WARNING: MEDYO SPG. read at your own risk, please.
Kabanata 55
For Real
Ilang araw ang nakalipas nang nagkatotoo na ang concert nina Wade. Papasok na sana ako sa loob nang biglang nag materialize si Rozen sa gilid ko.
Napalingon halos lahat ng babaeng nakapila doon. Kahit na VIP ang ticket ko, mahaba parin ang pila. Ngumuso ako at nag iwas ng tingin sa kanya. Paano ba kasi, naka suit ang mokong, nakakasilaw ang kinang ng kanyang earring at nakakagulantang ang malaking palumpong ng rosas na dala niya.
"OH GOSH! DIYOS BA YAN?" May narinig akong sumigaw sa unahan.
Umubo si Rozen para maagaw ang atensyon ko. Nilingon ko naman siya agad at nakita ko ang nakakapanindig balahibong ngisi niya.
"Let's date." Aniya.
Kumunot ang noo ko, "Manonood ako ng concert nina Wade. Isn't it obvious?" Tinaas ko ang kilay ko.
"Bakit ka manonood? Anong meron? Lagi mo namang nakikita si Wade, a?"
Nagkibit balikat ako.
"Ang galing kasi nila."
Nakita kong nag pout siya. Umangat ang labi ko sa kacute-an niya. At tuwing tinitignan ko ang labi niya, wala akong naisip kundi yung ginawa naming dalawa nung honeymoon. Uminit ang pisngi ko.
Galing sa pagkaka-pout ng kanyang labi ay ngumisi siya. Mas lalo na lang uminit ang pisngi ko dahil alam kong alam niya kung ano ang iniisip ko.
"Wanna do that later after our date?"
Hinampas ko siya sa kahihiyan.
"Tseh! Wa'g ka nga!" Nag iwas ako ng tingin.
"Kaibigan sila ni Wade?" May narinig naman akong parang bubuyog na nagbubulungbulungan sa mga nakapila.
Nilingon ko ang nagbubulung bulungan. Pero bago ko pa mahanap kung sino iyong nagsalita ay may lumapit na sa akin.
"Hello, excuse me. Narinig namin na friends kayo ni Wade, pwedeng magtanong?"
Hindi pa nga ako umo-o ay binaha na ako ng tanong.
"Anong paborito niyang kulay? Sino pa ang mga close niya in real life? Kailan ang monthsary nila ni Shan?"
Hinigit agad ako ni Rozen palayo doon sa pila. Pinasok niya ako sa sasakyan.
"Rozen!" Sigaw ko sabay sapak sa kanya.
"Gusto mo bang dumugin ka doon?" Nilapag niya ang mga bulaklak sa hita ko.
"Eh gusto kong manood."
"Bakit ba?"
Walang pasubaling pinaharurot niya ang kanyang sasakyan patungo sa daang di ko alam kung papunta saan.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
RomanceElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...