain ko at tumahimik lang ako.

"Ang ganda mo talaga", sabi ko sa sarili ko habang palihim na sumusulyap sa kanya.

Hindi rin siya makatingin sa akin ng mata sa mata siguro nga dahil medyo di siya close sakin.

Bigla siyang tumingin sakin at sinabing, "May dumi ka dito oh" *sabay turo sa gilid ng labi niya.

"Ahhhhh, salamat" tugon ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko.

"Mauna nako ha" mabilis niyang sagot.

"Sige lang" mahinahon kong sagot.

Nauna na ngang bumalik si Kath sa room. Paubos na din ang kinakain ko kaya binilisan ko na ang pagkain dito. Nang matapos ako ay umalis na ako sa canteen papuntang room.

Habang naglalakad ako ay napaisip na naman ako.

"Sayang talaga ung kanina. Umiral na naman kasi ang pagkatorpe ko eh."



"Ligawan ko kaya siya?"

"Siguro sa tamang panahon na lang."

"Kailan ba ang tamang panahon?"

"Ang hirap talaga maging torpe."

*Natigilan ako sa pag iisip dahil sa naring kong kalampag malapit sa palikuran.

Baaaaaam!!

Kumaripas agad ako ng takbo palapit sa palikuran.

At doon nakita ko si alfredo, duguan at  nakayuko.

Inabangan pala siya ng mga yosi boys.

Nang akmang susuntukin na siya ng isa sa mga ito ay binigyan ko ng mabilis na suntok ang lalaki.  

Napahiga sa sakit ang lalaki at dun  nga'y inalalayan ko ng tumayo si Alfredo.

"Lumaban kayo sa kasinglaki niyo!!" galit kong sigaw.

Dahil sa galit ko ay sinara ko ang dalawa kung kamao na akmang handa nang manuntok ng mukha.

Di na nakaimik ang mga yosi boys dahil na din siguro sa takot nila sa akin.

OK ka lang ba pre?
Tanong ko.











Tapos na ending na

--------------------------
Yun na ung ending, nabugbug si Alfredo😂

See u👍

















High LifeWhere stories live. Discover now