Epilogue

409 22 3
                                    

Kinakabahang tinahak ni Thomas ang daan papunta sa isang puntod dala ang napakagandang basket ng bulaklak.













Dadalaw siya sa isang taong naging dahilan ng kasiyahan niya ngayon. Nais man niyang pasalamatan ito ng lubos subalit wala nang pagkakataon sapagkat nagpapahinga na ito ngayon.

















"Sorry kung ngayon lang ako nakabisita ulit."











Inilapag niya ang dalang bulaklak sabay luhod sa harapan ng puntod at Iginala ang kanyang mga daliri sa nakaukit na pangalan sa harapan niya.















"matagal na rin nung iniwan mo kami.... Parang kahapon nga lang eh. Pero I know God has a plan, at dahil dun nakilala ko siya. Pareho nga kayo eh, mapagmahal at maalaga, makulit rin. Bigla kitang namiss. Pero alam kong masaya kana ngayon sa nakikita mo."





















Napabuntong hininga siya sapagkat alam niyang wala nang sasagot sa kanya.









"Pasensiya na't hindi ko siya nadala ngayon. Medjo busy pa eh. Hayaan mo, sa susunod dadalhin ko siya. gusto ka nga niyang dalawin eh."
















Napapahid naman si Thomas sa mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi, hindi dahil sa pighati ngunit dahil sa saya. Nakaukit sa kanyang mukha ang ngiting panandaliang nawala.
















"Alam kong gusto mo na kong maging masaya, kaya gusto ko na pong magsettle."















Tumayo na siya at nagpaalam. Alam niyang, naging successful ang misyong ibinigay sa kanya.













"Yayayain ko na pong magpakasal si Ara. Lolo Alberto. Di ko na po siya pakakawalan pa."

*******************


1 message received

From: Ara <3

Thomthom, asan ka na ba? Antagal mo naman. Magsisimula na yung ribbon cutting.



To: Ara <3 Papunta na. pasensiya na Ars, may dinaanan pa kasi akong importante.















Agad naman siyang nagdrive papunta sa restaurant na itinayo nina Carol at Ara. Sa kabila ng mga pagsubok ay nagawa pa rin nilang tuparin ang kanilang mga pangarap.














Ara: Uy Thom, nandito ka na pala.. tamang tama.. tara na!












Sumunod naman si Thomas sa kanya. Saktong kumakain na ang lahat nung dumating siya. umupo naman siya sa tabi ni Ara kasama ang kanilang barkada.













Carol: nandito na pala si Mang Thomas. Para sa success ng dream business namin ni Ara! At para sa second Life niya. CHEERS!










All except Carol: CHEERS!














Ngayon lamang sila nagkaroon ng ganitong reunion mula nung umuwi si Ara sa Pilipinas mag-iisang taon na ang nakaraan.













Tatlong minute matapos siyang ideklarang patay ay may nangyaring himala. Bumalik ang kanyang heartbeat at naging stable na ang kanyang lagay. Naging successful ang ginawang operasyon sa kanya kaya ganun na lamang ang pasasalamat ng lahat para sa pangalawang buhay ni Ara.

















365 Days with Ms. MVPWhere stories live. Discover now