Entry#3

1 0 0
                                    

Dear Crush,

Last week na ng pasukan namin at sembreak na. Kaya naman I was hoping na makilala na kita.

Sigurado ako gwapo ka kaya naman nag-iisip ako ng lugar na maari mong tambayan.

Kaya naman nung nakachat ko kanina si Xid ay nagtanong ako.

Friend ko siya from the states at long story siya kaya next time ko na ikukwento kapag nakita na kita at kapag ipinakilala kita sa kaniya.

At ayun na nga tinanong ko siya kung saan siya madalas. Kasi gwapo 'yung kanong iyon kaya baka naman pareho kayo ng tambayan. You know naman ang kasabihang same feather flock together kaya baka naman may kasabihan din na same faces bond together.

Tapos sabi niya madalas siya sa bar with friends. Tapos kapag may mga party ng mga ka-schoolmate always present siya.

Eh ang kaso minor ako. Kaya bawal sa bar. Saka sana wala ka talaga sa bar kasi ayoko ng manginginom na crush at wala naman akong classmate o ka-schoolmate na nagpapaparty.

Kaya sa plan B ako. Kay Fire ako nag tanong.

Si Fire naman ay 'yung kababatang childhood enemy ko na di na ngayon. Crush pag pinakilala kita sa kaniya 'wag mo siyang susuntukin ah! Kasi baka magalit ka dahil sa mga pinaggagawa niya sa akin noon.

Wag ganun crush! Nakaganti na naman ako eh. Ayoko din kasi na nakikipagbasag ulo ka. Tama na 'yung ako na lang.

Ayun nga sabi niya bakit ko daw tinatanong sabi ko for research matter. Pero di ko na sinabi na research para mahanap kita.

Tapos sabi niya just stick with him at makakakita daw ako ng gwapo.

Kaya wag ka magagalit kung mapapadalas ang pagdais ko sa kaniya ah! Hinahanap lang naman kita. Saka gwapo kasi siya kaya naniwala na lang ako.

Love

Coco.

DE: Book 2 Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon