Chapter 30

385 11 0
                                    

Ara's POV

Hay naman buhay.. Nandito ako ngayon sa kwarto namin ng bullies. Nagmumukmok. Naghahanap ng paraan kung paano ako hihingi ng paumanhin kay Ate Aby. Huhu
Nung kinwento ko nga ang lahat kay Ate Liss ay siya nga rin ay nagulat. Pero sinabihan niya ako na hindi na ito mauulit pa. Matawagan nga si Thom..

Dialing Thomas....

Phone Convo:

Me: Hi T-Thom *medyo nauutal*

Thomas: Hello Ars? Oky kalang ba? Sinabi sakin ni Mika ang nangyari. Sorry talaga.

Me: Di mo kailangan magsorry thom. Haharapin ko to. Hihingi ako ng tawad kay Ate Aby.

Thomas: Sasamahan kita Ars. Pupunta ako diyan mamaya at tayong dalawa ang magpapaliwanag.

Me: Nako, wag na thom. Andami ko nang abala sayo. Kaya ko na to.

Thomas: Ara, sagutin mo nga ako. Ano ba kita?

Me: Girlfriend.

Thomas: Hindi lang girlfriend yung turing ko sayo Ars. Buhay kita. At ayokong masira ang buhay ko. Haha

Me: ehhhh. Corny ko Thom. Pero seryoso nga, Sure ka bang pupunta ka dito mamaya?

Thomas: Oo nga Ars. Wag matigas ang ulo. Sige na, magpahinga ka na muna diyan. Wag mong isipin yun masyado. Kaya natin to.

Me: Sige thom. Salamat. See you later. Love you.

Thomas: I love you more Ars..

*hang up*

Sa kabila ng mga nangyari ay maswerte din pala ako dahil may Thomas na handa akong protektahan.

Aby's POV

Hala grabe Hindi ako makapaniwalang magawa KO yun Kay Ara.  Nadala lang naman ako ng galit.  Pero tama naman siguro yun para matauhan siya.

Naghahanda na kami para sa aming hapunan nang biglang dumating si Liss. 

Liss: Aby may bisita tayo..

Me: Sino Liss? *habang nagaarange ng table*

Liss: Si Thomas nandun sa sala.  Gusto ka raw kausapin.  Puntahan mo na, tawagin ko lang si Ara.

Buti naman at nandito siya.. Agad ko namang inayos ang sarili ko at pumanikna papuntang sala..

Me: Oh Thomas. Tamang tama at gusto kitang makausap.

Thomas: Magandang gabi po ate Aby.  Tungkol po pala dun sa-

Me: Alam mo naman diba na bunso namin yang si Ara,Thomas. At ayaw na away ko na nasasaktan yan. Wala dito ang mga magulang niya kaya ako na ang tumayong nanay nya kaya responsibilidad ko ang ingatan siya.

Thomas: *nakayuko* Alam ko po ate. Nangyari lang naman yun dahil wala ako sa tabi niya noong nangyari yun. Pasensya na talaga ate.

Me: yun na nga eh. Di lahat ng oras nasa tabi ka niya kaya kahit anong oras o araw maaring may manakit sakanya. Thomas ginagawa ko lang to dahil I care sa inyong dalawa. Ayusin mo muna to thomas.  Siguraduhin mong wala nang mangyayaring masama sa kanya.

Thomas: Sorry po talaga Ate.  Pangako aayusin ko to.

Me: Wag kang mangako thomas. Gawin mo. Di ako galit sa inyo ni Ara. Wag na sana to mauulit.

Thomas: Makakaasa ka ate.  Salamat po.

Pagkatapos naming mag usap ay ang siyang pagbaba naman ni Ara.  Hayyy di ko talaga matiis tong batana to.

Nakita kong parang naguusap sila ni Thomas.

Me: Sumunod na kayong dalawa sa dining room at maghahapunan na. 

Agad naman silang tumango at tumungo na agad ako sa kusina.

A/N:
Bawi ako sa susunod.  Lame update.  Hihi

365 Days with Ms. MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon